Chapter XXXVI

14.4K 356 10
                                    

Chapter XXXVI

Past

Paul Ricafort's POV

Kung akala nila ay mananahimik ako sa lahat ng ibinibintang nila ay hindi ko iyon papayagan. Ilang buwan na rin ang nakakaraan at ngayon lang ako tinawagan dito sa opisina para kunin ang mga gamit ko.
Sa ngayon Oo, Wala akong magagawa kundi ang lisanin ang trabahong minahal at pinagsikapan ko ng napakahabang panahon.

Papasok na ako sa opisina ko para kunin ang mga gamit nang marinig ko sa nakapinid na pinto ang aking assistant na si Delgado na may kausap sa telepeno. Hindi ko ugaling makinig sa usapan nang may usapan ngunit naagaw ang atensyon ko nang banggitin nito ang pangalan ko.

"Mrs Castillo wag kang mag alala everything is under control. Bagsak na si Paul Ricafrt, basta yun posisyon na ipinangako mo sa akin wag nyong kalimutan." Saglit itong nanahimik, marahil ay nakikinig sa sinasabi ng nasa kabilang linya. "Yes ma'am, wala akong iiwang ebidensya."

Pinilit kong pakalmahin ang sarili kong hindi mapatay ang hayup na ito. Noon pa man alam kong may malaking inggit sa akin ang hayup na ito dahil ako ang higit na pinagkakatiwalaan ni Mr Castillo, pero wala sa hinagap ko na magagawa nito akong traydurin.

Hinintay kong matapos ang pakikipag usap nito bago ako kumatok sabay bukas ng pinto.

"P-Paul? Anung ginagawa mo dito?" Nagkakandautal Ito na parang nakakita ng multo.

Pinilit kong mag mukhang devastated at emotional the same time.

"I came to pack my things." Tumungo ako. "Pwede bang mapag-isa kahit sandali? Gusto ko lang mag stay dito sa opisina for the last time.." Sinalubong ko ang mata nito at ngitian ito ng tipid.

"S-Sure.. Ahmm..take your time and I'm sorry sa mga nangyari, kahit ako naniniwalang inosente ka pare.." Lumapit ito sa akin at tinapik ako sa balikat bago tinungo ang pinto at tuluyang lumabas.

Tang ina ka Delgado, kahit kailan ay hindi mo ako mapapantayang hayup ka! Parehas akong magtrabaho hindi katulad mong madumi.

Mabilis akong pumunta sa table nito kung saan nakabukas pa rin ang laptop nito. Gaya ng inaasahan ay naka save pa dito ang mga kaaliwaswasang ginawa nito para pabagsakin ako. Agad kong kinuha ang hard disk sa table ko at kinopya lahat ng ebidensya na nagpapatunay na inosente ako.

Nai-save kong lahat at inilagay sa inner pocket ng suot kong suit jacket ang hard disc nang biglang bumukas ang pinto.

"Anung ginagawa mo?" Mabilis itong nakalapit sa akin bago tiningnan ang kanyang laptop. "Paul.. Magpapaliwanag ako."

Isang malakas na suntok ang ibinigay ko dito. Sumadsad Ito sa sahig sa lakas ng tamang ibinigay ko.
"Hayup ka! Kung tuso ka mas lalo ako! Hindi mo ako basta basta masisira Delgado. Pinatunayan mo lang talaga na hindi mo ako mapapantayang gago ka." Sinipa ko ito bago lumabas ng silid na iyon.

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Sa totoo lang ay nanghina ang loob ko nitong mga nakaraang buwan. Hindi ko alam kung anung magiging buhay ng pamilya ko dahil sa mga problemang ito. Isama pa ang mga pinagdadaanan ng anak ko.

"Hello Monique, medyo male late akong sunduin ka o kung pwede naman dumaan ka na lang dito sa kompanya.. May kailangan lang akong asikasuhin." Tinawagan ko ang asawa ko na nag aaply na din ng trabaho para makatulong daw sa akin.

Lyndon's Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon