Chapter XX

27.4K 597 41
                                    

Charter XX

Lee's POV

My amang was shot na ikinamatay nya kaya hindi ko natupad sa kapatid mo ang pangako kong aayusin ko ang gulong nangyari noon."

"At pinaabot mo ng ganito katagal para ayusin? O baka naman nagpakasasa ka muna sa pera na ninakaw nyo?" Pang iinsulto ko dito.

Tumayo ito at sinakmal ako sa kwelyo.

"Nawalan din ako putangina!"
Galit na sigaw nito sa mukha ko.

"Putangina mo rin! Kung ganun ay anong dahilan mo?" Malakas ko itong itinulak na ikinasadsad nito sa sahig.

"Papatayin nya si Hollie at ang anak ko.." Mahina nitong usal na nagbaba ng tingin. "Pinili ko munang manahimik at sundin ang sinabi ni Marga na magsimulang muli kapalit ng pera ng mga Ricafort para protektahan ang mag ina ko."
Hindi ako makapaniwala sa sinabi nito.

"Akala ko ba ay anak iyon ni Lyndon?"
Naguguluhan na ako.

Umiling ito at sinabi nito ang naging kaugnayan nya sa mag ina.
Gustong bumaliktad ng sikmura ko sa mga narinig ko, pero mas nanaig sa akin ang para awa dito.

"Kaya nyang patayin kahit sarili nyang anak?"

"She's not.." Nag-angat ito ng tingin sa akin bago bumuntong hininga ng malalim. "Anak sya ni Mr Castillo sa ibang babae na ipinapatay ni Marga nun sanggol pa lang si Hollie. She's a victim too." Nagpapaintindi nitong pahayag.

Hindi ako halos makagalaw nang matapos ikwento ni Alden ang lahat lahat. Kung paano pinalabas na car accident ang pagkamatay ni tito Paul dahil nalaman nitong may ebidensya ito laban sa perang ninakaw nya. Salamat pa rin sa Diyos dahil nakaligtas si mommy. Pati na rin ang pagkaka framed-up ko sa kasong illegal drugs ay kagagawan din nito.

The girl whom I almost fall.. Binayaran ito ni Marga para maglagay ng drugs sa condo ko.
Pero ano ang dahilan ni Marga sa lahat ng ito?

"Now you know my reason. Kaya unahan na lang tayo kung sino ang papatay sa demonyong iyon. And one more thing.." Tumingin muna ito sa akin na parang may pinakikiramdaman pa ako. As if may bagay pa bang nakakagulat maliban sa mga sinabi nito.
"What?"

"May mag ina ka ring dapat protektahan Lee."

____________
Lyndon's POV

Natapos na rin ang party ni Xander at nagpaalam si Hollie na uuwi na muna sa bahay na tinitigilan nila.

Dumating na din si daddy matapos itong tawagan ni mommy at sabihin ang tungkol sa anak ko.

"May karapatan tayo sa anak mo Lyndon at lalaban tayo." Galit na wika ni daddy matapos ikwento ni mommy ang lahat.

"Alberto! Hayaan mo ang anak mo ang umayos sa gusot na ginawa nya. Maawa kayo kay Heleina." Naririnig ko sila pero nakatuon ang pansin ko sa picture ng kapatid ko. Tama si mama, magkamukha sila, except lang sa mata. It's her mom's eyes.

"Anak Lyndon? You will still marry Hollie, right?" Tanong ni daddy na nakaagaw ng pansin ko.

Nagpahid ako ng luha kong naglalandas sa pisngi ko nang hindi ko namamalayan.

"Dad, yan pa rin ang iniisip mo sa ganitong siywasyon?" Hindi ko maiwasang hindi sumama ang loob. Alam kong gusto nya si Hollie para sa ako dahil anak ito kaibigan nya, pero sana naman bilang ama ko maramdaman naman nya yun sakit na nararamdaman ko.

"Bakit? Dahil ba sa nalaman mo uurong ka na? Paano si Xander?"

"At paano si Tiffany?"

"Pwede syang i-adopt ni Hollie. Mas may future sya kung kayo ang magpapalaki sa kanya."

"No!" Tumayo na ako at nakaramdam ng matinding galit sa sarili kong ama. "How can you easily say that dad? Ni wala akong hirap sa anak ko, tapos sasabihin mo yan?" Masakit tanggapin pero totoo.

"Kung nakita mo lang kanina kung gaano katakot sa akin ang anak ko dad..para akong unti unting pinapatay sa sakit tapos ngayon gusto mong ilayo ko sya sa sarili nyang ina? Ni hindi ko alam kung paano hihingi ng tawad sa pang iiwan ko sa kanila.. Ni hindi ko alam kung paano magsisimula." Halos pabulong na lang lumabas ang mga huling salita sa bibig ko.

"Anak Lyndon." Para itong natauhan sa mga sinabi nito kanina.

"Dad..suporta lang ang kailangan ko sa inyo ni mommy..wala nang iba... Please."

"I'm sorry son." Lumapit ito at niyakap ako.

_____________
Heleina's POV

"Anung ibig nyong sabihin? Paano nangyari?!" Halos naghihisterya na ako sa mga sinabi nila. Paano kung kunin ng lalakeng iyon ang anak ko? Hindi ko yata kakayanin.

"I'm so sorry Lei, nakalimutan kong sabihin kay Bryan." Umiiyak si Amanda na lumapit sa akin para kalmahin ako pero tinabig ko ang kamay nito.

"Nakalimutan mong sabihin kay Bryan kasi busy kayo ni ate Maya'ng tulungan mag decorate ng birthday party ang bago nyong kaibigan?" Hindi ko maiwasang hindi sumama ang loob. Kasi ganito na lang ako.

"No Lei."

"Anung hindi? Totoo naman diba? Hindi nyo na kasi ako kauri ngayon pero sana naman diretchuhin nyo ako. Hindi ko rin kailangan ang mga taong kagaya nyo." Hindi ko alam pero siguro ay dahil sa takot para sa mga mangyayari ay napagsalitaan ko ito Ng bagay na agad ko rin pinagsisihan.

Sa halip na sumagot ay isang sampal ang ibinigay nito sa akin na nagpa-alarma kay Bryan at kay mommy.

"Ganyan ba ang tingin mo sa amin Lei?! Bakit ako ba noon kauri nyo? Hindi rin naman diba? Ang hirap kasi sayo lahat sina sarili mo! Nagtatapang tapangan ka kahit hindi mo na kaya!"

"I'm sorry.." Hindi ko napigilang ang paghagulgol. "I'm scared. Paano kung kunin niya si Tiffy?"

"He won't." May nagsalita mula sa may pinto na ikinalingon ng lahat.

"Tita Loren.." Nanghihina kong tawag dito.

"Anak bakit hindi mo sinabi sa akin? Alam mong mahal kita na parang tunay kong anak at hindi ko kukunsintihin ang mga katangahan ng anak ko." Lumapit ito sa akin at niyakap ako habang umiiyak din. "She's beautiful and thank you for naming her after her aunt."
Bumitaw ito sa akin nang hindi ako nagsalita at tiningnan ako.

Tumango na lang ako dahil hindi na ako dito. Pakiramdam ko ay kakapusin ako sa paghinga sa oras na ibuka ko uli ang bibig ko para magsalita.

"Mommy..c-cant b-breath..." Hindi ko alam kung narinig iyon ni mommy dahil nagdilim na ang paningin ko.

__________
Maya's POV

"Ilang araw makukuha ang results?"

"Three days to one week mam."

"Okay, Gusto ko ng dalawang kopya."

"Yes mam."

Kung tama ang hinala ko ay siguradong masisiraan ng bait si Lyndon.

Sa ilang beses naming pagsunod ni Amanda Kay Hollie at dun sa Alden ay napansin ko ang malaking similarity nito kay Xander kaya ako mismo ang aalam sa katotohanan.

Habang ginagamot ni Mark ang gasgas ni Tiffany nun birthday ni Xander ay dinalhan ko ng tubig si Lyndon. Ako din ang kumuha ng basong ginamit nya para ibalik sa kitchen dahil kailangan ko iyon. About Xander naman ay mabilis lang dahil isang hibla lang ng buhok nito ang kailangan.

Sa mga kasalanan ng matatanda ay dalawang bata ang sobrang mahihirapan.

Especially si Tiffany.
She's so dear at hindi tama ang ganitong nangyayari.

She deserves a happy and normal life, just like the other kids.

____________
Thank you for reading!

Vote.comment.fan

lovingly_yours007

04-30-2015

Lyndon's Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon