Chapter 34

2.5K 37 18
                                    

Nagulat ako ng sobra ng sinunggaban ni James si Lewis ng suntok. Inawat ko sila, nagpagitna ako sa kanilang dalawa. Naguguluhan ako sa inaakto ni James, hindi ako sanay na makita siyang ganito.

"James?! A-anong problema?" Tanong ko kay Mayor James. Napapailing na lamang siya.

"Thania, hindi mo siya kilala-" Sambit ni James ngunit pinutol siya ni Lewis.

"Why, do you know me?" Napalingon naman ako ngayon kay Lewis. Naguguluhan parin.

"You're a murderer." Halos hindi ako makahinga sa sinabi ni James. Si Lewis? Mamamatay tao? Napatingin ako ngayon kay Lewis.

"No James, I think you're mistaken-" Naputol ako sa sinasabi dahil kay James.

"Tangina Thania! That man murdered his wife! and I bet he's saying you're his wife he murdered years ago!"

"Stop calling her Thania! She is Samantha!" Biglang sumikip ang dibdib ko. Parang ang bigat sa puso.

"Hindi lang ang asawa niya ang pinatay nya kundi ang anak nya rin." Ngayon ko nasisiguro na grabe na ang sakit na nararamdaman ko. Nakuha ni James ang atensyon ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagdadalawang isip pa si James sa sasabihin niya.

"That man can harm his family Thania at malaki ang posibilidad na magawa nya rin sayo yan." May diin na pagsambit ni James sakin.

Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang humalakhak si Lewis.

"Talaga ba mayor?" Matutulis ang kanyang paninitig na para bang lulunurin ka sa kaba ng mga bughaw nyang mata.

"Thania or Samantha she is still Seroona. Nothing would change and if I've done something regretful in the past, I know I've paid the pain well." Tumulo ang aking mga luha. Ang sikip ng dibdib ko. Para akong kinarayom ng buhay.

Biglang lumapit si James sa akin at nagmakaawa.

"No Thania, listen to me. You can't leave us here. How about us? Si Mamay mo si Papay?" Sambit nya sa akin, napatingin ako sa kanya at kay Lewis ulit.

"No wife, no." Lewis said.

Naguguluhan ako. A-nong pinatay? Napatingin ako ng pasalit-salit sa kanilang dalawa, naguguluhan.

"Thania, I told you, this man was the reason for your miserable life. So please listen, bring Tyrant here, be with us. Mas maaalagaan ka namin dito sa barrio." James pleaded.

Pero, parang sinabi at pinatunayan parin ni James na totoo ngang ako si Samantha. Hindi ko na alam kung anong totoo. If I was really Samantha, sasama parin ako kay Lewis, I want to know my origin and if Lewis is the key then be it.

"Sorry James pero sasama ako kay Lewis." Lewis looked at my direction with an adoration on his eyes.

"Kung ang inaalala mo ay si Mamay at Papay, nakapagpaalam na ako ng maayos at dadalaw din kami ni Tyrant sa kanila." I added.

"Pero paano ako Thania?" Hindi na niya nadugtungan ang sasabihin niya dahil hinila ako kaagad ni Lewis palabas.

Agad niya akong pinasakay sa sasakyan. Para siyang nagmamaktol na galit na hindi ko alam.

A Wife's Torment [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon