CHAPTER 2
TITIG na titig si Etheyl sa guwapong mukha ni Calyx Vargaz. Mahimbing itong natutulog kaya malaya niyang napagmamasdan ang gwapo nitong mukha. The magazine photos did not do him justice. His pitch-black eyes were magnetizing as he looked at her earlier. And those dimples and his lips... Damn it. He was gorgeous and he knew how to use it.
What happened last night was a mistake on her part. Siya ang unang humalik dito. Siya ang nang-akit dito. But she couldn't deny that she was satisfied.
Pero alam niyang hindi na masusundan pa ang nangyari sa kanila ni Calyx kaya kampante siya na hindi na sila nito magkikita pa. He was a billionaire, and she was just a normal woman trying to survive every month. Napakalayo ng agwat nila sa buhay. Kung ano man ang nangyari sa kaniya kagabi, isa nalang iyong magandang ala-ala sa kaniya. It would never happen again. She was sure of that.
Nagkita lang naman sila ni Calyx dahil pumunta siya sa magarang hotel na 'to dahil nakipag-usap siya kay Cole tungkol kay Seth at kung puwede pa nilang ayusin ang dapat ayusin. Alam niyang malungkot si Seth dahil sa pagkawala ni Cole sa buhay nila at gusto lang naman niyang pasayahin si Seth.
Seth liked Cole. So much. Pero nagutay-gutay ulit ang puso niya ng sabihin nitong ayaw na nito sa kanila. Ayaw nito kay Seth at mas lalong ayaw nito sa kanya dahil ayaw niyang gawin ang hinihingi nito. What an asshole! Hindi siya makapaniwalang pinatulan niya ang lalaking 'yon! Akala niya mahal siya ni Cole. Isa lang palang kasinungalingan ang lahat. Gusto lang pala siya nitong i-kama kaya ganoon. Pagpapanggap lang ang lahat. Tulad ng mga lalaking dumaan sa buhay niya. Mga manggagamit. Buti nalang ay wala ang mga itong nakuha sa kaniya, pero nasaktan naman ang puso niya.
Nasaktan siya ng sobra sa mga sinabi sa kanya ni Cole. Akala pa naman niya ay tanggap nito ang lahat sa kanya, isa lang pala iyong kalokohan. At naroon si Calyx para maibsan ang lungkot at sakit na naramdaman niya.
She would not have sex with a stranger if it were not Calyx Vargaz.
God. Hindi ito puwedeng malaman ni Seth. Speaking of which, kailangan na niyang umuwi. Mag-uumaga na. Mula sa glass walls ng dingding ng hotel, nakikita niyang malapit ng ngumiti si haring araw.
Mabilis siyang bumangon at maingat na umalis sa kama. Pagkatapos ay pinulot niya ang nahubad na damit na nasa sahig at isinuot iyon. Pagkatapos ay maingat siyang lumabas ng hotel.
Magulo pa ang buhok niya dahil hindi pa siya nagsusuklay pero kailangan niya talagang umalis bago pa magising si Calyx.
Last night was unforgettable but she needed to put it aside and face her life. Hindi na mauulit ang nangyari kagabi. Days from now, it would be a distant erotic and sexy memory. Pero alam din niya sa sarili niya na hindi niya makakalimutan ang nangyari sa kanila ni Calyx.
Nang makalabas ng hotel kaagad siyang pumara ng taxi at nagpagatid sa apartment niya. Kaagad siyang sinalubong ni Beth ng makapasok siya sa pinto ng apartment niya.
"Saan ka galing? Alalang-alala ako sayo," ani Beth saka niyakap siya. "Bakit hindi ka umuwi kagabi? Hinanap ka ni Seth."
"Wala, nalasing lang ako kagabi," pagsisinungaling niya.
"Saan ka naman nalasing?"
"Sa bar ako nakatulog." Paghahabi niya ng kuwento saka iniba niya ang usapan. "Nasaan si Seth?"
"Naku, hayon, tulog pa," imporma sa kaniya ni Beth. "Maghahating gabi na kasi yan natulog sa kakahintay sayo."
Napabuntong-hinga siya saka umupo siya sa sofa at sinuklay ang mahabang buhok. "Hindi ko na alam ang gagawin ko, Beth." Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. "Nag-break na kami ni Cole kagabi."
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 5: Calyx Vargaz
General FictionCalyx Vargaz was a self-proclaim playboy, self-centered and charismatic. He was downright handsome with his beguiling pitch-black eyes and set of dimples. According to a bachelor magazine, he was worth billions and that made women swoon over him... ...