Hi everyone! First POV ni Vash! Yey! So ahm thank you kasi hanggang dito ay nakarating ka. It means a lot to me. Thank you so much.
Chapter 17
Vash POV
What the hell just happened?
Tsk! Parehong pareho sila ng kambal niya. Good thing na babae siya at lalaki si Persi.
Napatingin ulit ako sa babaeng papasok ng building. Para sa isang babae napakatigas nito kung ibabase sa first meeting niyo. Sa suot pa lang niya akala mo kung sinong taong ang lakas ng confidence pahanging hanging shirt pang nalalaman. Kala mo naman bagay. Eh lunod na lunod na nga siya sa damit niya eh.
Napailing na lang ako at pinaandar ko na ulit ang sasakyan at nagtungo na sa bahay. Medyo late na rin baka pagalitan pa ako ni Papa dahil pinapauwi niya ako ng maaga ngayon. Hassle nga eh.
Pag kababa ko'y nakita ko ang isang itim na Honda na nakaparada sa labas ng bahay, sa mismong tapat ng main door.
"Good evening po Sir. Prince" bati sa akin ng isa sa mga katulong.
Tinanguan ko lang ito bilang pag bati.
"Nakauwi na ba siya?" tanong ng boses matandang babae mula sa luob ng bahay.
"Opo Manang" rinig kong sagot ng katulong.
Pagkakita sa akin ng matandang babae ay nginitian ko siya. Lumapit ito sa akin at akmang yayakapin ako ng bigla niya akong hampasin ng dala nitong walis.
"Manang naman eh." sabi ko sabay himas himas ang braso kong hinampas niya. Kunyaring lang iyon. Hindi naman kasi masakit eh. Hina kaya.
"Ikaw bata ka! Kanina ka pa hinihintay ng Papa at Mama mo!" hinawakan nito ang noo niya na para bang aatakihin ng high blood. "Pumasok ka na nga sa loob! Nako! Napakatigas talaga niyang ulo mo!" reklamo nito bago ako isama sa loob ng bahay.
"Manang naman eh. Meron lang namang akong pinuntahan atsaka nandito na ako oh. Buong buo walang kulang." Tinignan ako nito. "Kahit bilangin mo pa ang hibla ng buhok ko. Promise kompleto yan." ngiti kong tugon dito.
"Aray!" daing ko.
Pektusan ba naman ako?
"Ikaw bata ka wag ka ng magbiro biro dyan alam mo namang napakanerbyosa ng Mama mo! Kung alam mo lang kanina pa gustong lumabas para siya mismo ang mag hanap sayo." pinilit nitong pakalmahin ang sarili. "Nak naman alam mong praning ang Mama mo kaya sa susunod sagutin mo yang cellphone mo. Meron kang cellphone. Bakit hindi mo gamitin?"
"Try to think Vash! You have a brain. Use it!"
Napahinto ako ng ng maalala ko ang sinabi ni Orange. Tsk! Tama siya. Hindi ko sinasabing hindi ko ginagamit ang utak pero alam ko naman na simula pa lang ay biro biruan lang ang namagitan sa amin ni Janine ay isang kalokohan. Pustahan at libangan. Kumbaga no feelings involve.
"Merong bang problema Prince?"
"H-ha?"
"Sabi ko meron ka bang problema?" ulit ni Manang Josie.
"Wa-wala naman. Meron lang akong naalala." nginitian ko ito. " Oo nga pala Manang. Kaninong sasakyan yung nasa labas?"
Natigilan ito at tinignan ako ng may pag alala. Pinisil nito ang braso ko.
Weird... Ginagawa lang niya ito kapag pinapalakas ang loob k——
"Prince!" napatingin ako sa pinakamamahal kong bababe. Nakangiti ito ng....malungkot?
BINABASA MO ANG
Deja Vu
HumorMaayos ang buhay ko bago ka dumating. Tahimik lang ito at hindi complicated. Pero dumating ka na parang bagyo, ang lakas ng hangin na dala mo at ginulo mo ang puso't isip ko. Pero umalis ka na lang ng walang paalam. Apples mo! Dumating ka pa! After...