Chapter 13 : S
Akala ko isa sa mga rules dito sa Ranford ay No pets allowed. Eh kung ganon bakit pwedeng pumasok to sa school property? Di pa naman ata Pet's day, sa March pa yun eh.
Buong oras bago mag lunch, iritang irita ako dito sa katabi ko.
Ang daldal tapos puro chismis pa. Kahit sino pinaguusapan. Ang dami niyang sinabing pangalan pero ni isa wala akong matandaaan. Sana di na lang siya pumasok kung hindi lang din siya makikinig. Buti na lang pwede kang umupo kahit saan mo gusto sa umaga. Kasi yun yung time na malalaman mo kung saan ka mauupo sa buong araw. Gets ba?
To make it simple. Every one day isa lang ang uupuan mo at yun yung upuan na nauna mo nang naupuan nung umaga. Pero the next day pwedeng iba na depende sayo.
"Good day Joule!" walang kagana ganang paalam ni Mr. Sanchez.
"Good day Mr. Sanchez." masiglang sagot ng mga bago kong kaklase.
Hindi mo naman kasi sila masisis daw sa mga itinuro ni Sir. Physics kasi yun kaya naman medyo nahihirapan kaming lahat pero halos lang naman dahil kanina parang meron namang kausap si Sir. mga tatlo lang at yun yung mga magagaling sa subject niya yung namang hindi nakakagets puro pakikipag usap lang sa katabi ang alam. Di na pinapansin ni Sir. Kasi uncountable na yung times na binawalan niya sila lalong lalo na tong katabi kong ang daldal tapos ang conyo pa. Tsk! Sarap istapler ang bibig.
"Babe!"
Napalingon kami sa front door ng room.
"Hihih! My baby's fetching me na. I have to go girls. See ya!" nag flying kiss pa to habang kumekendeng papaalis.
Tsk! Manghuhula pa ba ako kung sino yung baby niya? Di na sayang effort eh alam ko naman. Tanaw na tanaw mula dito sa kinatatayuan ko ang kasweetan nila. Sobrang nakakumay.
I rolled my eyes at kinuha ko na yung shoulder bag ko at nagtungo papuntang pinto. Tsk! Respect others Kyel. Trip nila yan. Hayaan mo silang magPDA dyan. Wala namang---
"Aray."
Sabay hawak sa ulo ko.
Inangat ko ang ulo ko para makita kung sinong tao ang bumangga sa akin.
What? Siya nanaman? Wala na bang iba? Nakakailan na to ah. Ang ewan lang parang ginawang hobby ang pagbunggo sa akin. Eh hindi naman ako ganoon kaliit o katangkad, katamtaman lang pero bakit hindi niya ako nakikita? Sadyang mansanas lang ba siya?
"Sorry." sabi niya habang naka smile yung bang pang commercial. Tsk!
Nag smile lang ako sa kanya to tell him that it's fine'.
"Orange, right?"
"Yes and you are..."
"Damon, Damon Silva."
Nagnod na lang ako at tumahimik ng saglit. Sobrang awkward ng atmosphere at para bang naghihintayan lang kaming mag salita.
"Meron ka pa bang sasabihin Damon?"
"Ah wala naman." nagchunckle siya. "Them?" turo niya sa direction nila Vash.
"What about them?" kunot noo kong tanong sa kanya.
BINABASA MO ANG
Deja Vu
HumorMaayos ang buhay ko bago ka dumating. Tahimik lang ito at hindi complicated. Pero dumating ka na parang bagyo, ang lakas ng hangin na dala mo at ginulo mo ang puso't isip ko. Pero umalis ka na lang ng walang paalam. Apples mo! Dumating ka pa! After...