Chapter 5: K
Sa sobrang ganda ng reply na sinabi ni Alee ay parang nahinto ang mundo nitong katabi ko at hanggang ngayon ay hindi pa makapag move one. Nakatulala pa rin habang nag lalakad kami papuntang library. Doon kasi nila ako ihahatid.
Gusto niyong malaman kung anong reply niya? Para magka ganito ang isang Zachary Martinez? Baka kasi matouch kayo noh. Eh eto ngang katabi ko lutang eh. Isa lang namang matinding hair flip ang naging reply niya sa pag sabing ingat ni Zach.
Sweet noh. Syampre joke lang! Ang bully kasi ni Zach yan tuloy napapala. Tsk. Dapat kasi maging mabait siya. Ang bait pa man din ni Alee tapos inaaway lang niya.
"Hindi ka pa ba babalik sa department niyo?"pag basag ko ng katahimikan.
Nakakapikon kasi kanina pa sila tahimik I mean alam ko na tahimik ako pero hindi lang ako sanay na pati rin sila. Nambubulabog kaya mga to noh. Inborn na sa kanila yun.
Tinignan lang nila ako with matching bilog na mata. Aba hindi pa sila nakontento at nag tinginan pa sila. Eh kung kayang dukutin ko mga mata nila. Lakas makainis! Naoout of place na tuloy ako ako.
Huminto yung dalawa sa pag lalakad kaya naman huminto rin ako. "Wala pa bang nagsasabi sayo?" tanong ni Bianca.
Umiling lang ako as a response.
Ano bang pinagsasabi nila? Hindi naman kasi ako mind reader para mahula ang iniisip nila. Pabitin effect pa kasing nalalaman.
"Pinagmerge na yung girl and boy department." blank na sabi ni Zach.
Kaya naman pala. Kaya naman pala nandito si Zach na walang nangsisita sa kanya or nagpapaalis.
Wait... Merge? As in merge? Magkasama?
This time ako naman ang nangbilog ng mata. As far as I remember kahit noong bata pa kami ay meron na silang ganitong debate. Kung pagsasamahin ba o magkahiwalay pa din ang mga departments. I never thought na hanggang ngayon ay ito pa rin ang issue.
"Kailan pa?" curios na tanong ko.
Nagsimula na silang mag lakad kaya nag lakad na rin ako.
"A week ago." sabi ni Bianca.
Tumango na lang ako kasi tinatamad na akong magsalita. Ang galing lang magmemerge ang dalawang department na matagal ng nakahiwalay. Tsk. Gulo ata to eh. Girl and boy sa iisang building? Tsk.
"Magclassmates kami ni Bianca, Kyel." tumingin ako kay Zach na nasa tabi ko. Nakashove yung hands niya sa dalawang front pockets ng pantalon niya. Nakatingin lang siya sa unahan. Ni hindi man lang ako tinignan nung nagsalita siya.
Gaya gaya talaga to. Kasi naman ganyan din ginagawa ko.
"Section Hooke kami." dagdag pa niya.
I tilt my head to the right. Kasi naman bakit Hooke? Atsaka anong section ako?
"Si Robert Hooke yung nag discover or let's say gumawa ng Hooke's law of elasticity. Our section was named after him."
Ah okay. So the sections are named after famous scientist. Ang cute naman makaluma talaga.
Nung makarating na kami sa Library. Naginsist pa silang samahan ako sa loob kaya lang baka masyado ko na silang naabala atsaka malapit ng tumunog yung bell.
"Okay sige bye!" paalam sa akin ni Bianca. At nag beso kami.
"Bye!" paalam naman ni Zach. Tumango na lang ako sa kanya.
Tsk. Di ko man lang nakausap ng maayos si Bianca kanina eh paano ba naman palinga linga meron atang hinahanap kaya si Zach na lang ang kumakausap sa akin. Busy kasi yung isa.
BINABASA MO ANG
Deja Vu
HumorMaayos ang buhay ko bago ka dumating. Tahimik lang ito at hindi complicated. Pero dumating ka na parang bagyo, ang lakas ng hangin na dala mo at ginulo mo ang puso't isip ko. Pero umalis ka na lang ng walang paalam. Apples mo! Dumating ka pa! After...