CHAPTER 25

1.8M 36.6K 8.1K
                                    

CHAPTER 25

TATLONG buwan na ang nakalipas at kasal na ni Calyx at Etheyl sa makalawa. Sa tatlong buwan na 'yon ay inaasikaso nila ang kanilang kasal, sa penthouse na niya pinatira ang kaniyang mag-ina. Calyx pampered them. Lahat ng gusto at pangangailangan ni Etheyl at Seth ay ibinigay niya.

His parents were more than happy to know that Seth was really his son. Ang ate naman ni Etheyl ay natanggap na siya at tinulungan silang asikasuhin ang kanilang kasal ng nakababata nitong kapatid.

And now, he was sitting on his couch in his stag party. Ayaw naman talaga niyang magkaroon ng stag party pero ang mga kaibigan niyang may mga saltik, hindi daw papayag na walang ganoon kasi nga isang beses lang daw siya na ikakasal.

"Hello, people!" Sigaw ni Iuhence na kakapasok lang sa penthouse niya. "The handsome men are here!"

Pumasok si Iuhence, Tyron, Lander, Train at Valerian. Nauna nang dumating sila Knight na kasama ni Shun, si Dark, si Ream at saka si Ymar. Hindi nakarating ang kambal na Coleman dahil nasa Caribbean ang dalawa. Si Cali naman ay hindi sinasagot ang tawag nila kaya wala rin dito ang lalaki.

Itinirik nalang ni Calyx ang mga mata ng makitang gumiling-giling si Iuhence habang naglalakad papasok at gumaya naman ang iba pa nilang kaibigan na kasama nito.

Naupo ang iba sa sofa at ang iba naman ay sa sahig na umupo. Parang sariling bahay iyon ni Lander na kumuha ito ng beer sa refrigerator niya at binigyan isa-isa ang naroon.

"Bud." Tinapik ni Lander ang balikat niya. "Mag preside ka na."

Sarkastikong napatingin siya kay Lander. "Ano ako, president niyong may mga saltik?"

Tumawa si Ymar. "Hindi, myembro ka lang. Si Tyron ang president, e. Pero ikaw ang ikakasal kaya tumayo ka na riyan."

Calyx rolled his eyes. Napipilitang tumayo siya at naglakad patungo sa unahan saka hinarap ang mga kaibigan niya.

"Hi." Kumaway siya. "This is my stag party, and no girls are allowed. Sorry. Baka kasi hindi ako siputin ng bride ko sa makalawa."

Some of his buwesitor groaned in disapproval.

Natatawang tumayo si Tyron at itinaas ang kamay para tumahimik ang lahat.

"Guys, how about we just drink until we can't walk anymore?" Suhestiyon ni Tyron.

Itinaas ni Iuhence ang kamay. "Agree."

Valerian raised his hand, too. "Okay lang sa'kin basta hindi ko makakainuman ang dalawang 'yon," sabi nito sabay turo kay Shun Kim at Knight Velazquez na magkatabing naka-upo sa sahig.

Umatake na naman pala ang pagiging history freak ni Valerian.

Sa halip na mainsulto ang dalawa na tinuro ni Valerian, tinawanan lang ng mga ito ang binata. Alam nilang lahat kung gaano ka-apektado si Valerian pagdating sa mga singkit at espansyol.

"Suck it up, Volkzki," ani Shun na nakipag-cheers pa kay Knight. "Wala ka nang choice dahil narito kami."

"Yeah." Tumango-tango si Knight. "Suck it up, best friend."

Itinaas ni Shun ang beer kay Valerian. "My best friend."

Valerian glared at Shun and Knight. "Don't call me that."

Napabuntong-hinga nalang si Calyx. Heto na naman sila. Kaya hindi nila pinagsasama si Valerian, Knight at Shun, e. Kasi palaging nagkakasagutan ang dalawa at masakit sa tainga makinig.

"Shut up, you three!" Sigaw ni Train at itinuro ang sampong vodka na dala nito na nasa gitna ng mesa. "Ubusin nalang natin 'yan at uuwi ako kaagad dahil buntis ang asawa ko."

POSSESSIVE 5: Calyx VargazTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon