"I thought you left." He released a sigh of relief.
"Ba-kit naman ako aalis?" Tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan si Tyrant na papalayo at papuntang pool.
"Ayokong maiwan ulit Samantha. Ayoko." Sumiksik siya sa leeg ko at sinisinghap-singhap iyon.
Ngayon alam ko na kung saan nagmana si Tyrant. Kung ako talaga si Samantha.
Bakit nga ba umalis si Samantha? Ano ang rason niya? Kung titignan ko, Lewis seem to be a good husband and a good father. If I was her, I won't leave.
Di kaya gusto ko ding maging si Samantha? Naman eh!
Nilunok ko nalang ang pinag-iisip ko.
"Hmm, baby we'll buy dress for you. And a tux, too for our Tyrant."
"Ke-langan ba talaga yun?" Tanong ko sa kanya.
"Yeah, we are attending a formal convention party." Nilingon ko siya.
Ngumiti lamang siya at litaw na litaw ang kanyang dominanteng mata.
Nginitian ko siya pabalik.
"Nanay sabi ni Mamay gwapo daw Tyrant. Totoo nanay? Mana ako aso eh sabi ni Botoy sakin dati." Mabilis na tumawa ang lahat na nasa sala.
Nagtitipon at nagkwekwentuhan ang lahat.
"Apo ang ganda na ng simula mo tapos napunta sa aso?" Nagpout lamang si Tyrant at nagkusot ng mata.
Inilapit ako ni Lewis sa kanya. Nakalingkis na naman sa bewang ko ang kanyang mga kamay. Kung hindi nakasinghap sa leeg ko ay hinahalikan naman niya ito. Panay din ang lagay niya ng mga nakakawalang buhok sa likod ng tenga ko.
Sa bawat galaw niya ay parang bumubunyi ang puso ko. Delikado ito.
When I suddenly remembered James. Oh James!
"Lewis." Tawag ko sa kanya dahil busy na busy sa leeg ko.
"Hmm?"
"Kelangan naming bumalik ni Tyrant sa amin." Napatigil siya sa sinabi ko.
Mabilis niya akong hinarap. Mabuti na lamang ay busy ang lahat sa kakulitan ng anak ko.
"What?" Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.
"Sabi ko kelangan naming bumalik sa amin."
"And why?" Halong galit at pagsusumamo ang emosyon ng mga mata niya.
"Marami akong dapat gawin dun at saka mabibigla ang lahat dun kung bigla nalang kaming nawala ng walang paalam sa kanila." nagtiim-bagang siya.
"Lewis, please." Pakiusap ko sa kanya.
Pumikit siya ng mariin kahit nakatiim parin ang bagang.
"Alright. But I'll go with you." Napangiti ako sa pagpayag niya.
Lewis
Sabado ngayon. Walang pasok. Inaaya ako ng mga blockmates ko na gumala at magclub. Ayoko.
May iba akong gagawin. Basta sabado ay palaging enlist ang shedule ko. Inilalaan ko ito sa pagsunod kay Seroona. Fuck, alright—I'm a fucking crazy stalker.
![](https://img.wattpad.com/cover/90212384-288-k450039.jpg)
BINABASA MO ANG
A Wife's Torment [On-Going]
RomantizmSamantha Seroona Gambreza was once contented to stare Lewis Zyberge De la Reevas from a far during their college days. Not until a shaking news shaken her admiration from a far. She gave up everything just to end up and to be with Lewis Zyberge. Pus...