Chapter XXXI

27.3K 741 24
                                    

Chapter XXXI

Heleina's POV

Nagulat ako nang tumapat kami sa pinto ng mismong unit ko noon at pinindot ni Lyndon ang old code nito which is 0823 na combination ng birthday namin.

"Alam ko namang ayaw mo akong makita, so dito ka na lang. I'll check you na lang from time to time at sa gabi dito ako matutulog.." Tumikhim ito. "Don't worry sa sofa ako. Ipinalinis Ko yan kanina bago tayo pumunta dito. And... " Parang nag iisip pa ito ng sasabihin na para bang gusto pang pahabain ang presensya nya pero wala dun ang isip ko kundi nasa unit na ito.

"Kung may kailangan ka you know the code." Ang tinutukoy nito ay ang code ng unit nya.

"Why?" Kahit ayoko itong kausapin ay hindi ko napigilan ang hindi magtanong.

Nagkibit ito ng balikat na itinulak ako papasok sa loob. Hawak nito ang traveling ko na nagdiretso sa kwarto ko noon.

Inilibot ko ang tingin ko, walang nagbago.

Noong panahong umuwi ako sa amin noon at inamin kila mommy ang kalagayan ko at ang nangyari sa amin ni Lyndon ay nagpasya ang mga magulang ko na ibenta na lang itong unit ko. Bukod kasi sa kailangan din namin ng pera noon ay wala na akong balak pang bumalik dito kaya pumayag ako. Personal things ko lang ang hinakot ko noon at package deal na ang mga appliances at furnitures ko dito sa kung sino man ang makakabili. Pero paanong nangyari? Bakit hindi ko alam na sya pala ang nakabili nito?

"Heleina, magpahinga ka na muna, naayos ko na sa cabinet yun mga gamit mo. Kompleto rin ang gamit sa shower, at saka yun aircon pag malamig na adjust mo masama sayong malamigan ng sobra. Anu pa ba? Ahmm..Ah yes, yun lunch mamaya ko dadalhin sayo, wag kang magluluto and--

"Enough. Hindi ako bata." Nilampasan ko ito para pumunta sa kwarto. Ang ingay ingay! Hindi na tuloy ako nakasangat para magtanong.

"Okay see you later Lei. Puntahan mo ako kung may iba ka pang kailangan. At saka--

Pabalibag kong isinara ang pinto. Pulit ulit, nakakainis!

Nagdiretso ako sa toilet/bathroom para mag shower saglit bago magpahinga. Anong oras palang pero parang nauubos na ang lakas ko.
Kahit dito ay walang nagbago. Medyo may kalakihan ito para sa isang condo unit. May sliding smoke glass door sa my tub/shower room na naghahati dito sa toilet. May maliit na cabinet din dito na lagayan ng fresh and clean bath towels at sa ibabaw nito ay may isang flower vase na may fresh arrangement ng yellow and red tulips. Saglit akong napangiti pero agad ko rin iyong pinalis nang maalala kong sya ang nag utos kung kanino man para gawin ito.

Hindi mo ako madadaan sa bulaklak.

Naglakad ako papuntang shower and
again, nagulat ako sa mga nakita ko. Lahat ng brand ng mga ginagamit ko noon mula sa shampoo, conditioner, body lotion mist, shaving gel at kung anu ano pang abubot ko noon ay kumpleto.

____________

Lyndon's POV

Umiwas muna ako dahil alam kong tatanungin nya ako tungkol sa unit nya.
Alangan naman sabihin kong- 'Hindi ko kasi kayang i-give up pati iyon dahil marami din tayong masayang memories sa unit mo.' na tiyak naman akong ikagagalit nya lang sa akin.

Hanggat maari ay ayokong maulit uli yun nangyari kagabi. Masakit na makitang nasasaktan sya, at ako ang dahilan ng lahat ng sakit na iyon.

Napatigil ako sa pag iisip ng mag beep ang message alert ng cellphone ko.

Unknown number? Nangunot ang noo kong binasa iyon.

She'll be dead...

Para akong napasong nabitiwan ang cellphone ko.

Lyndon's Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon