Chapter XV

22.7K 539 27
                                    

Chapter XV
Past

Heleina's POV

Positive.

Tulala akong nakatingin lang sa pregnancy test na may dalawang lines.

Hindi ako mapakali kagabi kaya kinabukasan mismo ay bumili ako ng ilang brand ng pregnancy tester at lahat iyon ay positive.

Bigla akong nakaramdam na sana nandito si mommy para masabihan ko tungkol sa bagay na ito.

"I'm back.. Heleina?" Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Lyndon.

"Shit!" Mabilis kong simamsam lahat ng tester at itinago iyon sa bag ko.

Lumabas ako sa kwarto ko at sinalubong agad ako nito nang mahigpit na yakap.

"I miss you Mrs Gallardo." Bulong nito na hinalikan ako sa labi.

Hindi ako nagsalita.

"Are you okay? You look pale." Inilayo ako nito sa katawan nya at sinuri ang mukha ko.

"I'm okay, how was your trip?" Nilanpasan ko ito at kinuha ang susi ng kotse ko. Pupuntahan ko sila mommy sa bahay.

Narinig kong bumuntong hininga ito at sumunod sa akin.
"It's tiring, maraming demands si Dad. Hey saan ka pupunta?" Hinabol ako nito nang bubuksan ko ang pinto palabas ng unit ko.

Sinungaling!

Pinilit kong kumalma kahit gustong gusto kong sampalin ang hayup na ito.

"Magpahinga ka na Lyndon, pagod ka diba?"
Hinawakan ako nito sa balikat at iniharap sa kanya.
"Lei, may problema ba? You're acting weird." Hinimas nito ang pisngi ko.

Sinalubong ko ang tingin nito.

"Lyndon, anong nararamdaman mo kung magsinungaling ako sayo?"

Nag iwas ito ng tingin bago sumagot.
"Masasaktan? Maybe I will feel worthless?"

"Exactly.. I hope you enjoyed your trip with Hollie." Pinalis ko ang kamay nito sa balikat ko at mabilis na lumabas.

Lakad takbo ang ginawa ko hanggang makasakay ako ng elevator.

"Heleina! Please let me explain." Iyon ang huli kong narinig bago sumara ang elevator.
Pinindot ko lahat ng button at bumaba sa second floor. Alam kong hahabulin ako nito hanggang sa parking lot. Sumakay ulit ako sa kabilang elevator kung saan ang bababaan ko ay ang reception at hindi sa parking lot.
Magta taxi na lang ako.

Naglakad ako palayo doon at pumara ng taxi.

"Daddy?" Nagulat ako nang abutan ko si daddy sa bahay. Wala ba syang work?

Mukhang haggard ito at mukhang ilang araw na rin hindi nakakapag shave.

"Hey baby." Lumapit ito sa akin at humalik sa pisngi ko.

"Where's mom?" Nilibot ko ang paningin ko para hanapin si mommy.

"Nasa kwarto siguro anak." Bumuga ito ng hangin ng ilang beses bago ako niyakap.

"May problema ba dad?"

"Pinatalsik ako sa trabaho ko at naka demanda ako anak sa kasong hindi ko ginawa." Seryoso nitong wika na nag iigting ang bagang.

"What do you mean?"

"Let's seat." Umupo kami sa sofa at sinabi ni dad lahat ng nagyari.
May 500 million daw na lumabas sa kompanya at may pirma daw si daddy sa paglabas ng nasabing pera.

Lyndon's Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon