CHAPTER 5

2.1M 38K 9.5K
                                    

CHAPTER 5

"ETHEYL, ipapaalala ko lang sayo, ngayon ang next appointment mo kay Mr. Ventura," paalala sa kaniya ni Beth ng makapasok siya sa maliit niyang opisina sa loob ng studio niya. "Sayang din ang pera, e."

Tinuyo niya ang pawis gamit ang face towel na dala saka humarap kay Beth. "Kailangan ko ba talagang pumunta?"

Pwede bang hindi? Sa isang linggong nakalipas, hindi niya alam kung bakit palaging laman ng isip niya si Calyx. Hindi ito nawala sa isip niya. Kung tutuosin, hindi siya kailangang paalalahanan ni Beth. Alam na alam niyang ngayong ang sunod na session nilang dalawa ni Calyx.

She had been counting the days for Pete's sake!

"Kailangan mong pumunta," ani Beth saka pinakita ang mga bills para sa studio nila. "Heto ang dahilan kung bakit."

Napabuntong-hinga nalang siya. "Fine, fine. I'm going."

Nagpalit siya ng damit sa maliit na banyo ng Studio, nang matapos magdamit, kaagad siyang umalis sa Studio para magpunta sa bahay ni Calyx.

Hindi man niya aminin sa sarili, excited siyang makita ito.

Nang makarating sa penthouse ni Calyx, panay ang pindot niya ng doorbell pero walang nagbubukas.

Kunot ang nuong sinubukan niyang buksan ang doorknob, naka-lock 'yon. Napabuntong-hininga siya at napailing-iling saka tinawagan si Beth.

"Oh, bes, bakit ka napatawag?" Tanong ni Beth ng sagutin ang tawag niya.

"Pakitawagan nga si Mr. Var—Ventura," aniya. "Pakitanong kung nasa bahay ba siya niya. Kanina pa ako doorbell ng doorbell, wala namang nagbubukas."

"How about ibigay ko nalang sayo ang number at ikaw ang tumawag?" Suhestiyon niyo.

"Sige," aniya saka pinatay ang tawag at hinintay ang text ni Beth.

Nang matanggap niya ang mensahe ni Beth na ang laman ay numero ni Calyx, kaagad niyang si-nave 'yon at tinawagan ang binata.

Lumipas ang apat na ring bago sumagot ang nasa kabilang linya.

"Calyx Vargaz speaking, who's this?"

Her heart instantly hammered inside her chest. That baritone voice... Oh, God.

Marahas niyang pinilig ang ulo saka hinamig ang sarili bago sumagot sa pormal na boses. "This is Etheyl."

Napangiwi siya ng makarinig ng malakas na kalabog sa kabilang linya. "Ano 'yon?" Tanong niya pero walang sumagot sa kaniya.

Akmang papatayin niya ang tawag ng marinig niya ang malakas na pagmumura ni Calyx sa kabilang linya saka nagsalita ito. "Etheyl, nandiyan ka pa?"

"Oo, nandito pa ako." Ano ba ang nangyayari rito? "Ano 'yong malakas na tunog na narinig ko. Are you busy? Wrong timing ba ako?"

"No, no, no." Mabilis nitong sagot. "I dropped my phone."

Napakurap-kurap siya. "You dropped your phone?"

"Oo," sagot nito. "Nagulat kasi ako na tumawag ka."

Nabitawan nito ang cellphone ng dahil sa tumawag siya? Hindi niya mapigilan ang mapangiti saka mapailing-iling. "'Yon pala ang epekto ko sayo," biro niya rito.

Sa halip sa pansinin ang biro niya, tumikgim ito saka nagtanong. "Bakit ka napatawag?"

Sumadal siya sa nakasarang pinto ng penthouse nito. "Kasi narito ako sa labas ng penthouse mo. Kanina pa ako doorbell ng doorbell pero walang nagbubukas kaya naman kinuha ko ang numero mo sa sekretarya ko at tinawagan ka," paliwanag niya.

POSSESSIVE 5: Calyx VargazTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon