Nagsimula na akong mag-impake nang mga gamit ko upang ilipat sa maid's quarter. Hindi ko nga alam kung nandito ba sa bahay si Lewis o wala. Hindi naman kasi ako lumabas ng kwarto ko mula kanina.
May mga lapnus pa nga nang mainit na tubig ang mukha ko, ito yung binuhos sa akin ni Lewis na mainit na kape. Mabuti na lang at may ointment pa akong natitira para sa sarili ko. Hindi naman kasi iyon ang unang beses na binuhusan niya ako ng mainit na likido. Kahit na hindi iyon ang una ay nasasaktan parin ako.
Dahan-dahan ko nang ipinapasok sa karton ang aking mga damit at mga gamit, pati yung picture frame ng nuptials namin ni Lewis ay nasa akin pa rin. Pinakaiingatan ko ito kasi batid ko sa larawan na ito ang kuntento sa mata niya kaso ewan ko ba pagkatapos ang kasal e nawala nalang ng bigla ang salitang kuntento sa mga malalamlam niyang mga mata.
Hindi ko man alam ang rason niya kung bakit niya ako ginaganito, alam kong may malalim naman siyang rason kung bakit niya ito ginagawa sa akin.
Nilinis ko muna ang kwarto ko, dating kwarto ko pala. Inayos ko ang bedsheet, ang comforter, ang mga unan, ang sofa, at iba't iba pa.
Mamimiss ko ito, lalo na ang veranda ko.
Tumutulo na naman ang mga luha ko.
Iiyak mo lang iyan Samantha mawawala rin ang sakit na nararamdaman mo. Sana nga ganoon kadali walain ang sakit nato kaso permanente na itong nakahalang sa dibdib ko.
Lumabas na ako ng kwarto at dinahan-dahang binuhat ang mga malalaking karton na pinaglalagyan ko ng mga gamit ko.
Masakit rin pala ang mga binti at paa ko. Kumikirot ito kapag ipinanghahakbang ko pababa ng hagdan.
Hindi ko nakita si Lewis sa baba, siguro nasa kwarto siya at gumagawa na naman ng mga paper works niya. Napaka-workaholic kasi talaga ng asawa ko, nakakainis nga lang dahil pinagmumukha niya naman sa akin na salin-pusa lang ako dito sa bahay at dagdag pakain lamang niya. Eh kung hinahayaan lang naman sana ako na magtrabaho ni Lewis edi hindi na sana ako magiging pabigat sa kanya edi sana may maipamumukha rin ako sa kanya.
Nakarating na ako sa bagong kwarto ko. Napabubtong-hininga ako.
"Hay nakakapagod."
Agad kong inayos sa paglalagyan ang aking mga gamit at ang mga damit din.
"Wala namang drawer dito. Siguro magtitiis nalang muna ako sa karton na ito," inayos ko na lang sa karton ang mga damit ko.
Maliban kasi sa isang maliit na katre ay wala pa itong malambot na foam. At banig lang din ang nakikita ko sa gilid samantalang ceiling fan lang din ang nandito. Hindi ako sanay na ganito ang ayos ng kwarto ko.
Naiyak ako.
Meron ding maliit na circular table at isang bangko rito.
Makalipas ang isang oras ay natapos narin ako sa pag-aayos ng mga gamit ko. Nakakapagod naman.
Tiningnan ko ang wall clock ko sa gilid. Alas nuebe na pala hindi ko man lang namalayan. Agad akong lumabas ng kwarto ko at dumiretso agad sa kusina. Alam ko tanga na ako sa isip niyo kung bakit ko pa iisiping ipagluto si Lewis kaso alam ko hindi pa kumakain si Lewis. Madumi ang kusina at may mga bubog pa sa sahig. Naalala ko na naman ang senaryo kanina. Galing ang mga bubog na ito sa pinggan na iningudngud niya sakin, napahikbi ako.
Nilinis ko ang mga bubog na iyon. Hindi ko man lang namalayan na nasugatan pala ako sa mga nagkalat na bubog sa sahig.
"Kainis naman," ang hapdi nang sugat na ito. Dumadagdag lang sa kirot ng katawan ko.
"Hay nakakapagod na talaga. Sana naman mag-hire na si Lewis ng katulong hindi naman niya ako katulong," dinahan-dahan ko nalang ang pagpulot at pagwalis sa nagkalat na bubog.
Hindi naman ako nahirapan sa paglilinis sa kusina. Nature ko na siguro talaga ang mapamahal sa kusina.
Pagkatapos ko magluto ay pumasok ulit ako sa bagong kwarto ko. At agad na hinanap ang first aid kit para magamot ang sugat ko. Ang dami ko nang band aid sa katawan ko. Pero okay lang as long as nabubuhay pa naman ako.
Papahiga na sana ako sa kama ko nang may narinig akong ungol sa labas.
At hindi ako ganoon katanga upang hindi malaman kung anong klaseng ungol ang naririnig ko.
Dahan-dahan akong lumapit sa pinto ng aking silid at bahagyang binuksan ang pinto upang masilip kung ano ang nangyayari sa labas.
Napatakip nalang ako ng kamay ko sa bibig ko.
This was the first time seeing my husband hanging-out with bitches live. Tumutulo ang luha ko. Napapaimpit ako, pinipigilang hunagulhol, tinitimpi ang sariling hindi nila ako marinig na umiiyak, nasasaktan.
"Shit! Wisss," rinig kong ungol ng babae, nasasaktan ako.
Ibang-iba ito sa nararamdaman ko kung may naririnig lang ako. Patuloy lang na umaagos ang aking mga luha sa pisnge ko.
Isinara ko nalang ulit ang pinto ko at niyakap ang mga unan ko.
Hirap na hirap ako sa sitwasyon ko samantalang siya nagpapakasasa sa kanyang buhay.
Naririnig ko pa rin ang kanilang mga halinghing.
Batid kong hindi parin sila pumapasok sa kwarto at ipinagpapatuloy parin nila ang kahalayang kanilang ginagawa.
"Wis fas-ter," sigaw ng babae niya.
Masyado nang maga ang mga mata ko.
I can only hear their moans and groans and it hurts my insides.
"I'm coming babe."
Dinig ko ang sigaw ng dalawa and I guess the've reached their climax huh.
Bakit ba ako tinotorture ng ganito. And to be honest para akong namamatay. Iba naman ang buhay ko sa mga napapanood kong mga drama o di kaya'y mga novels at pocketbook na nababasa kaso bakit parang nararanasan ko ang lahat nang kamiserablehang nararanasan ng mga naaapi sa kwento.
Last withdraw nalang talaga Lewis at hindi na ako mag-aatubiling iwanan ka na.
"Ayaw kong mamatay ng dahil sa sakit na nararamdaman ko, but Lewis for Pete's sake! Your deeds are killing me softly," and then I bawled my eyes out crying till I fell asleep.
Kinabukasan ay hindi ko man lang mailakad ang aking mga paa at binti dahil sa sobrang sakit na aking nararamdaman. Kaya napagpasiyahan ko nalang na huwag munang maglabas sa kwarto ko at humilata lamang dito. Hindi ko talaga kasi makaya ang sakit. Pati ang mukha ko ay sobrang anghang ang nadarama at panigurado akong dahil ito sa kape ba naibuhos ni Lewis sa akin.
Nasa kalagitnaan ako ng aking pag-iidlip muli nang may biglang kumatok sa pinto ko at habang patagal ng patagal ay hindi na ito basta katok. Kaya kahit na nahihirapan na akong tumayo ay sinubukan ko parin.
Agaran kong binuksan ang pinto ng aking quarter at nakita ang isang tisay na babaeng nakataas ang kilay sa akin.
"Hey, maid could you please go out there and make some breakfast for us. Masyado kang nasisiyahan sa kwarto mo at nakakalimutan mo nang pinapasweldohan ka ni Lewis dito! You should know your place!" pasigaw niyang sabi sa akin at pinipigilan ko nalang ang sarili kong huwag maiyak sa harap niya dahil paniguradong masasaktan lang ako ulit at ayaw ko na ding madagdagan ang hapdi na aking nararamdaman sa aking katawan.

BINABASA MO ANG
A Wife's Torment [On-Going]
RomanceSamantha Seroona Gambreza was once contented to stare Lewis Zyberge De la Reevas from a far during their college days. Not until a shaking news shaken her admiration from a far. She gave up everything just to end up and to be with Lewis Zyberge. Pus...