Chapter 10
"Hahahah!"
Yan? Si Santa yan. Napaaga ang pasko walang traffic eh.
Pero syempre joke lang yun. Si Vash yan nawiwirdohan na nga ako sa kanya eh. Kanina ang sungit sungit tapos ngayon naman kung makatawa akala mo kung sinong nanalo sa loto. At meron pa talaga siyang nalalaman na hawak sa tyan effect. Tsk!
Nakaupo kami sa pinakadulong table sa east side ng garden nila. Sa likod naman naming merong isang malaking puno na pinupuluputan ng mga Christmas light with different colors. Ang table naman namin merong goldish silver na cloth. Theme kasi nila ay Palace. Sinunod nila sa pangalan ni Kuya which is King.
"Hoy! Anong nakakatawa?" sita ni Zach kay Vash.
Sinabi na kasi ni Zach yung mission niya. Misyon niya daw na maging girlfriend si Alee. Keso noh? Well trip niya yan. Edi pabayaan. Masaya siya dyan eh.
Ang gusto niya kasing gawin ay kumanta bilang intro pero biglang humalagpak sa kakatawa itong si Vash. I forgot to tell you na tone deaf si Zach. Hindi siya gaanong marunong kumanta. Pero kapag kumanta yan todo pilit kala mo kung sinong perpekto tapos ikaw pa iinsultuhin. Galing noh? Binaliktad lang ang nangyaari.
"Sayaw ka na lang wag na kanta . Ako pa pipili ng choreographer para sayo basta parang awa mo na wag ka namang kumanta."
Sinamaan ng tingin ni Zach si Vash at in the end nag sigh na lang siya as a sign of defeat. Kahit na medyo patawa yan alam niya ang salitang limitations, yan ang maganda sa kanya eh. Di mapilit. Kung gaano siya kamalas sa kantahan ganoon naman siya kagaling na magsayaw. As in! Lahat ng babae nakukuha niya sa bawat galaw niya. Pero syempre exception kami ni Bianca doon. Immune na kami noh. Meron din namang gamit yun pag ka perfect built ng katawan niya eh.
"Kailan kayo susunod ni Sherly?"
Sabay sabay kaming napatingin sa dalawang lalaking naguusap papunta sa amin. Kinamot ni Kuya Sam ang batok niya at tumingin sa sahig. Aba't? Hala! Nahihiya si Kuya? Meron pala siya nun? Di ako aware ha. Kala ko ba kapag mahal mo ang isang tao hindi iyon isang bagay na dapat itago o ika hiya? Anong nangyari?
"Aray!" sigaw ni Kuya Sam at hinimas himas ang ulo niya.
Paano ba naman. Binatukan siya ni Kuya King. Kahit na mas matanda ng isang taon si Kuya Sam kay Kuya King nagagawa pa rin niyan ni Kuya King sa kanya. Tumawa si Kuya King habang hawak ang tyan niya parang si Vash lang kanina. Ngayon ko lang napansin na kahit mahirap tanggapin na magkapatid sila meron din naman pala talaga silang similarities like their hair eyes and laughs. Cute!
Ay? Wait. Mali. Si Kuya King lang ang cute sa kanila kasi si Vash nakakatacute. Corny noh? Well wala akong care kung di kayo na tawa kasi di rin ako eh. Now you get it kung bakit di ako nagpapatawa? Waley ako eh. Tama ng ako na lang ang merong alam ng mga ganyang bagay di pinapakita sa iba. Di na dapat pinagkakalat yan. Like Zach I know my limitations.
"Ang bakla mo, Sam." Nagpipigil na tawa ni Kuya King saba gaya ng ginawa ni Kuya Sam kanina. Yung pag kamot sa batok. "Corny mo." At binatukan ulit ni Kuya King si Kuya Sam.
Lakad takbong lumapit sa amin si Kuya King ng nakangiti abot tenga. Psh! Nakakamiss din pala yung dating hindi pa sila gurang. Nung high school pa lang sila.
Nagtungo siya sa likod ni Vash habang nagpunta naman si Kuya Sam sa likod ko. Nakahawak silang dalawa sa mga back rest ng mga silya namin ni Vash. Well hindi kami mag katabi ni Vash. Nasa pagitan naming si Zach na nanood lang.
Lumapit si Kuya Sam kay Kuya King kaya naman as a reflex kumaripas ng takbo si Kuya paiikot ng table naming sinundan naman siya ni Kuya Sam at saan nag hahabulan sila at nag eenjoy habang kaming tatlo dito sa mga upuan naming kanina pa nahihilo.
BINABASA MO ANG
Deja Vu
HumorMaayos ang buhay ko bago ka dumating. Tahimik lang ito at hindi complicated. Pero dumating ka na parang bagyo, ang lakas ng hangin na dala mo at ginulo mo ang puso't isip ko. Pero umalis ka na lang ng walang paalam. Apples mo! Dumating ka pa! After...