CHAPTER 4
NAKAKAPAGOD. 'Yon ang masasabi ni Etheyl sa dalawang oras na pagtuturo niya kay Calyx tungkol sa mga dapat ikilos ng isang maginoong lalaki. Kung hindi lang siya nito binayaran ng malaking halaga at kung hindi siya na ngangailangan ng pera, kanina pa niya ito nilayasan.
"For the last time, Calyx, hindi ganyan ang dapat na paghawak mo sa isang babae?" Naiinis na inayos niya ang kamay nito na nakapulupot sa beywang niya. "Put your hand on my back, that's how a gentleman guides a woman. Not snake your arm around her waist. That's not a gentleman thing to do."
Calyx grunted. "Una sa lahat, hindi ako gentleman. Pangalawa, hindi na nakakagulat ngayong kung makakita ka ng nagyayakapan sa kalye kasi normal na 'yon. Pangatlo, bakit naman ilalapat ko lang sa likod mo ang kamay ko kung puwede naman kitang yakapin?"
Sasasabog na siya sa inis dahil sa lalaking 'to!
Naiinis na inalis niya ang kamay ni Calyx sa beywang niya. "Sa susunod na linggo na natin ipagpatuloy 'to."
Agad na nagsalubong ang kilay ni Calyx. "Next week? Bakit next week pa? How about tomorrow?"
"Hindi pwede bukas." Kailangan niyang samahan si Seth bukas.
"The day after tomorrow then?"
"Busy ako."
"Anong gagawin mo?" His face darkened. "May ka-date ka?"
"You could say that."
"Sino ang ka date mo?" Magkasalubong ang kilay nito at mukhang iritado. "Tell me his name."
Napapantastikuhan niyang tinitigan si Calyx. "Ano naman ang kinalaman mo do'n? I just met you Calyx. Hindi kita ka ano-ano kaya please lang, huwag kang magtanong o makialam."
Nakita niyang natigilan ito kapagkuwan ay nawala ang emosyon sa mukha nito. "Makakaalis ka na, Ms. Vallega," sabi nito saka tinalikuran siya.
Ipinilig niya ang ulo at kinuha ang bag na nasa ibabaw ng center table at lumabas sa penthouse ni Calyx.
PABAGSAK na umupo si Calyx sa mahabang sofa sa sala niya at napatitig sa pintong nilabasan ni Etheyl. He really couldn't understand her. She enjoyed being in his arms, nararamdaman niya iyon, pero kapag nakakasilip ito ng pagkakataon, kaagad siya nitong itutulak palayo.
Ano ba ang problema ng babaeng 'yon?
And really? She was going on a date? Fuck! Ano naman ang pakialam ko?
Sa halip na isipin si Etheyl, tinawagan niya ang sekretarya niya.
"Hello, Zha? Kumusta ka na?" Nakangiting tanong niya ng sagutin nito ang tawag niya.
Zha grunted. "I'm busy, boss."
Calyx chuckled. "That busy, huh?"
"Yes!" Biglang asik nito. "Hindi naman ako magiging busy kong pumapasok ka rito sa opisina. Boss naman, e, kung puwede ko lang akuin ang lahat ng trabaho mo, gagawin ko, pero boss naman, secretary ako at hindi CEO."
Napangiti nalang siya. Sanay na siyang palaging pinagsasabihan ng sekretarya niya. Zha or Eliza Velasquez had been working for him since he took over CureMed Pharmaceutics. His grandfather started it all. At dahil masipag ang lolo niya at talagang maabilidad, napalago nito ang maliit ang CureMed hanggang sa maging isa ang CureMed sa mga pinagkakatiwalaang drug store sa Asya.
The responsibility was given to his father and was passed down to him. Sabi pa ng ama niya noon, siya ang sisira sa CureMed company. Tinatawanan niya lang iyon. Oo nga at hindi siya araw-araw pumapasok pero hindi naman niya pinapabayaan ang responsabilidad niya sa kompanya. Hindi niya hahayaang mapunta lang sa wala ang pinaghirapan ng pamilya niya.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 5: Calyx Vargaz
General FictionCalyx Vargaz was a self-proclaim playboy, self-centered and charismatic. He was downright handsome with his beguiling pitch-black eyes and set of dimples. According to a bachelor magazine, he was worth billions and that made women swoon over him... ...