CHAPTER 9
PAGKATAPOS nilang mag-date ni Calyx, dinala siya sa penthouse nito. Hindi tanga si Etheyl para hindi malaman ang puwedeng mangyari sa kanila ni Calyx doon pero ayaw pa niyang umuwi. She still wanted to stay in this dream-like date.
Kapag umuwi siya, naroon sa apartment niya ang reyalidad. Gusto niyang sabihin kay Calyx na may anak na siya pero hindi niya maibuka ang bibig para magsalita baka kasi mag-iba ang tingin nito sa kaniya tulad ng mga lalaking naka-date niya noon. They all changed after hearing the truth.
Kaya naman nangako siyang hanggang ngayong gabi nalang siya makikipag-ugnayan kay Calyx. Mas makakabuti nang hindi siya makipagkita rito kaysa naman na malaman nito ang totoo at mag-iba ang pagtrato nito sa kanya tulad ng iba.
Etheyl knew that there would be no Calyx, Etheyl and Seth in the future. There was only Etheyl and Seth. Alam niyang hindi matatanggap ni Calyx na may anak siya sa ibang lalaki. He was one of the most sought-after bachelors in the country. Bakit naman nito pipiliin ang isang katulad niya na may sabit na?
"Hayan ka na naman," anang boses ni Calyx, "Malayo na naman ang isipan mo. Kasama nga kita pero parang ang layo-layo mo naman."
Napakurap-kurap siya at marahang ipinilig ang ulo. "Sorry. May naisip lang ako."
"Mind sharing what's on your mind?"
Pumintig ng mabilis ang puso niya. Ano kaya ang magiging reaksiyon nito kapag nalaman nito na may anak siya? "Wala 'yon. Not important."
Hindi na nagsalita si Calyx habang nakasakay sila sa elevator at nang makarating sila sa kanilang destinasyon, hinawakan ni Calyx ang kamay niya at iginiya siya papasok sa penthouse nito.
Nang makapasok sila, hinubad ni Calyx ang suot nitong polo at itinapon iyon sa may sofa pagkatapos ay tumingin sa kanya.
"Coke? Juice? Or Tea?"
"Busog pa ako," tugon niya.
"Okay," ani Calyx sabay hawak sa kamay niya at hinila na naman siya patungo sa isang pinto. "Welcome to my room." Binuksan nito ang pinto at hinila siya papasok.
Umawang ang labi ni Etheyl sa ganda at lawak ng kuwarto nito. Mayroon itong king size bed na may kulay midnight blue na bed cover sa gitna ng silid. Sa kanang bahagi ay naroon ang terrace, tapos may isang pinto na bahagyang nakaawang na hinuha niya ay banyo. Tapos sa kaliwang bahagi naman ay ang walk-in closet nito at halos malula si Etheyl sa laki niyon. His closet was like the size of her apartment! And not to mention the mini bar in the corner. Puno iyon ng mga mamahaling alak.
Isa siyang etiquette and personal development teacher. Alam niya ang iba't-ibang klase ng alak dahil minsan nasasama iyon sa itinuturo niya lalo na kung mga kababaihan na nasa edad disinuwebe na mahilig makipag-inuman at hindi alam ang mga limitasyon ang tinuturuan niya.
Naglakad siya palapit sa sofa na malapit sa mini bar at umupo.
"Nakakalula naman itong kuwarto mo," komento niya.
Calyx chuckled. "Why?"
Bago pa siya makasagot, pumasok na ito sa walk-in closet at nang lumabas ito, naka-boxer short nalang ang binata at hindi siya makatingin ng deretso rito dahil makikita nito sa mga mata niya ang pagnanasa niya sa matitipuno nitong katawan.
Tumikhim siya. "Alam kong mayaman ka pero hindi ko akalain na ganito ka kayaman."
Tumabi ng upo sa kanya si Calyx sa sofa at hinawakan ang kamay niya at nilaro-laro ang daliri niya. "Hindi ako mayaman. Ang mayaman ay ang mga magulang ko. They are still the owner of CureMed Pharmaceutics. Ako lang ang namamahala."
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 5: Calyx Vargaz
General FictionCalyx Vargaz was a self-proclaim playboy, self-centered and charismatic. He was downright handsome with his beguiling pitch-black eyes and set of dimples. According to a bachelor magazine, he was worth billions and that made women swoon over him... ...