CHAPTER 19
PAGBUKAS na pagbukas ng Hong Kong Disneyland, isa sila Calyx, Etheyl at Seth sa mga naunang pumasok. Si Seth na yata ang pinakamasayang bata sa buong mundo ng mapanuod nito ang Flights of Fantasy Parade kung saan naroon sina Mickey, Minnie, Donald Duck and goofy. Dinala ni Calyx ang DLSR Camera nito kaya walang tigil sa pagkuha ng picture ang binata. Syempre, may larawan si Seth na kasama ang mga paborito nitong cartoon characters na napapanuod lang nito sa Disney Junior.
Kapag nakikita ni Etheyl ang masayang mukha ni Seth, siya na rin ang pinakamasayang ina sa buong mundo. At that this was all because Calyx who made her son the happiest child ever. She thanked him for that.
"Grabe, daddy! Ang saya-saya ko!" Halos sumisigaw na ang anak niya sa sobrang kasiyahan.
"Good." Ginulo ni Calyx ang buhok ni Seth. "'Yon ang pinunta natin dito. Ang mag-enjoy ka."
Hindi nawala ang ngiti sa mga labi ni Seth. Hanggang sa pumasok sila sa Mystic Point, sumakay sila sa Grizzly Gulch, nagtungo sila sa Toy Story Land at ang hinuli nilang puntahan ay ang Jungle River Cruise.
Pagkatapos nilang bumisita sa Disneyland, nang sumunod na araw ay dinala naman sila ni Calyx sa Ocean Park. They had visited the Marine World and the Chinese Sturgeon Aquarium. And they watched the Sea Jelly Spectacular and of course they visited Garden of Joy, too. They went to see the Polar Adventure featuring the North Pole encounter, kung saan nakakita sila ng pacific walruses, sea lions saka snow owls. And the south pole spectacular kung saan naroon ang mga penguins na sobrang na cute-tan ng anak niya.
Pumunta rin sila sa Grand Aquarium kung saan marami silang nakitang iba't-ibang uri ng isda. At halos mabali ang leeg nila ni Seth sa kakatingin sa mga naggagandahang uri ng isda na nasa loob ng aquarium. Ang huli nilang pinuntahan ay ang Waterfront Plaza. Iyon ang pinakamasayang araw sa tanang buhay ni Etheyl. Calyx promised to tour them around Hong Kong, but their vacation was cut off short when Calyx's secretary called.
Isa sa mga branch ng CureMed Drugstore ay nasunog. Iniimbistagahan pa ng mga pulis ang pagkasunog at kailangan daw ng mga itong makausap ang may-ari dahil sa drug store mismo nagsimula ang sunog at apat na bahay ang natupok ng apoy. At ang mga pamilya na may-ari ng mga nasunog na bahay ay sinisisi ang CureMed Pharmaceutics.
Nang matanggap ni Calyx ang balitang iyon, kaagad silang umuwi sa Pilipinas.
"Magiging okay din ang lahat," sabi niya pagkatapos silang ihatid ni Calyx sa apartment niya.
Tumango ito para halatang hindi ito okay. "I know. Nakokonsensiya lang ako dahil may nadamay sa sunog."
Niyakap niya ang binata at hinalikan ito sa mga pisngi. "Tawagan mo ako kapag kailangan mo ako."
Tumango ito at nagpaalam kay Seth bago umalis ng apartment niya.
"Mommy ang saya po ng pinuntahan natin," narinig niyang sabi ni Seth habang nakaupo ito sa mahabang sofa. "Sana makabalik pa tayo roon."
Ngumiti si Etheyl. "Sana nga, anak."
Tumabi siya ng upo kay Seth at niyakap ang anak niya.
"Mommy, kailan babalik si daddy?"
Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Hindi ko alam, baby. Magiging abala si daddy nitong mga araw na darating. May inaasikaso kasi siya at hindi natin puwedeng abalahin."
Tumango-tango ito at ihinilig ang ulo sa hita niya. "Sana mommy dito na satin tumira si daddy."
Nanikip ang dibdib niya sa hiling ng anak. "Sana nga, no? Pero hindi naman natin desisyon 'yon, desisyon 'yon ng daddy mo."
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 5: Calyx Vargaz
General FictionCalyx Vargaz was a self-proclaim playboy, self-centered and charismatic. He was downright handsome with his beguiling pitch-black eyes and set of dimples. According to a bachelor magazine, he was worth billions and that made women swoon over him... ...