CHAPTER 21
HINDI kayang ipaliwanag ni Etheyl kung ano ang nararamdaman niya habang nakasakay sila ni Seth sa sasakyan ni Calyx at humaharurot iyon patungo sa bahay ng mga magulang ng binata. Calyx told her last night na sa isang private beach daw nakatayo ang bahay ng mga magulang nito.
Parang hinahalukay ang bituka niya sa loob ng kanyang tiyan at nanlalamig ang katawan niya lalo na ang kamay niya. Pinagpapawisan siya ng malapot at kinakabahan siya.
Pumayag siya na sumama kay Calyx sa birthday party ng mommy nito. Calyx had done so much for her son. This was the least thing she could do for him.
Sila ang regalo na gusto ng ina nito. Etheyl did not know if it was negative or positive. Hindi sana niya isasama si Seth pero panay ang iyak nito ng iiwan na nila ang bata sa ate niya. Kaya wala siyang nagawa kundi ang isama ito.
"Hey," pukaw sa kanya ni Calyx. "Okay ka lang? Hindi naman nangangain ng tao ang mommy ko. She's actually pretty cool."
Tumango lang siya at hindi nagsalita. Pinapakalma niya ang sarili dahil ayaw niyang mapahiya mamaya sa harap ng ina nito. Kaya naman gagawin niya ang lahat para magpatuloy ang maganda nilang relasyon at kung kailangan niyang pakisamahan ng mabuti ang ina nito kahit hindi siya nito gusto para sa anak nito, gagawin niya.
Hindi naman na bago sa kanya ang husgahan at maliitin dahil lang sa single mom siya, kakayanin niya ito.
"Mommy, saan ba tayo pupunta?" Tanong ng anak niya na nasa passenger seat at naka-seatbelt.
Huminga siya ng malalim. "Pupuntahan natin ang parents ng daddy mo."
Biglang ngumiti si Seth, gumuhit ang kasiyahan sa mukha nito. "Yehey! May lola at lolo na ako!"
Nababahalang napatingin siya kay Calyx na kinindatan lang siya ng magtama ang mga mata ni sa review mirror. Natatakot siya hindi para sa sarili niya kundi para sa anak niya.
Paano nalang kung hindi ito tanggap ng mga magulang ni Calyx? Kapag nangyari 'yon, iuuwi talaga niya ang anak niya at bahala na ang diyos sa kalalabasan ng lahat.
Pakiramdam ni Etheyl ay yon na ang pinaka-mahabang biyahe na naranasan niya sa tanang buhay niya. Pero ang totoo, thirty minutes palang sila na nasa loob ng sasakyan ni Calyx.
"Relax, Etheyl," wika ni Calyx. Mukhang nakikita nito na kinakabahahan siya.
Bumuga siya ng marahas na buntong-hininga. "I'm relax." Bumuga na naman siya ng hangin. "I'm okay."
Napailing-iling nalang si Calyx at tumingin sa kalsada.
Nang tumigil ang sasakyan ni Calyx sa isang two-story house na nakatayo malapit sa dagat, nanginginig na ang kamay niya sa nerbyos. The house looked so cozy and homey. Siya kinakabahan samantalang ang anak niya ay nakangiti at sobrang excited.
"Ang ganda naman po ng bahay nila lolo at lola," komento ng anak niya habang nakatingin sa bahay.
"Dito ako nakatira noon," kuwento naman ni Calyx.
Bago sila pumasok sa gate ng bahay, nilingon siya ni Calyx.
"Etheyl, I'm warning you." His face was dead serious. "Medyo kakaiba ang ugali ng mommy ko. Huwag kang mao-offend sa mga sasabihin niya ha? Ganoon na talaga siya, e. My dad is just the same as mom. Medyo light nga lang."
"What? Calyx—"
"You'll be fine, beautiful."
Mas lalong nadagdagan ang kaba na nararamdaman niya. Parang gusto niyang tumakbo palayo pero huli na. Nakapasok na ang sasakyan sa loob ng bahay at nakasara na ang gate.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 5: Calyx Vargaz
General FictionCalyx Vargaz was a self-proclaim playboy, self-centered and charismatic. He was downright handsome with his beguiling pitch-black eyes and set of dimples. According to a bachelor magazine, he was worth billions and that made women swoon over him... ...