Chapter 23: O

20 2 0
                                    

Chapter 23: O

Vash's POV

She took it all wrong. Napasabunot na lang ako ng buhok habang nakaupo sa sofa nila pagkatapos niyang ibagsak ang pinto. Tsk! Woman are so complex!

"Hm. Inom ka muna." Napatingin ako sa kamay na nagaabot sa akin ng malamig na tubig.

"Salamat, Kuya." Tumango lang siya at umupo.

Binuksan niya ng TV at nanood ng Taken. Action movie of course. Sino ba naming lalaki ang magkakainteres sa RomCom ang corny kasi.

"Anong nangyari sa inyo ni Kyel? Di naig niyo pa kami ni Sherly kung mag away." Kumunot ang noo nito ng nakatingin sa amin. "Pasampal-sampalan pa kayo."

"Ewan ko dun. Di man lang ako pinag explaine. Paano kami magkakaintindihan kung hindi niya ako pakikinggan. Ang hirap intindihin ng mga babae, Kuya."

Tumawa lang siya pag katapos a tumingin ng seryoso sa akin yung bang tinatawag na over protevtive stare. Ewan ko ba kung meron nun pero kung meron man ito na siguro yun.

"Di ka naman niya sinabihan ng..." nag dadalawang isip si Kuya kung sasabihin ba niya. Obvious naman kasi eh. Tingin ng tingin sa iba. "...mansanas?"

Agad tumaas ang kilay ko. "Mansanas?" tumango naman ito. "Kuya, tapatin mo nga ako, gutom ka ba?"

Itinaas niya ang kamay niya na parang mambabatok kaya umiwas na ako agad bago pa niya magawa. Aba maraming magluluksa kapag nasaktan ako.

Huminga ako ng malalim baka kasi kapag narinig niya ang dahilan bigla na lang akong suntukin. Hirap ng merong pasa Tol.

"Pero di nga. Sinabihan ka ba niya nun? O kahit ibang prutas?"

"Para saan ba yan?"

"Basta! Ang daming tanong magkapatid nga kayo ni King! Sagot na kasi."

Napaisip naman ako. Hmmm... "Hindi."

Napasandal naman siya sa sofa. Pagkatapos ay uminom ng sariling canned beer. Nanood lang siya ng nanood kaya nanood na lang din ako para naman makapagisip ako ng iba na hindi Kyel ang ibig sabihin.

Napatingin na lang ako sa kanya ng maramdamang sinuntok ako ng mahina sa balikat.

"Anong ginawa mo sa kapatid ko?"

Napakunot naman ang noo ko. Ngayon niya lang talaga naisipang magtanong . Tsk!

Napabuntong hininga na lang ako. Napansin ko lang ha nakakailan na ako.

"Hindi lang pagkakaintindihan."

Natawa lang ito. "Nahiya naman kami sa inyo. Misunderstanding. Ano kayo in a relationship. Kumakaganyan kayo magsalita't, magreact parang kayo na ah." Biglang sumeryoso ang mukha nito. "Di kayo di ba?"

Itinaas ko ang kamay ko sa ere as a sign of defeat.

"Okay okay. Akala ko naman merong nakalampas sa bakod."

Overprotective.

Hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari kasi pagkatapos sabihin ni Kuya yun naging tahimik nanaman ang paligid. Parang automatic lang eh.

*Bang!

Tumawa ng malakas si Kuya na parang maiiyak na. Umaalog na nga yung sofa eh.

Tignan mo to. Seryoso kanina ngayon naman parang ewan.

"Yung mukha mo Prince! Mukha kang egot! Gulat na ulat ka."

Inirapan ko na lang siya makatawa wagas eh.

"Nga pala Prince samahan mo ako." utos niya sa akin.

"Saan?" tanong ko pabalik.

Hindi siya sumagot at bigla na lang tumayo. Kaya sumunod naman ako. Meron pa ba akong magagawa?

Magmula sa pinanggalingan namin kumanan kami papuntang hagdanan tapos kanan ulit. Anong trip nito bakit ang layo?

Tumugil siya sa isang pinto malapit sa dulo ng hall. Hinawakan niya yung knob tapos tinuro niya yung vase habang nakatingin sa akin.

"Ano?" tanong ko.

Kunin mo yung susi sa vase.

"Bakit?" tanong ko ulit.

Babatukan niya na sana ako kaya lang hindi niya tinuloy. "Basta!"

Kinamot ko na lang yung ulo ko at sinundan yung utos niya. Yan naman tayo eh. Kahit sa bahay dati nung collage pa lang sila ni Kuya lagi ako ang utusan. Bata raw eh. Kainis!

Kinuha ko yung vase tapos inabot ko sa kanya.

Pinasok niya yung kamay niya tapos merong kinuhang susi. Inilagay niya yun sa knob tapos binuksan yung pinto. Pagkabukas nun pinatingin niya ako sa loob. Saktong kaharap ko naman sa pinto ay tinulak niya ako.

At ako naman si tanga hindi ready kaya nakapasok ako sa loob. Akala ko nga masusubsob ako sa lakas ng tulak ni Kuya Sam eh. Nagpapasalamat na lang malambot ang binagsakan ko. Kinausap pa ako kanina. Meron pa lang masamang balak!

"Ahhh!"

Napamulat ako ng sumakit ang tenga ko sa sigaw. Pero dapat pala ako nagpasalamat. Hindi salamat! Anak ng! Hindi salamat!

Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil sa pagmulat ko ang mukha niya ang bumungad sa akin.

Matang nakabilog na nagtatanong, bibig na nakanganga sa gulat at kamay na nakalagay sa dibdib pero kahit na ka ackward ang posisyon namin dahil nakapatong ako sa kanya hindi maipagkakaila ng pus- este utak ko na ang ganda niya.



Deja VuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon