"Oh my God!" Nagulat siya ng makita ako.
Mabilis akong dumalo sa kanya. Sira na ang sofa. Ganoon na pala ito kaluma na masisira nalang? Ganoon ba siya kabigat?
"Ayos ka lang? May masakit ba sayo?" Lumebel ako sa kanya at dumukwo.
"Ah ye-s sorry I broke your sofa," diretso ang tingin niya sa akin.
"Baliw ka ba! Ang lakas ng kalabog kanina tapos sasabihan mo akong okay ka lang?!" Nagulat siya sa pagsabog ko.
Pero mabilis namang nawala ang gulat sa kanyang mga mata at napalitan ng pilyong ngiti.
"Tumayo ka nga diyan! Sinira mo pa ang sofa namin alam mo bang importante yan sa amin dahil may sentimental value yan! Andiyan na iyan bago pa ako nanganak!" Nagulat siya sa sinabi ko.
Mabilis ko siyang pinatayo. Inalalayan ko pa dahil parang masakit ang pwet niya.
Hilutin ko kaya para mawala ang sakit?
Ay mali! Erase!
"Ang cute mo," tinititigan niya lang ako na may ngiti sa mga labi.
Uminit ang pisnge ko.
"Tumigil ka nga. Ma-tulog na tayo. Bukas mo nalang problemahin ang sofa namin. The damage has been done kaya nararapat lang na pagbayaran mo iyan," nagulat at sumikdo ang puso ko ng hinalikan niya ang noo ko.
"Oo matutulog na tayo," hinawakan niya pa ang kamay ko at akmang lalakad papasok sa kwarto.
"Hep! Aba hey! No," ngumuso siya.
"Don't tell me you'll let me sleep on the floor? It's cold and it's not good for my health. I assume your bed is warm an—" pinutol ko ang sasabihin niya.
"May bata sa kama tumigil ka ng—" pinutol niya na naman ulit ang sasabihin ko na parang may magandang balita.
"So you want to sleep beside me if Tyrant is not there? Hmm," lumapit siya sa tenga ko at inamoy-amoy ang leeg ko.
Nanginginig ang tuhod ko.
"Di yun! An-g ibig kong sabihi-n!" Mabilis ko siyang tinulak.
"Maliit lang ang kama namin at sa laki mong yan maiipit si Tyrant," ngumiti lang siya.
"Tatagilid ako para maayos ang tulog niyo," nasapol ko ang noo ko sa katigasan ng ulo niya.
Sa huli, wala akong nagawa. Nagsiksikan nga kami sa kama. Ang sama ko naman kung hahayaan ko siyang matulog sa sahig. Nakakaawa.
Gaya ng sinabi niya ay nakatagilid nga siya ng higa.
"Di ka b-a mangangalay sa posisyon mo?" Tanong ko.
"Hindi. Kahit anong posisyon kaya ko," namula ako sa sinabi niya at tiningnan na lang si Tyrant na mahimbing na natutulog.
"Kamukha mo siya," di ko napigilang di mabanggit yun.
Napatigil siya at tinitigan din si Tyrant.
"Yeah. He's my son."
"He's not. Wala siyang ama. At kung meron man ay di siya makakalapit sa amin," tumingin ako sa kanya.
At may nakita akong galit sa mga mata niya.
"Why?"
"Dahil kung mahal niya kami ay sana noon pa man ay hinanap niya na kami. Na sana noong nag-aagaw buhay kaming dalawa ay nandiyan siya sa tabi namin," may lumandas na mga luha sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
A Wife's Torment [On-Going]
RomanceSamantha Seroona Gambreza was once contented to stare Lewis Zyberge De la Reevas from a far during their college days. Not until a shaking news shaken her admiration from a far. She gave up everything just to end up and to be with Lewis Zyberge. Pus...