CHAPTER 11
HINDI alam ni Etheyl kung anong magiging reaksiyon niya ng makita niya si Calyx sa labas ng studio kung saan siya nagtuturo. Dalawang araw na ang nakakaraam mula ng huli sila nitong nagkita at nagkausap, at bago niya ito makita ngayon, pinagdududahan niya kung totoo ba ang pinagsasasabi nito nuong pumunta ito sa apartment niya.
Why would Calyx Vargaz—a gorgeous bachelor— will want to have one chance with her? Ano ba ang mayroon siya na wala ang ibang kababaehan? At saka may anak siya. May sabit. Napaka-imposible lang kasi para sa kanya ang gusto nito.
And now, she saw Calyx standing outside her studio... what the hell? Baka binibiro lang siya ng kaniyang mga mata.
"Calyx?" Paninigarudo niya na tama ang nakikita niya.
Ngumiti ang binata ng magtama ang mga mata nila. "Good morning, beautiful." May ibinigay itong paper bag sa kanya. "Have a good day. Dumaan lang ako para ibigay 'to sayo. May board meeting kasi ako kaya hindi kita maiimbitahan mag breakfast sa labas. Bye. Take care and have a blessed day ahead." Pagkasabi niyon ay kinindatan siya nito saka mabilis itong naglakad patungo sa nakaparada nitong kotse at sumakay pagkatapos ay pinaharurot nito ang sasakyan.
Nakatingin lang siya sa papalayo nitong sasakyan pagkatapos ay bumaba ang tingin niya sa hawak niyang paper bag na bigay ni Calyx.
Ano 'to?
Pumasok muna si Etheyl sa studio at nagpapasalamat siya na nauna siyang pumasok kay Beth. Wala pa ang kaibigan niya para tudyoin siya ng walang tigil. Binuksan niya ang paper bag at nang makita ang laman, isang munting ngiti ang gumuhit sa mga labi niya.
Isang Starbucks coffee at cookies ang laman ng paper bag. May maliit na papel na naroon at hindi niya napigilan ang sarili na basahin iyon.
Beautiful,
Eat up. Hope you like it.
-Calyx
Hindi maikakaila ni Etheyl na parang tumalon-talon ang puso niya sa kilig. Pero kaagad nya iyong sinuway dahil hindi niya dapat nararamdaman 'yon.
Pumasok siya sa silid na nagsisilbing opisina niya at doon kinain ang bigay ni Calyx. Syempre nagtabi siya para kay Seth. Paborito kasi ng anak niya ang cookies.
Tamang-tama naman ng matapos siyang kumain, isa-isang nagsidatingan ang mga estudyante niya. Tuwing umaga, ang mga estudyante niya ay mga teens na gusto ng mga magulang na matuto ng tamang pag-uugali dahil wala ang mga itong oras para gawin iyon kasi masyadong abala sa mga trabaho nito. Sa tuwing weekends naman, ang mga estudyante niya ay mga bata na nasa edad lima hanggang sampo. Ang mga magulang naman ng mga ito ay lahat mayayaman at gustong matuto ang kanilang mga anak sa tamang mga galaw at kilos sa iba't-ibang okasyon sa murang edad. At dahil kay Calyx, binuksan niya ang tinatawag ni Beth na special classes. Mostly ang mga estudyante niya ay mga ka edad niya na kulang ang confident sa sarili o kaya naman ay iyong gustong malaman ang mga dapat ikilos sa bawat sitwasyon at okasyon pupuntahan.
Late na nang dumating si Beth, pero wala naman iyong kaso sa kanya. Magaling si Beth bilang isang sekretarya niya at matalik niya itong kaibigan.
Pagkatapos ng klase niya, kinulit siya ng kinulit ni Beth tungkol kay Calyx kaya naman wala siyang ibang choice kundi ang sabihin dito ang totoo. Beth was a good friend of her. At karamay niya ito habang pinagbubuntis niya si Seth ng walang dumamay sa kanya kahit pa ang ate niya.
"Hindi ko alam kung bakit pero humingi siya ng isang chance sakin," pagku-kuwento niya. "Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ng lalaking 'yon, pero kung ano 'yon, hindi ko siya hahayaang saktan ako."
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 5: Calyx Vargaz
General FictionCalyx Vargaz was a self-proclaim playboy, self-centered and charismatic. He was downright handsome with his beguiling pitch-black eyes and set of dimples. According to a bachelor magazine, he was worth billions and that made women swoon over him... ...