CHAPTER 13
BUONG araw na hindi mapakali si Etheyl. Bigla nalang kasing umalis si Calyx kanina ng hindi manlang nagpapalam. Alam niyang nagalit ito dahil sa naging reaksiyon niya. Medyo nagulat lang siya na pinaalam nito sa mga magulang nito ang tungkol sa kanila ni Seth. May karapatan naman siguro siyang mag-react ng ganoon lalo na't hindi niya kilala ang mga magulang nito.
Kaninang umaga pa ito umalis at hanggang ngayon na papadilim na ang kalangitan, wala pa rin siyang natatanggap na kahit text man lang mula rito. He must be really mad at her.
Kinuha niya ang cellphone sa bag at tinawagan si Calyx. Please, pick up. Hanggang sa natapos ang pag-ring ay walang sumagot.
Hindi niya alam kung bakit hindi siya mapakali na hindi ito nakakausap kaya naman napag-desisyunan niyang puntahan ang lalaki sa opisina nito. Malapit nang mag-alas singko ng gabi, siguro naman nasa opisina pa nito ang binata.
"Hello, Miss Vallega," bati sa kanya ng sekretarya ni Calyx na si Eliza Velazquez ng makita siya nitong lumabas mula sa elevator.
"Hi." May munting ngiti ang mga labi niya na bati rito. "Nandito ba si Calyx?"
"May board meeting po siya ngayon. Kapapasok palang niya." Iminuwestra nito ang kamay sa sofa na naroon sa labas ng opisina. "Upo nalang kayo, Miss Vallega. Baka matagalan pa si boss."
Etheyl sighed in disappointment. "Ganoon ba? Sige, aalis nalang muna ako."
Akmang aalis na siya ng pigilan siya ng sekretarya ni Calyx.
"Wait, Miss Vallega. Hintayin niyo nalang si Boss," pigil nito sa kanya. "Pupuntahan ko siya sa conference room para itanong kung matatagalan ba siya. Wait for me here, madam." Pagkasabi niyon ay naglakad ito patungo sa pinto na hindi naman kalayuan sa opisina ni Calyx.
May board meeting? But it was already near five P.M. Kunot ang nuong naupo siya sa sofa. Habang naghihintay, pabilis ng pabilis ang tibok ng puso niya. Kinakabahan siya sa hindi malamang kadahilanan. She wanted to see Calyx. Gusto niyang malaman kung galit pa ito sa kanya. It scared her to think that Calyx might be mad at her. Alam niyang kagagahan ang nararamdaman niya pero gusto niya ang pakiramdam na nasa tabi lang niya ang binata.
Etheyl did not want to show Calyx how much he affected her.
Nang makita niyang lumabas ang sekretarya ni Calyx sa conference room, tumayo siya mula sa pagkakaupo saka sinalubong niya ito.
"Matatagalan pa ba?" Tanong niya.
The secretary smiled and motioned her hand at the door. "Pumasok ka nalang daw, Miss Vallega."
Natigilan siya sa sinabi nito. Etheyl did not know anything about business but she knew that she couldn't just barged into a board meeting. Huminga siya ng malalim. "Aalis nalang ako. Pakisabi nalang sa kanya na dumaan ako."
Pinigilan na naman siya ng sekretarya ni Calyx sa kamay. "Pumasok ka na raw. Tapos na ang board meeting."
Napatitig siya sa pinto ng conference room. Well, si Calyx naman ang nagpapasok sa kanya. Why not? At tapos na naman daw ang meeting.
Humugot siya ng malalim na hininga, pagkatapos ay nagmamadaling pumasok sa conference room. Nakababa ang tingin niya ng pumasok kasi ayaw niyang makita ang itsura nang mga ka-meeting ni Calyx. Sigurado siya na gulat ang mukha ng mga ito dahil sa pagpasok niya.
Pero ilang segundo na ang lumipas, wala siyang narinig na ingay. Kaya naman nagtaka na siya.
Dahan-dahan niyang itinaas ang tingin at umawang ang mga labi niya sa sobrang gulat ng makita ang ayos ng conference room.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 5: Calyx Vargaz
General FictionCalyx Vargaz was a self-proclaim playboy, self-centered and charismatic. He was downright handsome with his beguiling pitch-black eyes and set of dimples. According to a bachelor magazine, he was worth billions and that made women swoon over him... ...