CHAPTER 24

1.7M 36.9K 8.8K
                                    

CHAPTER 24

"W-WHAT?" Hindi makapaniwalang nakatingin si Etheyl kay Calyx. "A-Anong kasal ang pinagsasasabi mo? Nababaliw ka na ba?" Naguguluhang sabi niya. Hindi niya alam kung anong klaseng utak mayroon ang lalaking 'to?

"So alam mo?" Tanong nito.

"Anong alam ko?" Naguguluhang tanong niya.

"Nagulat ka ng banggitin ko ang salitang kasal pero hindi nang banggitin ko ang paternity ko kay Seth? Ibig sabihin ba no'n, alam mong anak ko siya?"

Kinagat niya ang pang-ibabang labi at nag-iwas ng tingin. "I was going to tell you—"

"Kailan mo sasabihin?" Ani Calyx sa malamig na boses. "Kapag handa ka na? Kailan? Kaya ba karga-karga mo si Seth kasi aalis ka? Katulad ng ginawa mo ng araw na 'yon? Kaya nawalan ng ama si Seth dahil tumakbo ka. Bakit hindi ka bumalik sa bahay nuong nalaman mong buntis ka, ha?"

Mapait siyang ngumiti. "Sa tingin mo ginusto kong lumaki si Seth na walang ama? Calyx naman. Alam mo kung gaano ko kagusto magkaroon ng ama ang anak ko. Nagtataka ka kung bakit hindi ako bumalik sa bahay mo? Kasi hindi ko alam kung paano. I was so scared that morning when I woke up. Hindi ko maalala ang nangyari sa gabing 'yon kaya siguro naman ay may karapatan akong matakot at tumakbo." Naguunahang namalisbis ang luha niya. "Pasensiya na, ha? Kasi nung tumakbo ako hindi ko tiningnan ang address ng bahay niyo sa sobrang takot na naramdaman ko. Basta tumakbo lang ako ng tumakbo habang umiiyak hanggang sa hindi ko na kayang tumakbo pa. Pasensiya na rin kasi wala ka roon nuong nagli-labor akong mag-isa kasi si ate busy. Pasensiya na rin kung wala ka roon nuong naghihirap akong manganak at naghihirap akong naghanap ng trabaho para lang may mapakain sa anak natin. At pasensiya rin dahil wala ka sa mga panahong iyak ng iyak si Seth dahil hinahanap ang ama niya at wala akong maipakilala sa kanya." Mariin niyang ipinikit ang mga mata. "Sorry ha? Nakakahiya naman sayo."

Nang imulat niya ang mga mata, nakatungo si Calyx at punong-puno ng pagsisisi ang mukha nito.

"I'm sorry," mahinang sambit ni Calyx. "I'm sorry wala ako sa tabi mo habang nagli-labor at nanganganak ka. I'm sorry dahil wala ako sa tabi mo habang nagpapakahirap kang maghanap ng trabaho para sa anak natin. And I'm sorry kung napagsalitaan kita." He looked at her, his eyes were vulnerable. "Nang umalis ka ng araw na 'yon, I haven't had a good night sleep ever again. Sa tuwing nahihiga ako sa kamang 'yon palagi kong napapanaginipan ang nangyari sa atin. Pero ang babae sa panaginip ko ay walang mukha. Nababaliw na ako noon. I couldn't sleep. I couldn't stop thinking that woman who I can't even fucking remember. Kaya naman napag-desisyunan kong bumukod dahil hindi ko na kayang matulog doon na hindi napapanaginipan ang babaeng 'yon. Hinintay kong may lumapit sa aking babae at magpakilala na siya ang babaeng unang bumaliw sa isipan ko. Pero wala. And then you came. And I fell in love with you at first night."

Walang ingay siyang humagulgol. Frustration, pain, anger, guilt and regret. Halo-halo niyang nararamdaman ang mga 'yon kaya hindi niya mapigilan ang mga luha niya.

Naramdaman nalang niya na may labing lumapat sa mga labi niya. Nang imulat niya ang mga mata, nakita niyang si Calyx ang humalik sa kanya.

Ibinuka niya ang bibig at hinayaan ang binata na palalimin pa ang halik na pinagsasaluhan nila. Tinugon niya ang halik nito. Ginagad niya ang bawat paggalaw ng mga labi nito.

She was kissing the father of her child. She was kissing the man she loved. Oh, God. Ito ba ang kapalit sa lahat ng paghihirap ko noon? Calyx was like a sunshine to her dark and lonely world.

Tama na. Tama na ang pagiging bitter niya. Tama na ang pagiisip niya nang kung ano-ano. Dahil habang magkalapat ang mga labi nila ni Calyx, nararamdaman niya ang pagmamahal nito. He was really here to stay. Gaga at bitter lang siya para hindi iyon paniwalaan.

POSSESSIVE 5: Calyx VargazTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon