Chapter 18: O

23 1 0
                                    

Chapter 18: O



Vash's POV

Hindi na muling nagtanong si Dylan. Sa tingin ko iniisip niya rin kung bakit. Kung bakit pa darating ang isang taong nangiwan sayo.

Why do people suddenly come back to your life when in fact they intended to leave you?

Isa to sa mga tanong na pinakaikinadudurog ng utak ko. Magsimula nung naintindihan ko na ang lahat sa buhay ko ito yung isa sa mga tanong na hindi ko masagot sagot.

Siguro dahil iba iba ang mga tao. Iba tayo mag isip para sa iba at para rin sa sarili natin. Dahil kung minsan kahit hindi man natin ito sinasadya mas pinipili natin ang mas ikakabuti ng mga buhay natin kaysa sa iba.

Kaya siguro ang daling sabihin na "Ayos lang yan.", "Pagsubok lang yan.", "Lilipas din yan." at "Babalik din yan sa dati." kasi hindi ikaw yung nasa posisyon na yun, kasi hindi ikaw yung nasasaktan, kasi hindi ikaw yung nahihirapan. Kaya ang dali.

Pero kapag tayo na yung nandoon sa sitwasyong iyon. Lahat ng payo natin ang hirap sundin. Kasi ang daling sabihin pero ang hirap gawin.

Bumalik ako sa realidad ng bumuntong hininga ang katabi ko. Naging hobby na niya ata yun? Kanina pa kasi eh. 

Bigla itong tumingin sa akin. "Baka naman makikipagbati?" pagsusuggest niya.

Napatawa naman ako ng mahina sa sinabi niya. Isang hollow na tawa. "Why now? Bakit hindi pa niya ginawa dati?"

"Baka naman ngayon lang natauhan Prince."

"Kung ganon...hindi ko na yun kasalanan. Sinayang niya ang 18 years dahil sa pagiging makasarili niya."

"So meron ka bang idea kung bakit siya bumalik?" kunot noong tanong niya.

"Kasi—-"

"Good morning class!" naputol ang sasabihin ko ng mag salita si Ms. Ariola. Masigla itong pumasok kahit na halatang pagod na pagod. Nagmadali siguro ito considering the time. Mga 15 minutes kasi itong late.

Bumati naman kami sa kanya. Syempre naman. Alanga namang hindi namin siya pansinin.

"Pasensya na kung nalate ako ha? Tumatanda na ata ako't hindi na makatakbo ng maayos." biro nito.

"Hayaan mo Ms. Pagdadala ka namin ng motor na pwede sa loob ng campus." sagot naman ni Frank, ang jester ng klase.

Natawa ng mahina si Ms. "O siya merong magsisit in sa klase natin. Dahil naghahabol siya sa lessons."

Nag simula ng magbulungan ang mga classmates namin.

"You may—-"

"Good morning everyone I'm Zachary Martinez of 12- Hooke sitting in in your class! Thank you!" Bago pa man magmagsalita si Ms. Ay pinutol na ito ng isang nakakabasag tengang bati mula kay Zach.

Napailing na lang ng nakangiti si Ms. ng masilayan ang kasiglahan ni Zach. "You may now take your sit Zach."

Lalong nagbulungan ang mga kaklase naman.

Sinunod naman ito sa utos sa kanya at tumingin tingin muna sa paligid na parang merong hinahanap.

Ng makita kami'y ngumiti ito ng pagka-lawak lawak. Baliw lang?

Kumaway ito na parang bang walang tao sa paligid pero sa totoo niyan kanina pa siya pinagtitinginan. Agaw eksena kasi eh.

Lumapit ito sa amin at naghanap ng mauupuan pero wala. Pasensya siya at kompleto kami kaya kailangan niyang umupo sa observer's chair sa pinadulo ng room.

Deja VuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon