Chapter 25

13 0 0
                                    

Chapter 25


Kyel's POV

Ang ganda talaga dito kaila Vash. Nandito kami ngayon sa garden nila kung saan gaganapin yung shooting kuno namin. Yep! Same venue ng engagement party nila Kuya King. Sayang nga e wala sila rito. Meron daw pinuntahan sabi ni Vash ehem date daw.

"Orange bebe naman ayusin mo. Titignan mo lang siya eh." Frustrated na sabi ni Ashley.

Kung alam mo lang Ashley pati ako nafrufrustrate na. E hindi ko nga magawang tignan tong unggoy na to e. Ang awkward!

Napayuko na lang ako. Bakit ba kasi?! Bakit pa kasi naiilang ako. Mansanas! Maapektuhan yung perfomance namin nito e!

"Ash, break muna." sabi ni Vash sa tabi ko actually sa harap ko.

Ashley sighed "Sige, break muna guys! Orange, bebe kaya mo yan ha."

Tipid na nagsmile lang ako sa kanya. Magsimula nang magpractice ako kasama nila lagi ko siyang napapansing stress. Super hands on kasi siya. Hindi ko naman siya masisisi kasi leader siya ng Girls Republic, Girl's dance troop ng Ranford. Syempre meron siyang pinapahalagaang reputasyon silang dalawa ni Damon. Kaya hindi ako pwedeng maging sabagal sa kanya kasi alam kong gusto niya kaming maging champion kahit hindi niya sabihin. Hay naawa na ako sa kanya. Baka 'idonate' rin niya ako sa iba tulad ng ginawa nila Damon.

"Kyel." napaatras naman ako kay Vash. Ang lapit niya kasi konti na lang magdidikit ang hindi dapat! Pero ang kulugo lapit parin ng lapit. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin pero tingin ko kung anong pagkatense ko enjoy na enjoy naman siya nakangisi ang mansanas e. Halos maduling na ako sa sobrang lapit niya. Yung ilang inches kanina isa na lang ngayon----

"Cut!" kinikilig na tili ni Ashley habang parang bulating inasinan. Tumakbo siya papunta sa amin ni Vash at yinakap kami. "Amazing talaga kayo mga bebe! Ikaw Prince idol talaga kita! Kaw na!" tuwang tuwang sabi pa niya.

I tilted my head out of confusion.

"Oh! Oh! Oh! Pustahan hindi mo gets. Hahah!" turo turo pang sabi ni Ashley. "Shinoot kasi namin kanina yunn bebe girl. Ang ganda kasi natural. Sabi sayo bebe girl wag kang kabahan at wag ding matense wala namang nangangagat sayo dito atsaka tulong tulong tayo para matapos to. Tapos ganun lang ha. Screw the script and screw the theme sa video. Glimpse lang naman to e di naman to yung buong kwento so just act the scenes I say as natural as possible at wala tayong magiging problema. Yung sa dance as it is parin same theme. Okay everyone! Chop chop!"

Napangiti ako. Alam niyo yung leader na hindi pressure kung magbigay ng order kahit nahihirapan na siya? Si Ashley yun. Gagawa at gagawa siya ng paraan kahit na nahihirapan siya para lang maging magaan ang trabaho at yun ang nakikira kong dahilan kung bakit successful siya as a leader and as a person. I really envy her, good envy.

Sabi nila pahinga muna pero yung mga videographers atsaka si Ashley eto nasa harapan namin, sa likod at sa side pero syempre na sa safe distance para daw sa pagkuha ng mga 'natural scenes' namin. Yun din ang dahilan kung bakit nakabihis pa rin kami ni Vash ng pang nangingibabaw. Medjo awkward pero sabi ni Vash wag ko na lang daw pansinin. Kanina parin siya kindat ng kindat pero sinisimangutan ko siya akala naman niya hot siya. Hmpft!

Deja VuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon