CHAPTER 22
CALYX frowned when he saw Etheyl's reaction when she entered his room. Mabilis niyang ipinalibot ang paningin sa dati niyang silid para alamin kung may kalat ba o madumi para sumama ng ganoon ang mukha nito pero wala naman siya nakita.
Ibinalik niya ang tingin kay Etheyl at matiim itong nakatitig sa kama niya.
"Hey," pukaw niya kay Etheyl sabay yugyog sa balikat nito. "Okay ka lang?"
Dahan-dahang dumako ang mga mata nito sa kanya. "T-This is your r-room?" Parang hindi makapaniwalang tanong nito.
Naguguluhang napatango siya. "Yes. Bakit, anong problema?"
Hindi makapaniwalang tumawa ito ng walang emosyon. 'Yong uri ng tawa na walang lamang pero makapanindig balahibo naman.
"Etheyl, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya.
Tumango ito. "Y-Yeah."
Dahan-dahan itong naglakad palapit sa kama niya at umupo sa gilid niyon. Dahan-dahan din nitong ipinalibot ang tingin sa kabuonan ng silid niya. Etheyl looked at every inch of his room. From the furniture to the windows and the floor.
Nababahala na siya sa reaksiyon nito kaya naman nilapitan niya ito at umupo sa tabi nito.
"You really look pale and bothered," aniya. "Ayos ka lang ba? Is there something wrong with my room?"
Tumuon ang mga mata nito sa kanya. May galit at kaguluhan don. "Ilang babae na ang dinala mo rito?"
Napakunot nuo siya sa tanong nito. "Etheyl, hindi issue satin ang pagiging playboy ko noon—"
"I'm asking you, Calyx. Ilang babae na ang dinala mo rito?"
Naiinis na ihinilamos niya ang kamay sa mukha bago sumagot. "Only one. Sa maniwala ka sa hindi isa lang. Pinangako ko sa sarili ko noon na hindi ako magdadala ng babae rito sa bahay ng mga magulang ko. I respect this house. I respect my room. I don't know what happened to me that night, but I brought a woman here in my room. I was drunk, so was she. We rode a taxi from the club. Sa tingin ko may nangyari sa amin. Lasing ako no'n, e. Hindi ko masyadong maalala. Kinaumagahan ko na nalaman mula sa may-ari ng bar na may inihalo pala silang druga doon sa alak ng i-si-ni-serve nila. It was a especial liquor, he said. Bumalik ako roon para magtanong kung kilala nila ang babaeng inuwi ko nang nakaraang gabi. But no one saw me leaving with her.
"At nang magising ako ng umagang 'yon, hindi lang ang babaeng 'yon ang nawala, pati na rin ang memorya ko ng gabing 'yon. That drug did something to me. I don't know what kind of drug that was but I don't remember anything. Ang naalala ko lang may dinala akong babae rito. Ni mukha niya hindi ko masyadong maalala. And hell! That was six fucking years ago!"
"And you didn't even look for her?"
Napasabunot siya sa sariling buhok. Alam na niya kung saan hahantong ang usapan nilang ito.
"Sino naman ang pagtatanungan ko? Bumalik na nga ako sa bar diba para sana hanapin ang babaeng 'yon. Pero wala ngang nakakita sa amin. Ni mga kaibigan ko nga hindi alam na umuwi ako, e. I was so drunk that night, Etheyl. Give me a break."
"Ang sabihin mo iresponsabli ka lang talaga!" Anito na puno ng hinanakit ang boses. "Hindi mo man lang ba inisip ang babaeng 'yon? Paano kung nabuntis mo siya—"
"Kung nabuntis ko siya kasalanan na niya iyon dahil hindi siya bumalik dito sa bahay. She was the one who left, okay? Hindi ko siya pinagtabuyan. Basta nang magising ako wala na siya. Only the blood on the sheet was left."
Marahas itong umiling-iling. "No! Babaero ka kasi talaga! Paano kung tumakbo 'yong babae dahil sa takot at pangamba? At bakit ka pa nakikipagsex sa taong hindi mo nga kilala at lasing ka pa—"
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 5: Calyx Vargaz
Fiction généraleCalyx Vargaz was a self-proclaim playboy, self-centered and charismatic. He was downright handsome with his beguiling pitch-black eyes and set of dimples. According to a bachelor magazine, he was worth billions and that made women swoon over him... ...