Chapter XXXIV

39.7K 860 157
                                    

Chapter XXXIV

Marga's POV

"Anung ibig mong sabihin!?"

"Mrs Castillo, sumusunod lang po ako sa utos ng asawa nyo. Ang alam ko po ma'am ay namomroblema ngayon si Mr Castillo dahil pinabuksan uli ni Mr Gallardo ang kaso ni Mr Ricafort sa nangyaring nakawan three years ago at marami na rin po ang nagpu pull out ng share sa Castillo Inc.. May mga chismis pa pong gustong i-vote out si Mr Castillo bilang CEO ng kompanya."

At nakikialam na rin ang mga Gallardo.
Kailangan kong makalabas dito bago pa man sila makakuha ng ebidensya laban sa akin. Hindi ko rin alam kung ilang kopya meron ang walanghiyang si Delgado tungkol sa illegal transaction ng pera mula sa kompanya.

May isang tao na lang akong alam na pwede akong tulungan..

Si Hollie.

_____________
Alden's POV

"Mr Sebastian base po sa mga ipinahayag nyo sa akin ay biktima din kayo ni Mrs Castillo at kung mapapatunayan mapapatunayan mo talaga ang mga sinasabi mo maaari kang maging witness para idiin si Mrs Castillo sa kaso nya. Pwede din natin syang kasuhan sa nangyari sa amang mo." Mahabang pahayag ng abogado ko.

Mahigpit kong nakuyom ang palad ko sa pagkabanggit sa amang ko.
Walang batas na pwedeng maningil kay Marga kundi ang batas sa kamay ko. Gusto kong ako mismo ang pumatay dito sa lahat lahat ng kahayupang ginawa nito sa akin... Kay Hollie..

At higit sa lahat sa mga Ricafort.

Pero ang gumugulo sa isip ko noon pa ay kung anong dahilan niya at galit na galit sya sa mga ito.
At alam kong hindi iyon dahil lang sa pagkakagusto ni Hollie kay Lyndon Gallardo.

May mas malalim ba dahilan at si Marga lang ang nakakaalam.

Hindi nito iyon gagawin para pagbigyan ang kapritso ni Hollie dahil galit din ito dito.

At bukod pala sa akin ay may iba pa palang gustong sumira sa hayup na si Marga at nang dahil sa nangyari ay nasira ang plano ko at nanganganib si Hollie ngayon.

"Sige attorney, willing akong maging witness. At haharapin ko kung ano mang ikakaso sa akin ng mga Ricafort kung saka sakali.

Wala akong kinalaman sa pagkamatay ni Mr Ricafort dahil nalaman ko lang iyon matapos akong pagbantaan ni Marga na kaya nyang patayin si Hollie at ang anak ko katulad ng ginawa nya kay Paul Ricafort at sa amang ko kung hindi ako mananahimik.

Oo, guilty ako nang pumayag ako sa plano nitong sirain si Lyndon Gallardo at Heleina, pero alam ng Diyos na nagbago ang isip ko noon at sinubukan kong itama ang lahat pero mautak si Marga at nagtagumpay syang sirain ito..

Guilty din ako dahil sa akin napunta ang pinalabas nilang ninakaw na pera ni Mr Ricafort na naging dahilan kung bakit naghihirap ang mga ito ngayon.

Matapos nitong mamatay ay kinuha ng Castillo Inc. ang lahat ng ari arian ng mga Ricafort bilang kabayaran sa perang hindi naman nito ninakaw.

Naging ganid ako sa pag aasam na makapaghiganti kay Marga at hinayaan kong maghirap ang kawawang pamilya ni Lei dahil kailangan ko ng kapangyarihan at makakamit ko lang iyon kung may pera ako.

Ipinaliwanag ko ang iba pang detalye kay attorney at ipinayo nitong i-surrender ang disk sa pulis, pati na rin ang napakaraming sex videos na nai-record ko noon sa mga pangba-baboy nito sa akin.

Naisip ko rin na tamang panahon na siguro para ibalik ko sa mga Ricafort kung ano ang nararapat talaga sa kanila.

_____________
Lyndon's POV

Lyndon's Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon