CHAPTER 6

2M 37.9K 12.9K
                                    

CHAPTER 6

MASAKIT ang ulo ni Calyx nang magising siya dahil sa pag-inom niya ng nagdaang gabi na nauwi sa pagkalasing. Nagulat siya ng makitang nakahiga siya sa sariling kama sa penthouse niya. Ang huli niyang naaalala ay nakasakay siya sa kotse ni Lander mula sa cruise ship ni Cali dahil doon sila nag-inuman.

Baka hinatid ako ni Lander, aniya sa sarili.

Sinubukan niyang bumangon at malutong na napamura ng parang biniyak ang ulo niya sa sakit. "Fuck! Shit! Fuck! Hindi na ako iinom." Yeah, right.

Kahit masakit, pinilit niyang bumangon para uminom ng gamot para sa sakit ng ulo.

Pagkatapos niyang uminom ng gamot, naligo siya at lumabas sa penthouse niya. He put a dark sunglass on before stepping out from the elevator.

Nang makasakay siya sa Kotse niya, nagmaneho siya patungo sa pinakamalapit na Starbucks at doon nag-agahan. Paunti-unti, nawawala na ang sakit ng ulo niya kaya naman medyo gumagaan na ang pakiramdam niya.

Habang iniinom ang inorder na black coffee, may umupo sa bakanteng silya ng kina-u-upuan niyang mesa.

"Nice seeing you here, bud," anang pamilyar na boses.

Tumingin siya sa kaharap niyang upuan at nakita si Shun. Kaagad siyang ngumiti. "Well, well, well," he chanted. "If it isn't the infamous Shun Kim. Kumusta?"

They bumped their fist and did a handshake.

"I'm cool," nakangiting sagot nito at sumandal sa likod ng upuan. "Ikaw? Kumusta? How's the information I gave you?"

"I have a massive headache, I felt like shit and the information you gave me is okay. Useful."

"Syempre naman," pagmamalaki nito. "Ako ang nagbigay niyon sayo."

"Useful, but expensive," komento niya.

Mahinang tumawa si Shun. "Calyx, that's the thing about useful. They are very expensive. Ang sabihin mo, kuripot ka lang talaga."

Pinaikot niya ang mga mata. "Ang sabihin mo mandurugas ka."

Tumawa lang si Shun saka ininom ang laman ng hawak nitong kape. "Hindi ako mandurugas. I am a businessman and that's what I do for a living."

Nailing na itinirik niya ang mga mata. "Yes, Shun, mandurugas ka. Pag-aari mo ang Royal Housing Real Estate, diba kasosyo mo do'n ang may-ari ng Bachelor Village, si Lysander Callahan? Sa tingin ko naman sapat na ang kinikita mo sa mga negosyo mo. Kinukotungan mo pa kami."

Ngumisi ito. "Come on, Calyx. Hindi ko kayo kinukotungan. I merely sell properties."

"In exchange for freaking informations."

"Information that you needed, my friend. And I provide that information. Alam mo ba kung gaano kahirap maghanap ng impormasyon tungkol sa isang tao?"

"Mahirap?" Napapantastikuhang tanong niya. "Anong mahirap? You found out information about Etheyl in just a matter of second. Ang sabihin mo, mandurugas ka lang talaga."

Nagkibit balikat lang si Shun. "Whatever makes you sleep better at night, Vargaz."

Humugot siya ng malalim na hininga saka kinagat ang pang-ibabang labi habang nag-iisip kung tama ba ang gagawin niya. "Ahm, may ipapahanap akong address. Kaya mo?"

Shun smirked. "Piece of cake."

"Great." Huminga ng malalim si Calyx saka sinabi dito kung kaninong address ang ipapahanap niya. "Magkano?"

"I have a new car—"

"Sold." Putol niya sa iba pa nitong sasabihin. Baka magmahal pa ang presyo ng impormasyon na kailangan niya. "I'll send the check later."

POSSESSIVE 5: Calyx VargazTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon