Chapter 1: T
Nakalagay ang earphones ko sa tainga ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Pinagmasdan ko itong lugar na ito sa huling pagkakataon
As usual kailangan nanaman naming lumipat dahil sa pagiging indemand ni tito sa trabaho niya. Halos laging ganito and set up namin, iba't-ibang tao sa iba't-ibang lugar. Pabor naman ito sa amin dahil nalilibot namin ang Pilipinas.
Pero kung minsan nakakasawa din. Darating din yung oras na gusto mo na lang manatili sa isang lugar kasama ng mga taong importante sayo.
Nung una ko itong ginawa kasama ang pamilya ko ay parang naging faucet ang mata ko dahil sunud-sunod ang mga luhang bumuhos. Grade 6 ako nung una namin itong ginawa. Hinintay lang akong makagraduate ni Tito sa elementary.
Nagkaroon ako ng maraming kaibigan nung nasa elementary pa ako pero dalawa lang naging best friend ko. Kasama ko sila kapag recess, lunch and uwian. Naghahatiran kami dahil malapit lang naman ang mga bahay namin sa isa't-isa.
Ipinikit ko ang mata ko at sumandal sa backseat. Nakakapagod magpalipat-lipat. Although wala namang magagandang nangyari sa lugar na ito na dapat kong itatak sa utak ko. Napapaluha parin ako. Nainis ako sa sobrang pagkababaw ko.
Ilang minuto na din kaming nasa loob ng kotse at tinatahak ang lugar papuntang sa dati naming tirahan.
Nagkalat ang mga stalls sa daan katabi naman ng isang condominium ang isang fast food. Matatanaw mo rin dito ang isang mall, mga bising sasakyan ang mga nasa kalsada.
Ang ilan ay naglalakad na naka payong, kung hindi naman ay naka raincoat. Lahat sila ay nagmamadaling sumilong. Mahirap na baka mabasa sila ng ulan na nagpapadagdag ng pagkagloomy ng panahon.
Kung hindi ba naman bipolar ang panahon, kanina ang aliwalas tapos ngayon naman bumuhos ang malakas na ulan.
Lumabas ako ng sasakyan at kinuha ang shoulder bag ko kaya na siguro ni kuya ang mga maleta tutal konti lang naman.
Dumaretso si Tito sa may lobby habang ako hinihintay si kuya. Ang tagal niya, kung itutotal mo naman kasi ang mga dala namin ay 4 na maleta. 2 suit case plus my shoulder bag
Lumingon nalang ako sa may entrance at naglalakad papunta doon. Maganda yung interior design ng condominium. Malinis din at puro sophisticated na tao ang mga naroon. Mayroong isang malaking glass chandelier sa gitna at nagbibigay ng liwanag sa loob. Actually nakakasakit ng mata sa sobrang liwanag.
Bigla akong tumingin sa shoulder ko nung inakbayan ako ni kuya "Nang-iiwan ka naman Kyel eh." reklamo niya. At bilang response ay tiningnan ko lang siya with blank face. Dumaretso kami sa revolving door para pumasok na ng tuluyan sa condominium. Syempre bilang isang dakilang gentleman ang kuya ko siya ang nagtulak para sa akin. Nasa likod lang niya ako at pinagmamasdan ang loob ng lobby. Mas nakakasakit pala ng mata ang ilaw dito kaysa sa labas. Nakakapikon lang naman kasing isipin konti nalang ipabillboard nila na "MERON KAMING KORYENTE". Sakit sa mata!
Pinuntahan namin si Tito sa labas ng restroom. "Samuel, nasaan na yung mga luggage natin?" bungad ni Tito sa amin.
"Outside." Tipid na sagot ni Kuya.
"You left our luggage outside?" seryosong tanong ni Tito.
"Yes po, Tito. They're heavy kaya naman po ipinahatid ko na lang sa mga bellman." Pageexplain ni Kuya.
Buong akala ko pa naman kaya niya na yun. Di pala tsk tsk tsk. Meron pa siyang pa bellman bellman na alam. Ano to? Hotel?
Tumango nalang si Tito sa kanya at dumaretso na kami sa elevator napahinto kami saglit dahil biglang hinila ni Kuya Sam ang mga braso namin.
"What happened?" nagtatakang tanong ni Tito.
"Tito, I think we just left someone outside." Kinakabahang sagot ni Kuya.
Lumingon ako sa entrance at nag head count ako sa isip ko. Kunot noo kong tinignan si kuya. Sa pagkakaalam ko talto lang kami ah. Eh sino naman ang naiwan sa labas? At kalian naman siya nagkaroon ng sixth sense?
"Who?" tanong ni Tito.
"Hala, Tito! We left Kyel outside!" sigaw nito.
Tinignan ko lang siya ng sobrang sama. Kanina pa kaya ako nandito! Eto nanaman si Kuya at nang iinis. Hinampas ko ang braso niya dahilan para hawakan niya ito at himasin. Eto talagang si Kuya! Saktong dumampi lang naman ang kamay ko sa braso niya eh! Ang hina kaya ng hampas ko!
"Ay, nandyan ka pala?" tanong niya. "Di ka kasi nagsasalita akala ko tuloy naiwan ka na."
I smiled at him sarcastically as a reply. "Thank you Kuya ah. Salamat ng marami."
"Wala yun basta ikaw." Sagot nito sa akin with matching ngisi!
Napailing nalang si Tito sa nasaksihang kapilyuhan ni Kuya Sam. "Oh tama na yan mga bata."
Sumakay na kami ng elevator para pumunta sa floor kung nasaan ang unit ni Kuya. Nung tumigil ang elevator sa twenty fifth floor ay lumabas na rin kami. Hinanap pa naming ang unit ni Kuya. Take note HINAHANAP niya ang sarili niyang unit na dapat alam niya kasi siya lang naman sa aming tatlo ang laging nandito. Kawawa naman si kuya sadyang makakalimutin. Tsk. Tsk. Tsk.
After a few minutes nahanap na din namin. Panandalian lang naman kami dito habang inaayos pa ang bahay namin baka kasi maalikabok at maraming cobwebs pa roon.
Pumasok na kami at kahit anong anggolo ang gawin mong pagtingin sa unit ni Kuya ay sadya itong malaki. Meron itong balcony na merong mga cute na herbal plant. It can actually radiates the atmosphere kaya ito yung pinaka gusto kong part ng unit ni Kuya next to my room, of course.
Meron naman isang malaking painting sa living room. Abstract ito and it compliments the design of the unit. Sa harap ng sofa ay merong fifty two inches na flat screen TV with matching complete sound system.
Sa magkabilang side ng malaking sofa ay dalawang maliit at cute na bilog na mesa. Ang isa ay merong telephone habang ang isa naman ay merong vase. Ang kitchen ay ganoon pa din naman. Mga kitchen knife na nakaayos sa knife block. Ang mga plato at tasa nandoon padin sa loob ng hanging cabinet.
Pagkatapos kong magmasid masid ay napagdesisyonan ko ng pumunta na sa room ko. As far as I remember it's near from the powder room. Pinihit ko ang doorknob at pumasok na ng tuluyan sa kwarto ko. Well it's still simple as ever.
White bed sheets for my bed and gray for my pillow cases. The first curtain is white while the second is gray. Wooden tables are found on each side of my bed. Above them are two identical lampshades with stars and half moons designed all over them.
Ibinaba ko ang gamit ko at humiga sa kama. The last time I visited this place was two years ago. Its still clean and dust free because of the Aling Rosa. Siya yung tagapag alaga nitong unit na to.
I stared at the ceiling. I can't believe that after so many years I'll be studying here again. The mere thought of it puts a small curve in my lips due to happiness. I miss Zach and Bianca, mga kababata ko dito.
Kasi naman sila lang yung kumakausap sa akin noon. Tandem kasi silang dalawa parang kambal kung iisipin mo. Si Zach siya yung laging nambababae kahit noong grade school pa lang kami eh talagang habulin na siya. Eto namang si Bianca ay ganoon rin. Female version lang ni Zach pero mas girly at mas mapuna at hindi siya nanlalaki, hopeless romantic yun.
Ang tagal din naming hindi nagkita. Si Bianca lang ang nakita ko two years ago dahil nagbakasyon sila Zach with his family sa Palawan. Sayang gusto ko pa naman siyang makita . He's always been my knight in shining armor kasi.
Sabi ni Kuya papasok na daw ako sa Ranford University kung saan nag aaral sina Zach and Bianca. I can't wait to see them.
The thing that is bothering me now is will they still like me even though I changed? Well kung tutuusin ay wala naman talagang nagiba sa akin. Ako parin si Orange Vargas na nasa Grade 12 na papasok sa Ranford ngayong Second Semester.
-----edited-----
BINABASA MO ANG
Deja Vu
HumorMaayos ang buhay ko bago ka dumating. Tahimik lang ito at hindi complicated. Pero dumating ka na parang bagyo, ang lakas ng hangin na dala mo at ginulo mo ang puso't isip ko. Pero umalis ka na lang ng walang paalam. Apples mo! Dumating ka pa! After...