Chapter XVI
Present
Heleina's POV
"Put me down!"
"No, please stay still dadalhin kita sa hospital." Pumiyok ang boses nito at ramdam ko rin ang panginginig ng katawan nito.
Nanghihina na rin ako at kinakapos sa paghinga kaya hinayaan ko muna ito hanggang sa makarating kami sa parking lot.
Narinig kong may tumunog na kotse meaning ini-unlock nito iyon.
"Give me my bag." Matapos ako nitong ibaba ay hinihingal kami parehong nakatayo lang sa harap ng sasakyan nya.
Iniabot naman nito sa akin iyon bago buksan ang passenger seat.
Kinuha ko sa loob ng bag ko ang cellphone na ibinigay ni Mark para tawagan ito.There is no way in hell na sasakay ako sa sasakyan nya. And worst ay dadalhin ako sa hospital!
"Hello Mark, please sunduin mo na ako."
"What are you doing?" Hinablot nito ang cellphone sa kamay ko at inilagay iyon sa bulsa nya.
"Please Lyndon, pauwiin mo na ako.Pagod na ako at gusto ko lang magpahinga."
Kahit ang makipagtalo dito ay nagdudulot sa akin ng pangangapos ng hininga."No. Please Lei, kahit ngayon lang, you're sick, can't you see?!"
"Please ayoko..." Hindi ko na napigilan ang luha ko.
Takot akong pumunta sa hospital dahil ayokong malaman na may sakit ako. Sawa na ako sa masamang balita mula sa mga doctor. First, nun sabihin nilang hindi nila nailigtas si daddy, second, ang kalagayan ni mommy tapos ang huli ay sa anak ko."Why are you being so stubborn Heleina?" Galit ako nitong hinawakan sa braso ko at pinilit ipasok sa loob ng sasakyan.
_____________
Lyndon's POVHindi ko sya pinansin kahit gustong gusto ko syang yakapin.
Umiiyak pa rin ito na nakatakip ang dalawang kamay sa mukha.
Sa tuwing maririnig ko ang paminsanan nitong pag ubo ay napapatapak ako ng madiin sa gas ng sasakyan ko.Buong buhay ko ay ngayon lang ako nakaramdam ng ganito katinding takot.
"We're here." Pumitlag ito nang tanggalan ko ng seatbelt.
"Please.. Kahit ngayon lang makinig ka naman sa pakiusap ko Lyndon." Nagsusumamo nitong bulong na tumingin sa akin.
Parang bumalik ako sa nakaraan sa sinabi nito.
Nakiusap sya noon pero hindi ako nakinig. I was hurt."No."
"I'm so scared." Humikbi Ito at umiyak uli.
Parang binibiyak ang puso ko sa hitsura nito.
"I'm here, you don't need to be scared.. Andito lang ako Lei." Kinabig ko ito at niyakap. Anong ikinatatakot nya?
Hinayaan ako nitong yakapin lang sya. Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nasa ganun posisyon.
"After this Lyndon, gusto kong wag ka nang makikialam sa buhay ko. May kanya kanya na tayong buhay. I'm no longer part of your life, and so you are." Biglang naging malamig ang paraan ng pagsasalita nitong kumalas sa bisig ko. Wala yun kaninang Lei na any moment ay parang mababasag.
Binuksan nito ang pinto ng passenger seat at naunang lumabas.Bumuntong hininga ito ng ilang beses bago pumasok sa entrance ng hospital.
Nakatingin ako sa natutulog na si Heleina nang maramdaman kong bumukas ang pinto at pumasok ang doctor.
"Mr Gallardo, I want to discuss about your wife's condition in my office, please follow me." Tumalikod na ito at lumabas muli.Tumingin muna ulit ako kay Lei bago sumunod dito.
Tinawagan ko din si mommy kanina para papuntahin dito.Kinailangan turukan ng pampatulog si Lei dahil na rin sa walang patid na pag ubo nito.
Matapos kong umupo sa harap ng table nang doctor ay itinuro nito sa akin ang may hindi kalakihang monitor na naka hang sa wall. Sinabi nitong iyon ang x-Ray ni Lei at itinuro nito sa akin ang mga spot at damage sa lungs nya.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy Mr Gallardo. Your wife has a Bacterial Pneumonia, it's the common case of Pneumonia pero sa case ni Mrs Gallardo ay kailangan ng mahabang gamutan. Tatapatin kita, kung hindi agad naagapan o nahuli ka ng ilang araw pagdadala sa kanya dito sa hospital ay maaring ikamatay nya ito. May na trace din kaming caffeine sa lungs nya which made it worse and that's the cause why she cough up with blood. Maaring mag fail ang lungs nya sa pag function at pwede rin maapektuhan ang iba pa nyang internal organs kagaya ng puso. Konektado lahat yan Mr Gallardo. Sa ngayon I'm suggesting for her two weeks to one month stay here in the hospital para sa iba pang tests and observations. Tuloy ang gamutan once na malalabas sya dito, sa ngayon ay delikado ang kalagayan nya at kailangan ng professional attention."
Hindi ako halos humihinga habang ipinapaliwanag ng doctor ang kalagayan nya. Sumisikip ang dibdib ko sa isiping paano kung hindi kami nagkita ngayon? She could've died.
"She can still be cured, right doc?"
"Of course. Pero kailangan mag-ingat, she's still in danger Mr Gallardo. Bawal magpagod, no smoking at syempre kailangan ng katawan nya ng healthy foods and healthy environment."
Tumayo na ang doctor at nakipagkamay sa akin.Nagpasalamat ako dito bago bumalik uli sa kwarto nya na nasa malalim na pag-iisip.
Yun sinabi ng doctor about smoking.
Is she smoking? Kahit isang beses ay hindi ko sya nakitang mag smoke noon.Si mommy agad ang bumungad sa akin pagkabukas ko ng pinto.
"Anak, anung nangyari, nasaan si Heleina?"
"What?!" Halos matumba si mommy nang hawiin ko ito para tingnan ang hospital bed nya at kasabay nito ay ang pagbukas ng pinto ng comfort room at iniluwal nito si Lei.
Mabilis akong lumapit dito at kinabig ito sa dibdib ko."I thought you've left me."
Itinulak ako nito.
Hawak nito sa kamay ang suot nitong hospital gown kanina at nakapagpalit na rin ito ng damit nito"I still have my manners. Hindi ako aalis ng walang paalam at since nandito ka na pwede na akong umalis. Paki bayaran muna ang bill ko, ipapaabot ko na lang kay Mark ang bayad."
Malamig nitong pahayag."Heleina, anak! Anung nangyari sayo?"
Lumapit si mommy dito at ito naman ang yumakap."Mrs Gallardo, pasensya na po pati kayo pala naabala." Pati kay mommy ay malamig ang paraan ng pagsasalita nito.
Napakapit sa braso ko si mommy sa tinuran nito. She used to call her tita."No. You will stay here wether you like it or not.You're sick at kailangan mong gamutin." Matigas kong utos dito.
Kung kinakailangan itali ko sya sa apat na sulok ng hospital bed ay gagawin ko.
"Nag-usap na tayo kanina na pagkatapos kong magpatingin ay hindi mo na pakikialaman ang buhay ko!"
Umubo uli ito ng sunod sunod at ikinumpas ang kamay sa akin nang tangka kong hihimasin ang likod nya na para bang sinasabing huwag ko syang hahawakan.
"Hija Heleina, tama si Lyndon kailangan mong magpagamot."
Kinuha ni mommy ang hawak nitong damit at iniabot sa akin bago ito inakay papunta sa higaan.Napapikit akong huminga nang malalim at pilit na pinakalma ang sarili ko.
"Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa magkaron ng utang na loob sayo."
Mabilis akong nagdilat nang magsalita muli ito at nagtama ang mata namin. Nakamamatay na titig ang ibinibigay nito sa akin.
"Just stay here. Kung ayaw mo akong makita aalis ako." Binalingan ko si mommy na malungkot na pinaglipat lipat ang tingin sa amin. "Mom, samahan mo muna si Lei dito, tatawagan ko si Mark."
Tinungo ko ang pinto at mabilis na lumabas.Masakit ang mga matalim na salita nito na humihiwa hanggang kaluluwa ko.
Sa Puso ko.
_______________
Thank you for reading!Vote.comment.fan
lovingly_yours007
04-26-2015
BINABASA MO ANG
Lyndon's Dirty Game
Fiksi UmumLaro. Laro ni Lyndon Gallardo na sa umpisa pa lamang ay alam na niya na talo sya pero sumugal pa rin si Heleina at gaya ng inaasahan, talunan syang iniwan nito.