Chapter 36

1.2K 15 5
                                    

"We will get this design, the beige one. Gusto namin na terno na din ito sa suot ko at ng anak namin." He was smiling.

"Sure, Mr. De la Reevas. Makakaasa po kayo. May ipapadala nalang po akong kukuha ng measurements ng anak niyo po." She said to us.

Mabilis na din kaming natapos ni Lewis doon. Mag-aalas sais na ng dumating kami ng bahay. Pagod ako na para bang ang haba ng araw namin. Nang dumating kami sa bahay ay nakita namin si Tyrant na umiiyak at kinakandong nila Manang.

"Kanina pa po siya umiiyak at ayaw tumahan, hinahanap ka gang, akala niya umalis ka at iniwan na siya dito," Manang Glenda informed us about Tyrant's tantrums.

"Pasensya na po manang, ganyan talaga siya kapag hindi ako nakikita agad." Tumahan naman si Tyrant sabay punas sa luhang dumadausdos sa mukha niya.

"Mama, don't leave Tyrant mama. No, no, no, no, ok-ay?" Binubuhat ko na siya ngayon. Sinabayan niya pa ng no gestures gamit ang kanyang kamay habang sinasabi ang huling mga salita.

Lewis was beside me, staring at Tyrant. May namumuong luha sa kanyang nga mata. Minsan talaga ang hirap niyang basahin. He is a very moody. Was he moody back then? I mean, when he and Samantha were together? Hanggang ngayon kasi ay nag-aalinlangan parin ako kung ako nga ba ang Samantha na tinutukoy niya.

"Ayos ka lang, Lewis?" Tanong ko sa kanya na nagpatango sa kanya.

"Ahuh, I'm alright. Hey, young boy. Wanna play airplanes?" Sambit niya kay Tyrant at mabilis naman nagpabuhat si Tyrant sa kanya.

"You play planes with me? Papa?" Nagulat ako, pati na rin si Lewis sa sinabi niya.

I know Tyrant is a smart and bubbly little kid but I did not expect him to say those words. I did not expect him to call Lewis papa.

"Yeah, I can play anything with you, young boy. Anything," maluha luha si Lewis habang tinititigang mabuti ang anak.

He was patting Tyrant's head softly.

"Down, put me down, papa wanna play planes," mabilis naman siyang ibinaba ni Lewis at nagtungo sa playroom nito.

Nagulat din ako na mayroong play room dito. Para bang matagal na ito dito. As if they were expecting a child to be here.

Ginabi sila sa paglalaro at alam kong pagod na pagod silang dalawa.

"Mama wants to sleep with Tyrant tonight, is it fine with you?" Tanong ni Lewis sa akin.

Nasa kwarto kaming dalawa. Nakaidlip kasi ako kanina dito habang naghihintay na matapos silang maglaro. Kumain na din kami kani-kanina lang.

"O-kay lang naman sa akin." Nauutal kong sagot sa kanya.

Umupo siya sa kama at agad iginiya akong umupo sa hita niya. Namula ako.

"Lewis," ramdam na ramdam ko ang pula ng pisngi ko sa kahihiyan.

He then enveloped the small of my waist and rested his head on my neck.

"This is home. I've been lost for years but I am home." Malakas ang kalabog ng dibdib ko.

Sa sobrang lapit naming dalawa na kahit paghinga at kalabog ng dibdib niya ay dinig na dinig ko rin.

Naestatwa ako ng naramdamang humihikbi siya.

"Seroona," tiningnan ko siya at pulang pula ang kaniyang nga mata at umaagos ang luha.

"I wasn't able to say sorry and to aplogize to you. I'm very sorry, my love." Humigpit ang yakap niya sa bewang ko at idiniin ang ulo sa aking leeg.

Uminit ang puso ko sa sinseridad niya. Ni wala na akong pake kung mabasa niya ang leeg ko ng luha niya. Dahil kahit ako, ay napapaiyak na rin.

Wala man akong maalala, pero ramdam na ramdam kong para sa akin talaga ang sinseridad niya.

"Seroona, fuck, sorry ain't enough, my love ain't enough to what I've done to you in the past. I am an asshole," basag ang boses niya pero taos puso parin siyang nagpapahayag.

Lewis

Nakakunot ang noo ni Zion ngayon habang tanaw ang kanyang cellphone.

"May problema ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Wala, si dad nangengealam na naman sa mga gastos ko." Tinawanan ko siya.

"Sira, natural tatay mo yan. Siya nagpapaaral sayo."

"Di to pwede, he was planning to hold my account para sa ano? Para sa isang blind date? Punyeta naman oh." Napailing nalang ako sa kanya.

"Bibig mo pasmado." Malalim na buntong hininga lamang ang ibinigay niya sa akin.

It's common for families who are into business. I'm lucky enough na hindi pa yan naiisipan ng ama ko. The heck, I'll say no right away.

Well, wala din namang pake ang ama ko sa akin. He seldom sees me at home. Palaging nasa business trip. My mom? I don't have one. Or maybe, I have. Pero bata palang ako nang iniwan kaming dalawa ng ama ko para sa ibang lalaki. That's why I hate cheaters. Cheating is  a choice and it's her choice to leave  us. My father is rough but she could've keep up and understand him but she chose to left and go with another man. I don't remember any memories with her. Even her face, I couldn't recognize her.

I stopped wishing my luck in finding her. Buo na rin ang desisyon ng ama ko na kalimutan na siya at baka raw siya pa ang makasira sa inaalagaan na pangalan ng pamilyang De la Reevas.

My family name revolves only in two. Business and economic status. I know it's all bullshit to focus on the economic stratum but that's how my ancestors call it.

I'm financially supported by my father but he's more likely lesser the permissive father but not more than the uninvolved one. Not the authoritative nor authoritarian, too. Nasanay ako na walang pinagsasabihan na kahit sino sa mga problema ko.

He was only there to tell me that he will wire money in my bank account and I can do whatever I want. Tutal may sariling pag-iisip naman ako.

"Mauna na ako, tangina olats na naman ako sa reports ngayon." Paalam ni Zion na agad ko lamang tinanguan.

I took Business Administration at malapit na akong magtapos. It's my last semester at magaan-gaan nalang din ang units ko. I had my practicum last semester sa kompanya nila Zion. My professor told me back then that I should've practice in our company but I immediately decline the idea.

I think it's unfair. Ayokong maraming agam-agam din patungkol sa akin. I know, I am the scion to be traded in the business world in the future. Zion has helped me in applying in their company. I started from scratch. Nagpasa ng resume, got declined twice and sent another resume for the third time and then undergone an interview followed by demonstration.

Last semester, nag-lie low ako sa pagsulyap-sulyap kay Seroona. I know she's doing great. May nakakausap na rin siya. Sa huling beses ko siyang nasulyapan, nakita ko siyang kasama si Tamarrah. I've known Tamarrah because she's a daughter from a family friend. So a sight of them together brought wonders in my heart. We have common friends so mas malaki ang posibilidad na magkakasalamuha kami normally. To converse normally and introduced each other normally.

My last interaction with her ay noong nasa library kaming dalawa. I was flipping the pages for her because she's struggling. It went on for almost 2 hours. Di ko nga alam if may natutunan ba ako sa binabasa ko rin.

Ang mahalaga, I flipped the pages for my inspiration.

My admiration for her is like a whirlwind. Just like her name, everytime I see her, I am always blown by her simplicity. She's demure and her existence somewhat change my views in life.

She rather stays in a not secluded area and study than interact with a lot of people. She also smiles sweetly whenever her few friends tells jokes.

Does she know that a Lewis Zyberge De la Reevas is badly smitten and bewitched by her beauty?

Oh, my bad. Baka di niya ako type. Napailing nalang ako.

A Wife's Torment [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon