CHAPTER 16

1.7M 36.7K 13.3K
                                    

CHAPTER 16

CALYX woke up with a massive boner. They called it morning erection. At mas lalo pang nanigas ang pagkalalaki niya ng makita kung sino ang katabi niyang matulog at nakayakap sa kaniya. Etheyl. God! Why was temptation so hard to resist?

Pinalibot niya ang mga bisig sa beywang ng katabi saka hinalikan ang tungki ng ilong nito, patungo sa pisngi hanggang sa bumaba iyon sa mga labi nito.

Etheyl softly groaned in her sleep.

Iginiya niya patihaya si Etheyl saka maingat itong kinubabawan. Akmang itaas niya ang pang-itaas nito ng bigla itong tumagilig ng higa.

Nailing na nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga.

Fuck!

Dumukwang siya para halikan si Etheyl sa may tainga pababa sa leeg nito ng bigla siya nitong sikuhin.

"Ano ba!" Her voice was full of annoyance. "Inaantok pa ako!"

Napabuntong-hinga nalang siya ulit sala inabot niya ang cellphone na inilagay niya kagabi sa gilid ng kama at tiningnan kung anong oras na. Nang makitang alas-sais na, dahan-dahan siyang umalis sa kama para hindi magising si Etheyl dahil inaantok pa ito at walang ingay na lumabas ng silid nito at nagtungo sa kusina.

Pagkatapos niyang mag-templa ng kape, ipinalibot niya ang tingin sa kabuonan ng kusina ni Etheyl at pinakialaman ang laman ng refrigerator at cupboard nito. Nang makita na kompleto naman ng kagamitan sa kusina at ingredients, sinimulan na niyang mag-bake ng cookies. My favorite.

Calyx was halfway done when Seth entered the kitchen. Kinukusot pa nito ang mga mata habang naglalakad. Napangiti siya sa itsura niya. He looked so cute while rubbing his eyes.

"Daddy?" Naghikab ito. "Narinig ko pong maingay sa kitchen kaya pumunta ako rito. Nagluluto po kayo ng breakfast?"

Nilapitan niya ito at binuhat pagkatapos ay pina-upo sa ibabaw ng lamesa.

"Good morning, kiddo." Ginulo niya ang buhok nito na dati nang magulo. "Kumusta ang tulog mo?"

Tumigil ito sa pagkusot sa mata at tumingin sa kanya. "Okay lang po, daddy. I had a dream. May monster daw pero hindi ako natakot kasi naroon ang daddy ko para i-save ako."

Napangiti siya sa sinabi ng bata at parang may humaplos sa puso niya. This kid and his cuteness!

"Talaga? Strong ba si daddy sa panaginip mo?" Pakikisakay niya rito.

"Opo." Ngumiti ito. "Super strong like a superhero."

Natawa siya sa sinabi nito. "Wow. Ang galing naman pala ni daddy sa panaginip mo."

Tumango-tango ito habang may malapad na ngiti sa mga labi.

Habang nakatingin sa mukha ng bata, naalala niya ang larawan niya sa center fold ng Bachelor's Magazine na nakita niyang nakatago sa ilalim ng unan nito.

Kinuha niya ang cell phone mula sa bulsa ng pantalon na suot at inakbayan si Seth.

"Picture tayo, kiddo."

"Talaga po, daddy?" Seth's face lit up like someone just gave him a thousand pieces of candy. "Sige po," wika nito at yumakap sa kanya.

Tumawa siya at ini-stretch niya ang braso pagkatapos ay ihinarap niya sa kanilang dalawa ang camera ng cel phone niya. And then he pressed the capture button.

Calyx took three shots. Pagkatapos ay parang batang excited na tiningnan nila ni Seth ang larawan nila.

Sabay silang natawa ni Seth ng makitang pareho magulo ang buhok nilang dalawa. Tapos halatang bagong gising ang mga mata nila.

POSSESSIVE 5: Calyx VargazTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon