Hi guys! Sorry kung medyo late ha? Sana magustuhan niyo. Thanks!
Chapter 9: U
"Kuya! *sobs* Persi! *sobs*"
Lumingon lingon si Persi para hanapin ang pinanggalingan ng sigaw. Tumakbo siya agad papunta kay Kyel na kasalukuyang takot na takot na nakadapa sa lupa habang hahawakan ang sugat nito sa kanang tuhod.
Linapitan nito ang kapatid at dahan dahang itinayo. Umiiyak pa rin ito at hindi mapatahan. Yinakap ito ni Persi at inagod ang likod.
"Arf! Arf!"
Napatingin siya sa paanan nila at nakita ang isang aso, ito ay isang Alaskan Malamute. Dati ay gustong gusto nito ng aso kaya naman naghanap siya ng maaring alagaan kaya nakilala niya ang aso na nasa paanan nila.
"Dyan ka lang." ustos nito kay Kyel. Lumuhod ito at kinuha ang aso. Nangtangkang lalapit ito kay Kyel ay nagsimula nanaman itong umiyak.
"Persi d-dyan ka l-lang. *sobs* Ayoko niyan. Ilayo mo yan. *sobs*" nanginginig na sabi ni Kyel.
At doon lang naalala ni Persi na takot ang kambal niya sa mga aso. Nacucutan si Kyel dito pero sa hindi malamang dahilan ay takot siya. Kaya nga kahit anong gusto niyang aso ay hindi nila pwedeng alagaan dahil takot ang kambal niya rito.
Ibinaba ni Persi ang asong hawak niya at itinaboy ito.
"Ayan, wala na. Tama na yan. Baka pagalitan pa ako ni Kuya akalain pang ako ang nagpaiyak sayo. Kaya tama na." nagbigay ng panyo si Persi sa kambal.
Kinuha ito ni Kyel at nagpunas ng luha. "Y-y-yung kasing aso eh."
"Aish! Kyel, naman ang liit nung aso. Puppy pa nga yun eh. Atsaka wala na nga. Kaya tumigil ka na."
Nabigla si Persi ng bigla siyang hatakin ng kambal sa isang bench. Itinaas ni Kyel ang mga paa nito sa bench na inu upuan nila. Tinignan ni Persi ang ginagawa ng kambal habang nagtataka.
"Heheh! Kasi Persi baka bumalik yung aso."
Kinuha ni Persi ang cap niya at inilagay sa ulo ni Kyel ng merong force. Kaya naman napayuko ng hindi oras si Kyel. "Sa susunod wag kang iiyak sa harapan ng iba maliwanag? Tandaan mo to mahal ang luha ng babae kaya iniiyakan lang dapat nila ay worth it sa bawat luhang papatak sa mata nila."
Tumango na lang si Kyel.
Naiiyak ako at aminado ako doon. Kahit lahat ng malalakas na tao ay meron ding namang weak point diba? Kung baga meron silang Achilles hill. Hindi o naman maaalala yung nangyari dati kung hindi doon sa.... Baston? Mali eh Bashton? .....Vashton! Yan tama na yan ha? Ang haba kasi ng name napaka complicated pa! Arte!
Kung tatanongin niyo lang ang mga naganap doon sa pool. Simple lang naman ang sagot ko. Pagkatapos nung tungkol sa kamabal ko hindi na lang ako nag react. Sinuot ko na lang ang poker face ko at hindi na siya pinansin. Parang hangin lang na nasa harap ko tutal mahangin din naman siya kaya he just blend with to wind just fine. Parang hindi ko nga siya nakita eh. Hindi ko---
"Kyel, meron bang problema?" tanong sa akin ni Kuya Sam.
Nandito kami ngayon sa reception ng Engagement wedding ni Kuya King. Nakagitna ako sa kanila ni Ate Sherly na nakatingin na rin sa akin. Alam kong pinagwoworry ko nanaman sila at ayaw ko yun. Ayokong maging burden sa kanila.
BINABASA MO ANG
Deja Vu
HumorMaayos ang buhay ko bago ka dumating. Tahimik lang ito at hindi complicated. Pero dumating ka na parang bagyo, ang lakas ng hangin na dala mo at ginulo mo ang puso't isip ko. Pero umalis ka na lang ng walang paalam. Apples mo! Dumating ka pa! After...