CHAPTER 17
PAGOD na sumalampak ng upo si Calyx sa sahig ng sala ng bahay ng kaibigang si Lander. Natapos pa lang nilang ayusin ang buong bahay ni Lander, kasama na roon ang linisin ang madumi nitong bahay. At ang baliw na si Shun Kim, talagang ibinigay sa kanya ang buong first floor ng bahay ni Lander para linisin dahil ito naman daw ang naglilinis ng mga banyo at labas ng bahay. Si Cali naman ang nakatuka sa paglilinis ng second floor.
Inilabas niya ang cellphone mula sa bulsa ng pantalon na suot at tinawagan si Eliza, ang sekretarya niya.
"Hey, boss," ani Zha sa kabilang linya.
"Hey," aniya at inunat ang likod na medyo nanakit. "Can you ready my private plane for my flight to Hong Kong tomorrow?"
Alam niyang nagulat si Zha sa narinig kasi hindi ito kaagad nakatugon.
"Ahm, boss, may nakain ka bang nakakapagpa-iba ng ugali? Since when did you use your private plane? Diba display mo lang 'yon? Parang palamuti lang ang peg nun diba?" Puno ng sarkasmo ang boses nito.
Calyx rolled his eyes. "I'm gonna use my plane, Zha. Period. Pakitawagan mo na rin ang company pilot natin. Bukas na hapon ang alis ko. Don't worry, babalik din naman ako as soon as I can."
"Himala yata boss na okay lang sa'yo na gumastos para sa fuel ng eroplano niyo. You always ride in a public plane kasi kuripot ka," natatawang sabi ni Zha.
Kahit man siya ay nagugulat na wala siyang pakialam kong gumastos man siya ng malaki, basta matupad lang niya ang pangako kay Seth. "Just do what I said, Zha. And can you call tito Steve for me, pakisabi sa kaniya na may pagagawan ako ng passport. That would be easy since nasa DFA naman siya."
"Sure," kaagad na tugon ni Eliza. "I need the name, address, birthday, and age."
Kaaagad niyang sinabi kay Zha ang mga impormasyong kailangan nito. Buti nalang nagtanong siya kanina kay Seth kaya alam niya ang mga 'yon. "Okay na ba 'yon?"
"Yeah. Tatawag nalang ako mamaya kung may kailangan pa si Tito Steve," ani Zha. "Bye, boss."
Pinatay niya ang tawag at ibinalik sa bulsa niya ang cellphone.
"Kakapagod," ani Cali na bumababa sa hagdan habang ninamasahe nito ang sariling balikat gamit ang isang kamay. "I can pay thousands of people to cleans this fucking house, pero bakit ako ang naglilinis ng bahay nato?" Naiiritang tanong ni Cali sa kawalan.
Calyx just chuckled at Cali.
"Answer me, my friend," ani Cali na pasalampak ding umupo sa sahig, kaharap niya. "Hindi pa ako nag-aagahan at nanananghalian. Tapos ngayon, maghahapunan na, wala pang laman ang tiyan ko! Teka nga muna, sino ba ang nag-suggest na ayusin natin itong bahay ni Lander?"
Sino nga ba?
"Me," ani Shun na kapapasok palang sa loob ng bahay. "We are cleaning this house and not paying someone to do it for us because it's our way of saying we got your back, Lander. May problema ba do'n?"
"Oo. May problema ako," singhal ni Cali kay Shun. "Alam mo ba kung gaano nakakapagod linisin ang buong second floor?!" Inisa-isa ni Cali ang ginawa nito na lihim niyang ikinatawa. "I vacuumed the floor, changed the bed sheet, and I even changed the curtains. Oh, and not to mention the broken window glass. Did you even pay me when I changed the window—"
"Reigo did," sansala niya sa iba pang reklamo ni Cali. "Si Reigo ang nag sponsored sa ipinalit na window glass."
Reigo Vasquez was one of their inactive friends whom they met in Stanford while studying. Pero kahit minsan lang ito magpakita, suportado pa rin nito ang mga kalokohan nila. Naiintindihan naman nila kung bakit palagi itong MIA. Ito ang namamahala sa Vasquez International Construction Company at halos lahat ng tinatayong gusali sa Pilipinas, Dubai, Hongkong at Singapore ay ang kompanya nito ang may hawak.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 5: Calyx Vargaz
Narrativa generaleCalyx Vargaz was a self-proclaim playboy, self-centered and charismatic. He was downright handsome with his beguiling pitch-black eyes and set of dimples. According to a bachelor magazine, he was worth billions and that made women swoon over him... ...