Chapter 4: N

109 6 0
                                    

Cameron Dallas is Zachary 'Zach' Martinez

Chapter 4: N



Nagpatigil sa akin yung mga binitawan niyang salita. Nakakaewan naman to. Mga trip ng tao ngayon noh? Eh ni hindi ko nga siya makilala eh. Tapos bakit naman niya alam pangalan ko? Hala, stalker si kuya.

"Arg!" sigaw nung mamang nakayakap sa akin.

Meron kasing nagpalo ng ulo niya eh. Mahina lang naman yung palo pero yung sigaw niya? Eh parang nakalunok siya ng amplifier eh.

Kumalas yung stanger sa pag kakayakap sa akin.

Agad naman akong lumayo ng konti. Alangan namang lapitan ko pa eh paano kung yakapin ako ulit? Kapag naman nagkataon sasampahan ko siya ng kaso ng harassment.

"Ang gulo mo kasi, Zach. Pinagusapan na natin to." sabi ng isang maputing babae na medyo kasing tangkad ko. Tinuro niya ako bigla. "Ayan! Kita mo? Di siya nagsasalita. Nasa shock pa in. Kasalanan mo to eh."pagpapatuloy niya.

Nahiya naman ako. Sila na kasi madaldal. Tsk, ingay nga nila eh. Sarap bigyan ng busal sa bibig.

Unti unting lumapit sa akin yung girl. Bawat hakbang niya papalapit eh sinusuklian ko ng dalawang hakbang papalikod.

"Hey, chill ka lang. I don't bite." sabi nung maputing babae na kasing tangkad ko.

Syempre bilang isang dakilang hardheaded hindi ko siya susundin. Eh sa mas natakot ako sa sinabi niya eh. Tama naman ako diba? Kapag sinabi ng isang tao na gawin mo to. Hindi mo naman susundin diba? Isa pa she's not the boss of me so bakit ko siya susundin? Ano siya sinuswerte?

Ganon lang ang eksenang ginagawa namin hanggang sa napasandal ako sa pader na malapit sa amin.

"Hi Kyel! Miss me..." tanong nung maputing babae habang nakasmile na sobrang lawak. Umubo naman yung lalaki kanina. "... I mean us?" nag roll eyes pa yung girl habang napipilitang sambitin yung huling bahagi ng sentence.

Sino ba kasi mga to? Sana naman meron akong clue noh? Kasi kanina pa ako nakatunganga dito at hindi makahanap ng anumang salita.

"Tabi nga. Ako na kakausap. Wala ka kasing natutulong eh. Mas lalo pa siyang natatakot." sabi nung lalaki kanina.

"Kyel, incase you forgot or hindi mo nakami namukaan... I'm Zachary Martinez. At your service."

Tumayo siya ng tuwid at saka nagpakilala habang nag bow sa huling binitawan na salita. Tumingala pa siya para lang mag wink.

Alam kong late yung reaction ko pero bumilog pa din ang mga mata ko. Pakiramdam ko nga pinagtritripan lang ako ng mga to eh. Sino ba namang mag aakalang yung Zachary Martinez na iyakin pero malakas ang loob ay napaka... Well I don't know how to say this....hunk?

Tinulak nung babaeng maputi si Zach sa tabi. "Hi best!" sabay yakap sa akin. "Bianca Mehan. (Meyhan)" kumalas siya at tinignan ako ng seryoso.

"Hoy Zach! Kasalanan mo to eh. Tignan mo! Tignan mo!" hinawakan niya yung balikat ko at iniharap kay Zach. Grabe sila... Sobrang nakakamiss. "Di siya nagsasalita! Nako! Kapag nalaman to ni Kuya Sam lagot ka."

Ngumiti lang ako habang nagtatalo sila. Kahit kailan talaga walang makakapantay sa pakiramdam na you're finally home. Sobrang napipikon ako kasi sobra ko silang namiss. Lagi kasing ganito yung set up namin eh. Ako taga awat tapos sila yung nag aaway.

Ginulo ni Zach ang buhok niya out of frustration."Ano ka ba naman Bianca? Si Kyel yan natural hindi yan mariffle na katulad mo! Atsaka lagi namang NR yan eh." pagdedepensa naman ni Zach.

Deja VuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon