CHAPTER 20

1.9M 36.5K 5.3K
                                    

CHAPTER 20

NASA Délicieux Cuisines Restaurant sina Calyx at Etheyl kasama si Seth na masayang kausap si Calyx ng biglang may umisturbo sa kanila. Nagtagis ang bagang ni Etheyl ng makitang si Cole ang tumawag sa pangalan ni Seth. And Seth being an innocent one, lumingon naman ito sa papalapit ng lalaki at kinawayan.

"Hey, Seth," bati ni Cole sa anak niya.

Walang imik na nagpatuloy ni Etheyl ang pagkain. Ayaw niyang may masabing hindi maganda si Calyx at si Cole sa isa't-isa. She saw how Calyx's jaw tightened when Cole walked their table. Hawak din nito ang kamay niya sa ilalim ng mesa at panay ang pisil nito sa kamay niya.

"Hello po, tito Cole," masayang bati ni Seth sa lalaki. "Tito Cole, narito na po ang daddy ko," pagku-kuwento ng anak niya.

Hinintay niyang magsalita si Cole.

"Daddy mo?" May pang-uuyam sa boses ni Cole. "Baka naman made-up daddy lang na ginawa ng mommy mo?"

Napamulagat siya at puno nang pag-aalala na tumingin sa anak niya. Nakahinga ng maluwang si Etheyl ng makitang nakangiti lang si Seth habang nakatingin kay Calyx na madilim ang mukha.

"Hindi po, siya po talaga ang daddy ko," sagot naman ni Seth kay Cole. "Dinala nga po kami ni Daddy sa Disneyland—"

"Seth, I'm sure ginawa lang 'yon ng made-up daddy mo para ma-i-kama ang—"

Cole words were cut off when Calyx gripped the collar of Cole's polo and then dragged the man to the men's bathroom. Naiwan sila ni Seth sa mesa. Ang ibang tao na naroon ay nakatingin sa kanila ni Seth pero pinagsawalang bahala niya 'yon.

"Kain ka lang, anak," aniya kay Seth.

"Mommy, saan dadalhin ni daddy si tito Cole?" Inosenteng tanong ng anak niya.

Nginitian niya ito. "Mag-uusap lang sila, anak."

"Ano po ang pag-uusapan nila?"

"Hindi ko alam, anak, eh. Tanungin mo nalang si daddy kapag bumalik na siya." Gusto rin niyang malaman kung anong pinagusapan ng dalawa.

Gusto niyang malalam kung bakit hinila ni Calyx si Cole patungong men's restroom. Sana naman hindi tama ang hinala niya. Ayaw niyang nakikipag-away si Calyx ng dahil sa kanya. Paano nalang kung magkaroon ito ng pasa o kaya sugat?

Pagkalipas ng ilang minutong pag-aalala niya kay Calyx, bumalik na ito sa mesa nila. Nakangiti ito habang humihingi ng tawad dahil natagalan daw ito sa restroom.

"Okay lang po, daddy," ani Seth at ipinapatuloy ang pagkain ng finikia. It was a Greek dessert—a mixture of orange and cinnamon. It tasted delicious.

Hinawakan niya sa balikat si Calyx at pabulong na nagtanong. "Anong ginawa mo?"

"You know what, Etheyl." Nagdilim ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya. "Akala ko noon ako na ang pinakagagong lalaki sa mundo dahil sa pagiging babaero ko. Pero may mas hihigit pa pala sakin. That man is an asshole and he deserved what I did to him."

It was a sweet gesture but she was worried. "Anong ginawa mo sa kanya?"

Mas lalong nagdilim ang mukha nito at nagtagis ang bagang. "Bakit? Nag-aalala ka sa kanya?"

Pinaikot niya ang mga mata. "Ako? Nag-aalala? Pektusan ko siya, e." Lumamlam ang mga mata niya at hinawakan ang kamay ni Calyx na nasa ibabaw ng lamesa. "Ikaw ang inaalala ko? Ano bang ginawa mo? If you punched him or something, baka magsumbong 'yon sa mga pulis. Ayokong mangyari 'yon ng dahil sa'kin."

Kaagad na nawala ang pagdidilim ng mukha nito at nginitian siya. "You don't have to worry about me, Etheyl, I'm fine—"

"Anong hindi ako dapat mag-alala sa'yo? Pinukol niya ito ng masamang tingi. "I was worried because I cared for you, Calyx."

POSSESSIVE 5: Calyx VargazTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon