CHAPTER 10
IT HAD BEEN four days since Calyx saw Seth. Hindi na nagparamdam kay Etheyl si Calyx. Hindi na ito pumunta sa apartment niya tulad ng inaasahan niya. Palagi naman ganoon ang nangyayari. Hindi na iyon nakakagulat pa.
Naputol ang pag-iisip niya ng may yumakap sa binti niya. Nang tingnan niya kung sino ang yumakap sa kanya, napangiti siya ng makita si Seth na nakayakap sa binti niya at naglalambing.
"Mommy? Babalik pa ba si Tito Cole?" Tanong nito.
"Hindi na, anak." Umiling siya at binuhat ito at pinaupo sa hita niya. "You see, masama ang ugali ng tito Cole mo. Ayaw ni mommy na pumunta pa siya rito sa bahay natin."
Nakita niya na lumungkot ang mukha ni Seth pero wala itong sinabi. Tama lang naman ang ginawa niya. Nang maabutan ni Calyx si Cole sa apartment niya, nandoon si Cole para kausapin siya. Gusto nitong bumalik sa buhay nila ng anak niya at aakto itong ama kay Seth basta ibibigay niya ang gusto nito and that includes sex.
No way!
Hindi naman siya desperada para pumayag sa gusto nito. Kaya niyang mabuhay ng walang lalaki sa buhay niya at kayang mabuhay ni Seth na walang ama. Narito naman siya para mahalin ito at higit pa sa pagmamahal na kayang ibigay ng ama nito.
"Mommy, nasaan po ang tunay kong daddy?" Kapagkuwan ay tanong ni Seth sa kanya.
Gusto niyang maiyak sa tanong ng anak. Seth had been asking her that question ever since Seth enrolled in pre-school. Palagi nitong hinahanap ang tunay nitong ama. Walang araw na hindi ito nagtanong sa kanya. Siguro naiinggit ito sa mga ka-klase nito na ang ama ang sumusundo pagkatapos ng eskwela. Wala siyang maisagot kasi hindi naman niya alam, e. Nahihiya siya sa anak niya kasi hindi niya kilala ang ama nito.
"Seth, diba sinabi ko sayo, wala si daddy kasi busy siya?" Pagsisinungaling niya.
Etheyl hated lying to Seth. Pero hindi ito makakaintindi sa murang edad kaya naman nagsisinungaling siya sa anak niya. It pained her heart but what choice did she have?
"Ayaw niya satin?" Nagtatampong tanong ni Seth.
"Hindi naman sa ganoon. It's complicated." Mahigpit niyang niyakap ang anak. "Someday, kapag malaki ka na, maiintindihan mo rin ang lahat."
"Big na po ako pero hindi ko pa rin maiintindihan?" Nakasimangot na wika ni Seth.
"Baby ka pa." Pinanggigilan niya ang tungki ng ilong nito.
Seth giggled and then hugged her. Napuno ng kasiyahan ang puso niya dahil sa pagyakap ng anak niya sa kaniya. Kahit nasaktan siya dahil hindi na nagpakita pa sa kanya si Calyx, narito naman ang anak niya na nagpapasaya sa kanya.
"Mommy, may trabaho ka po ngayon?" Tanong ng anak niya sa kanya habang nakalambitin pa rin sa leeg niya.
"Yes, baby. Pero mamayang hapon pa naman, e." Hinalikan niya si Seth sa nuo.
Seth gave her a puppy dog face. "Puwede akong sumama, mommy? Wala naman po akong pasok kasi sabi ni teacher ay absent siya ngayon."
Nginitian niya ito at matunog na hinalikan sa pisngi. "Seth, diba usapan natin, iiwan kita kay tita Edna kapag nagwo-work si mommy? Hindi ka puwedeng sumama sa akin kasi busy si mommy do'n."
Alam niyang maglalambing pa ito sa kanya para isama niya ng may kumatok sa pinto ng apartment niya. "Baba ka muna, anak. Bubuksan ko lang ang pinto."
"Okay po." Bumaba si Seth mula sa pagkakaupo sa hita niya at hinarap ulit nito ang mga laruan nito na nagkalat sa sahig.
Tumayo siya at naglakad patungo sa pinto at binuksan 'yon. Natulos siya sa kinatatayuan at halos lumuwa ang mata niya ng makita kung sino ang nasa labas ng pinto.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 5: Calyx Vargaz
General FictionCalyx Vargaz was a self-proclaim playboy, self-centered and charismatic. He was downright handsome with his beguiling pitch-black eyes and set of dimples. According to a bachelor magazine, he was worth billions and that made women swoon over him... ...