Matapos akong nakapag-ayos ng sarili ay lumabas na ako ng kwarto. Nasa sala si Lewis at hinihintay ako. Papunta kami sa clinic na sinasabi niya para makabili na ako ng panibagong eyeglasses. Sira na kasi yung dati kong salamin. Suot-suot ko ang isang lumang bistida na kulay abo at pinaresan ko na rin ng flat sandals. Clinic lang din naman ang pupuntahan at saka wala na din naman kasi akong mas desinte pa na damit panglakad kung hindi ito lang.
Nang natanaw na ako ni Lewis na pababa ng hagdan ay mabilis niyang inoff ang T.V at agad akong iginiya sa labas.
"Le-wis, pw-ede naman kasing di nalang ako bumili," sabi ko sa kanya pero binalingan lang niya ako na para bang siya ang masusunod.
"Sam, you need a new glasses. Masyado nang sira yung sayo kaya papalitan natin." He smiled at me genuinely. Napapangiti tuloy ako.
"O-okay then."
Naiilang akong umupo na lamang sa passenger's seat. Hanggang ngayon ay naiintimidate parin ako sa presensiya ni Lewis. Para akong lalamunin. Naalala ko tuloy kung paano niya ako angkinin. Gosh. Swear. Nangangamatis na naman siguro ang mukha ko.
Napatuwid naman ako ng upo nang hawakan ni Lewis ang aking kaliwang kamay habang ang isa naman ay kalmadong minamaniobra ang manibela. I stared at our intertwined hands. My palm fits his. Para itong hinulma para lamang sa kanya.
Damn, I'm so inlove with him. Sana ganito nalang kami lagi. Nakakainlove naman kasi siya these past few days.
"Hmm. Baby, I love you." Napabaling ako sa kanya kasabay nang napakalakas na tibok ng puso ko.
"I love you to-o." I was biting my lower lip when he stopped the car and instantly attacks me with his fiery kisses.
I am gasping with air when he stopped kissing me. Abot-abot din ang kanyang hininga habang tinititigan ako.
"Fuck. Next time try not to bite your lower lip, baby. You're turning me on, fuck." Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya kaya hinampas ko ang braso niya.
He pouted at my stance. Mabilis naman siyang nagmaneho muli at wala na akong ibang nagawa kung hindi ang titigan siya buong magdamag.
Panay ang hum niya ng iba't-ibang kanta habang nagmamaneho siya. Sa mga nakalipas na araw ay nakakakita ako ng iba't-ibang emosyon sa kanya. Kagaya ngayon. He looks happy and contented. Ganun din naman ako. Sobrang saya ang nararamdaman ko na ganito na kami ngayon. Na okay na kaming dalawa at mahal na namin ang isa't-isa.
Papisil-pisil parin siya sa kamay ko habang nag-huhum. I feel so alive. I can't help but smile.
Naramdaman ko na lang na tumigil ang sasakyan kaya binalingan ko siya.
"We're here baby..." Sabi niya sakin sabay baba sa sasakyan at pinagbuksan ako.
I held his hand. As he handed it to me.
Pangiti-ngiti lamang ako at ganoon din siya sa akin. Sarap lang sa pakiramdam. Para akong pinupuno ng kung ano sa puso ko. I just can't help but giggle at the thoughts.
Pumasok kami sa isang clinic at agad naman kaming inassist ng siguro assistant? Malamang, Samantha.
"This way to Ms. Coran Ma'am, Sir..." Panay ang pagpapacute ng assistant kay Lewis. Bakit ba naman kasi ang guwapo niya?
I tightened my grip on his hand kaya napabaling siya sa akin. Samantalang ako ay gigil na gigil na binibigyan ng pamatay na tingin ang babae. I heard him chuckle and whisper to my ears.
"Jealous wife," tinampal ko ang braso niya ng tawa parin siya ng tawa.
Nakapasok na kami sa opisina ni Ms. Coran. Maganda siya. Naman. She has a slender body and a long legs. Makinis din siya. I doubt bakit Ms. pa ito?
BINABASA MO ANG
A Wife's Torment [On-Going]
RomanceSamantha Seroona Gambreza was once contented to stare Lewis Zyberge De la Reevas from a far during their college days. Not until a shaking news shaken her admiration from a far. She gave up everything just to end up and to be with Lewis Zyberge. Pus...