CHAPTER 15
KARGA-KARGA ni Calyx si Seth habang naglalakad sila papasok sa apartment. Mula ng lumabas sila sa hopsital, hindi na nagpababa si Seth kay Calyx. Si Etheyl na ang nagmaneho ng Kotse ni Calyx dahil panay ang lambing ni Seth sa binata.
Hanggang sa makapasok sila sa kanilang apartment ay hindi pa rin maalis ni Etheyl ang mga mata kay Calyx at Seth.
There was joy in her heart, but there was also sadness.
Ngayo lang ni Etheyl naisip na gusto talaga ni Seth na magkaroon ng ama. Etheyl could see how Seth clung to Calyx's neck. Panay ang paglalambing ng anak niya sa binata. Si Calyx naman ay halatang natutuwa.
Nag request ang binata na hindi niya sabihin kay Seth ang totoo pero umayaw siya dito. But seeing her son happy, she didn't have the heart to take away the happiness from Seth. Hindi niya kayang saktan ang anak niya. Ngayon lang niyang nakitang ganito kasaya si Seth. Etheyl wanted to tell Seth the truth, pero sa tuwing nakikita niya ang masayang ngiti sa mga labi nito, hindi niya magawang sabihin dito ang katutuhanan.
Naduduwag siya na baka masaktan ito na siyang iniiwasan niyang mangyari.
"Tapos? Nakailang star ka naman sa school?" Narinig niyang tanong ni Calyx sa anak niya habang nakaupo ang dalawa sa sofa at nakakandong sa hita ng binata ang anak niya.
Pinakita ni Seth ang kamay at tinuro ang pulsohan. "Daddy, dito nilalagay ni teacher ang stars ko. Kaya lang binura na ni mommy nuong naligo po ako."
Calyx faked a gasped of horror. "Binura ni mommy?! Bakit niya binura? That's a star at pruweba 'yon sa katalinuhan mo!"
Humagikhik ang anak niya. "Oo nga daddy, e. Sabi kasi ni mommy, dirty 'yon sa skin. Tapos alam mo po daddy, alam ko na kung paano isulat ang pangalan ko." May pagmamalaki sa boses ni Seth. "Tapos alam ko na kung paano magbilang mula one to twenty," excited na kuwento ni Seth kay Calyx.
Nakangiting ginulo ni Calyx ang buhok ni Seth. "Talaga? Wow naman. Ang galing. Gustong makita ni daddy kung talagang marunong ka na ngang magsulat sa pangalan mo. Puwede ba, kiddo?"
"Yes po!" Biglang umalis sa pagkakaupo si Seth kay Calyx. "Kukunin ko po ang bag ko." Excited na wika nito sa matinis na boses at patakbong pumasok sa silid nito.
Nangingiting bumaling sa kanya si Calyx at natigilan ito ng magtama ang mga mata nila.
"What?" Calyx inquired innocently. "Bakit ganyan ang tingin mo sakin?"
Umiling siya. "Nothing." Pinapangarap ko lang na ikaw na lang sana ang nakabuntis sa'kin, lihim niyang aniya.
Nakikinita na niyang magiging isang mabuting ama si Calyx. Pilit niyang iniisip na napipilitan lang si Calyx na pakisamahan si Seth pero hindi iyon ang nakikita niya. Nakikita niya ang masayang kislap sa mga mata ni Calyx sa tuwing tinatawag itong daddy ni Seth.
Would she dare hope?
"Earth to my beautiful Etheyl."
Napakurap-kurap siya ng maramdamang may humaplos sa pisngi niya.
Nagtama ang mga mata nila ni Calyx. Bahagya siyang nagulat dahil hindi man lang niya namalayan na nakalapit na pala ito sa kanya.
"Nasaan ka na naman at bakit palagi kang nawawala?" Usisa nito sa kanya na magkasalubong ang kilay.
Nag-iwas siya ng tingin. "Wala. May iniisip lang ako."
"Mind telling me what you're thinking?"
Umiling siya. "Too personal."
Magsasalita pa sana ito ng marinig nila ang matinis na boses ng anak niya.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 5: Calyx Vargaz
General FictionCalyx Vargaz was a self-proclaim playboy, self-centered and charismatic. He was downright handsome with his beguiling pitch-black eyes and set of dimples. According to a bachelor magazine, he was worth billions and that made women swoon over him... ...