Chapter 24: U

20 1 0
                                    

Hello! Sinusubukan kong makabawi sa mga time na hindi ako nakapag update kaya habang hindi pa busy sinusubukan iupdate ang buhay ni Kyel. Heheh!

Pinalitan ko na rin si Tiffan Alvord ginawa kong Lauren Jauregui ng Fith Harmony.

So Kyel is Lauren Jauregui.

Chapter 24: U


Kyel's POV

Nagising na lang ako ng maramdamang merong bumagsak sa akin.

"Ahhh!"

Hindi ko napigilang sumigaw ng makita kung ano, no scratch that kung sino ang nakapatong sa akin. Eh? Ang sagwa pakinggan. Nakadagan na lang. Tsk!

Wow lang ha! Hindi man lang nageffort tumayo? Kung ano ang mukha ko ay naging repleksyon ng mukha niya ng mag sink in kung anong nangyari.

Tumayo siya agad at nag ayos.

Panira talaga. Wala pa ata anong isang oras na natulog nanggising na agad. Ah basta galit pa rin ako! Hmp!

"S-s-sorry." Paumanhin niya.

Umupo na ako ng maayos at humarap sa kanya.

"Sa alin?" tumayo na ako at kumuha ng pambahay para mas komportable.

Sungit mode: On

Narinig ko siyang huminga ng malalim.

"Sorry sa lahat."

"Hm."

"Sorry kasi----"

"Hm."

"Sandali----"

"Hm." Kinuha ko na yung malaking T-shirt na 'Shut up' ang nakalagay. Napangiti na lang ako sa damit na hawak ko. This is for him.

"Aray!"

Hinawakan niya ang balikat ko at full force na pinaharap sa kanya. Ang harsh!

Sinubukan kong kumawala ng mahulog ang mga gamit ko ng dahil sa kanya.

"Ano bang problema mo?!" Sigaw ko sa kanya. Pupulutin ko na sana ang mga gamit ko ng pinigilan niya ako at pinaharap sa kanya.

"Mamaya na yan. Ayokong meron akong kaagaw." Hugot? "Minsan lang ako magsosorry kaya gusto ko nakatingin ka sa gwapo kong mukha." Hindi ko mapigilang paikutin ng 360 ang mata ko ng dahil sa pahayag niyang yun. Hangin dre!

Narinig ko naman siyang tumawa ng mahina at nag patuloy. "Sorry sa nagawa ko, Kyel. Nung nasabi sa akin ni Kuya Vince at Sam ang paglipat mo agad na pumasok sa gwapo kong utak----" Sinamaan ko siya ng tingin. "Sa utak ko na kailangan kitang maging kaibigan. Na Prince, kailangan mo siyang maging kaibigan kasi kambal siya ng bestfriend mo, kailangan mo siya tulungan kapag kailangan ka niya. Kailangan napapasaya mo siya, Kailangan lahat ng kailangan niya na sayo kasi naging ganon ang kambal niya sayo."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Siya yung bestfriend ni Persi. Lagi siya kinukwento noon sa akin ni Persi pag katapos ng school kapag gumagawa na kami ng homework. Nanggugulo pa nga yun kapag nauuna siyang matapos. Matalino yun eh kaya nga proud na proud ako sa kanya.

"Nung una kaming nagkita sa canteen tinabihan niya ako agad. Ewan ko ba doon masyadong palagay sa mga tao. Pare tawag niya sa akin na akala mo matanda tapos binigay yung sobrang Chuckie niya, nadoble raw kasi kaya akin na lang tutal wala akong baon. Nakalimutan ko kasi yun sa bahay. Nagpasalamat na lang ako at kinuha ko yung inumin. Tinitigan ko lang yun at hindi ininom kasi for the first time nag karoon ako ng kaibigan."

Deja VuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon