Chapter 15
So, yeah. Nasa mall kami ngayon... papunta sa isang fast food restaurant. Nakakagutom kayang kausapin si Vash. Panira pa ng araw. Mansanas.
Kung nagtataka kayo kung anong nangyari after nung car scene isa lang ang sagot ko. WALA. Wala naman kasing nangyari after nun noh. Sino siya para sundin ko? Ang layo kaya ng mall sa Ranford ano yun fun run lang yung trip niya?
Kaya ayun binuksan ko na lang yung bintana ng kotse niya kaysa mamatay ako sa amoy. Sobra kasing bagsik noh ang OA ata niyang mag pa bango dinaig pa ang skunk eh.
And if you're going to ask me kung paano ako nag stay sa car when in fact pinapaalis na ako ng owner? Easy. Nandiyan ang aking night in shining armor na si Zach. Kung pumayag siyang mag commute ako edi patay siya kay Kuya. Kaya ayun in the end walang nagawa si Vash. 2 vs. 1 eh. Syempre kami mananalo.
"Sa iba na lang kaya tayo? Ang daming tao eh." sabi bigla ni Zach na kasalukuyang naka akbay sa akin.
Nandito kami sa harap ng fastfood chain na sinuggest ni Zach sabi niya kasi masarap daw dito atsaka mabilis ang service pero I actually doubt that kasi naman dito palang sa pwesto namin ay hindi na namin matanaw ang loob sa dami ng taong nakapila.
"Tsk! Malas." Bulong ni Vash pero narinig pa rin namin.
So ayun nag lakad na kami para mag hanap ng ibang mapagkakainan. Nadradrain na ako. Wala na akong energy. Mansanas kasi ang tagal dumating ni Vash kanina edi sana yung time na hinihintay namin siya nakakain na kami. Idagdag mo pa tong naka akbay sa akin. Sarap putulin ng braso. Bigat!
After some minutes naka hanap na rin kami. Pumasok kami sa isang Jungle themed na fast food chain. Literal kasing merong parrot dito na naka tungtong sa isang branch and merong din malilit na pond sa buong gilid ng lugar na punong puno ng iba't ibang klase ng isda.
"It's on me guys."
Tinaasan ko ng kilay si Zach sa sinabi niya sinuklian naman ako nito ng isang ngiti.
Lumapit sa amin ang babaeng mga nasa mid twenties at inabot ang menu. At talagang nagpacute pa sa harap ni Zach. Si Zach naman inacknowledge yung presence nung girl sa pamamagitan ng isang smile.
Habang tinitignan ko yung inabot niya hindi ko alam yung maganda na iorder kasi lahat mukhang masarap. Nakakagutom.
"Combo B." simpleng sagot ni Vash.
Napatingin naman ako sa kanya habang busy siya phone niya. Kanina pa kasi niya ito tinitignan na tila nag aabang ng text or call.
Napatingin ang babae kay Vash na tila na love at first sight. Kung anime lang siguro siya kanina pa kumislap ang mga mata nito.Tsk! Ganito ba kagagwapo ang mga kasama ko para——
"Anong tinitingin tingin mo?"
Naputol ang iniisip ko ng mag salita si Vash. He was across the table kaya siguro mabilis niyang napansin ang pagnakaw ko ng tingin just to defend myself I never intended to look at him. It was an accident. "Sabi ko na nga ba. Tsk! Tsk! Tsk!" dagdag nito habang umiiling. He leaned closer making the distance between us shorter. "Crush mo ko noh?"
BINABASA MO ANG
Deja Vu
HumorMaayos ang buhay ko bago ka dumating. Tahimik lang ito at hindi complicated. Pero dumating ka na parang bagyo, ang lakas ng hangin na dala mo at ginulo mo ang puso't isip ko. Pero umalis ka na lang ng walang paalam. Apples mo! Dumating ka pa! After...