Nagising ako sa isang malaking kama. Well kama niya. Ang kamang simula ng bangungot ko.
Bumangon ako. Nakasuot ako ng puting loose v-neck shirt at malaking jammies. Sumakit bigla ang ulo ko. Napahawak na lang ako sa sintido ko at hinihilot iyon. Pilit kong inaalala ang mga nangyari at sa huli naalala ko rin.
Ang boba ko! Binalak ko ba talagang magpakamatay? At lunurin ang sarili sa bathtub?
Fudge, sira na siguro ang ulo ko noon. Pero sino bang hindi masisira ang ulo kung ganoon na nga.
Inilibot ko ang mga mata ko sa loob ng kwarto niya. Galit parin ako sa kanya at hindi na ito mawawala kahit kailan. Ninakaw niya sa akin ang pinakaimportanteng bagay para sa isang babaeng katulad ko.
Natigil ako sa paglilibot ng aking paningin ng mahagip ng mata ko ang isang malaking portrait sa dingding. Tumayo ako at humakbang papunta roon para siguraduhing hindi ako namamalikmata. Tumulo ang isang butil ng luha sa mata ko nang makitang portrait namin ito ni Lewis noong kasal namin. Ang aliwalas nang ngiti namin sa picture. Yung aakalain mong napakaperpekto naming mag-asawa. Pero hindi. Plastic lang pala yung ngiti niya at ang sakin lang yung totoo.
Napabalik ako sa kama at nagtulog-tulogan ng marinig ang paparating na yabag sa kwarto.
I heard a sigh. It was him. May inilatag siya sa bedside table.
"You're still asleep." Sabi niya sa akin na inaakalang tulog.
"I-I'm sorry Sam, I.. Lo..." Iminulat ko ang mga mata ko at natigilan siya.
"Umalis ka sa harap ko demonyo." Mahinang usal ko sa kanya.
Binigyan ko lamang siya ng malamig kong tingin. Yung pagmamahal ko sa kanya parang nawasak ng dahil sa kasalanan niya sa akin.
"Sama-" pinutol ko ang sasabihin niya.
"Sinabi kong umalis ka kung ayaw mong magalit ako. Hindi mo pa nakikita ang demonyo sa loob ko, demonyo! Kaya umalis ka sa harap ko at huwag na huwag kang magpapakita sa akin." Bumuntong hininga lamang siya. Ang lakas ng kalabog ng puso ko. Nagtitimpi pa lang ako sa galit ko. Ayokong lumabas ang malditang Samantha.
"Okay... Samantha aalis lang ako kung kakain ka muna." Sabi niya sa akin.
Binigyan ko siya ng tingin at parang kinabahan siya.
"Hindi ako nagugutom at kung kamatayan man ang kapalit ng pagkagutom ko ay hindi na lang ako kakain dahil iyon na lamang ang huling paraan para mapalayo sa iyo." Litanya ko sa kanya. Pero hindi pa rin siya tumigil at umupo pa talaga sa kama. Pinabangon niya ako.
Ayoko sanang bumangon kaso masyado siyang malakas.
"Kakain ka sa ayaw at sa gusto mo." Sambit niya sa akin.
Kinuha niya ang pagkain sa bedside table at sinubuan ako. Nag-iwas lamang ako ng tingin. Hindi ko parin nginanga ang bibig ko.
"What should I do to you Samantha? Stop being stubborn." He look frustrated.
"Do? Leave me alone and set me free. Yan lang Lewis, yan lang at magiging masaya na ako," tiningnan ko siya.
"Samantha...Hindi ko talaga sinady-" pinutol ko siya.
"Hindi sinadya? Wow lang ha?! Natapos mo nga ang pagrape sa akin eh! Ano masaya ka na ba? Ha?!" Pinag hahampas ko siya at nahulog niya naman ang lalagyan ng pagkain sa sahig.
Akala ko magagalit siya kaya automatic namang napaatras ako. Yan na ang naging responses ko sa tuwing magagalit siya. Para akong natra-trauma kapag galit siya.
BINABASA MO ANG
A Wife's Torment [On-Going]
RomanceSamantha Seroona Gambreza was once contented to stare Lewis Zyberge De la Reevas from a far during their college days. Not until a shaking news shaken her admiration from a far. She gave up everything just to end up and to be with Lewis Zyberge. Pus...