Chapter 22
Kyel's Pov
Nandito kami ni Vash sa sasakyan niya. Wala naman kasi siyang choice kung hindi ihatid ako kahit na ayaw niyang nakababa ang bintana ng sasakyan at kahit hassle pa. Hindi naman pwede si Zach kasi meron pa daw siyang 'importanteng' gagawin. Sus! If I know mastastalk lang yun love of his life niya. Torpe nga naman eh noh. Pagawagawa ng misyon di naman pala gagawan ng akyon. Tsk!
Di rin naman pwede si Bianca. Ewan ko bas a babaeng yun kung saan saan nagsusuot. Magsimula ata ng dumating ako dito mabibilang sa kamay ang pagkikita namin. Mga dakilang bespren eh noh.
"Ah!" Tinignan ko ng masama si Vash ng bigla siyang magpreno dahilan para mapasubsob ako sa harapan ko. Mansanas! Nakalimutan kong magseatbelt!
"Ay sorry meron kasing dumaang Ale."
Tinanguan ko na lang siya. Wala naman sense kung magsasalita pa ako. Mas konting usapan mas kong posibilidad na mag away kami. Kababati pa lang kaya naming. Kaya wag sayangin.
"Vash, maitanong ko lang." tinignan niya ako ng nakataas ang kilay, so gay "Bakit mo ako kinaibigan. I mean don't take it negatively it's just that, why so sudden. Gets mo ba?"
Lumiko muna siya sa may kanto bago nagsalita. "Hindi."
"Makinig ka kasi. Anong dahilan mo bakit ka nakipagbati sa akin. Kasi the last time I check mainit ang dugo mo sa akin or at least naiinis ka. So why befriend me all of a sudden?"
Ewan ko kung bakit hindi ko naramdaman na nasa parking na pala kami ng condo ni Kuya. Tsk! Preoccupied lang siguro.
Pinatay niya ng makina at naglean back habang hawak ng isang kamay niya ang steering wheel. Pumikit siya tapos tumingin sa akin. Tingnan mo tong lalaking to kung makareact parang nagshooshooting.
"You want the truth?" seryosong sabi niya.
Tumawa naman ako. Pamistiyus effect ang masanas. "Tumigil ka Vash. Hindi nakakatawa." Hindi daw pero tumatawa ano to lokohan Kyel? Great! You're talking to yourself again.
Seryoso lang siya kaya tumikhim na ako. Ako lang nakakappreciate ng situation eh.
"Bakit ba ang seryo----" bago ko pa man matapos ang tanong ko sumabat na siya.
"Kasi kapatid ka niya." I tilted my head.
"Kasi kakambal mo siya. Kasi kailangan." My eyebrows began to furrow as I stare at him. Anong Konek? Ano ngayon kung magkapatid kami? "Kasi mahal ka niya kaya kinaibigan kita. Alam ko rin na mas gusto niya to----"
"Nakaibiganin mo ako kasi kapatid ko siya?" Bumaba na ako ng sasakyan sabay bagsak ng pinto. Nagmamadaliakong sumakay ng elevator paputang condo.
"Wait lang! It's not what you think!" tumakbo siya para maabutan ako. Nakasakay na rin siya ng elevator. Hinawakan niya ang braso ko para pigilan. Inirapan ko siya. Anong tingin niya makakatakbo pa ba ako kung nasaloob na kami pareho ng elevator? Isip isip din pag merong time uso yun. Try niya. "Hindi naman ganon yung ibig kong sabihin."
"Pero yung yung dahilan. Vash, kung kinaibigan mo ako dahil lang gugustuhin ng kapatid ko kahit labag sa loob mo. Sayo na yang friendship mo. Saksak mo sa baga mo."
Pinagtitinginan na kami ng isang pamilya na kasabay naming. Isang tatay, isang nanay, batang lalaki't baby. Sila na ang perfect family. Mansanas!
"Pwede bang making ka muna."
Ting!
Pumasok ang isang delivery boy sabay pindot ng G which means ground floor. Well I don't care matagal pa yan mauuna ang 25.
"Pwede bang alisin mo yang kamay mo." Sabay hablot ng braso ko. Binigay naman niya ito. No choice.
"As I was saying----"
Ting!
25 na. Lumbas na ako ng elevator and as expected sumunod siya.Hinanap ko na ang susi ng unit ni Kuya sa bag ko. Nasaan na ba yun? Ayun! Kinuha ko na ang susi kong merong keychain.
Hinablot niya ang braso ko dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Pwede makausap ka kasi saglit ang problema sayo hindi ka nakikinig. Porket merong away tatalikod ka na agad. Why don't you face it? Akala mo kung sino kang matapang duwag ka lang. Ano ----"
Binuksan ni Kuya ng pinto.
Pak!
Hindi ako nanakit ng tao pero exception na siguro to. Masyado na siya mansanas eh! "Una sa lahat Vash ayaw ko sa mga sinungaling pangalawa ayoko sa mga mapagpanggap."
Wala na akong care kung nagulat si Kuya. Bago sa kana yun eh. Pabayaan naamaze siya eh. Diyan siya masaya edi pabayaan.
Naglakad na ako papasok. Inihampas ko kay Kuya yung bag ko kaya napaakayap siya doon. Sorry Kuya nadamay ka pa.
Pumasok na ako sa kwarto ko sabay lock ang pinto. Humiga ako sa kama ko at pumikit. Wala ng palit palit mamaya na lang. Masyado akong pagod.
Nagiging masyado ng madrama at mabigat ang buhay ko. Parang mas gusto ko pang magstay sa Bagiou. Kung sigurong nandoon ako. Wallflower pa rin ako pero mas simple ang buhay walang gulo. Walang Vash.
Kung makapagmonologue ako parang naging kami ah. Well foul yung kanina. Walang siyang karapatan para sabihin sa akin yun. Oo, duwag ako . Oo, tumatalikod ako pero hindi niya alam kung bakit! Kung bakit mas gugustuhin kong umalis kasi hindi niya alam ang pinagdaanan ko!
BINABASA MO ANG
Deja Vu
HumorMaayos ang buhay ko bago ka dumating. Tahimik lang ito at hindi complicated. Pero dumating ka na parang bagyo, ang lakas ng hangin na dala mo at ginulo mo ang puso't isip ko. Pero umalis ka na lang ng walang paalam. Apples mo! Dumating ka pa! After...