Chapter 7

6.6K 123 3
                                    

Mabilis kong sinunod ang utos ng hindi ko man lang kilalang babaeng ito. Masyadong natatapakan ang pride ko sa tuwing ginaganito ako ng mga babae ng asawa ko.

Bigla na namang rumihistro sa aking isipan ang aking nakitang mahalay na imahe nilang dalawa ng asawa ko. Naiiyak na naman ako. Hindi sa galit kung hindi sa awa, naaawa ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang nagawang ipaglaban ang katayuan ko bilang asawa niya. Hindi ko man lang mailayo ang asawa ko na baka masulot pa siya ng iba kaso hindi ko pa nga nagagawa ang pagtatanggol sa kanya e nagpasulot naman siya.

Masakit talaga ang buong katawan ko at hindi ko man lang maigalaw ng tama ang mga binti ko. Masakit din ang ulo ko at medyo nahihilo na rin ako.

Pero kahit ganoon ay pinagluto ko parin ang kaniyang reyna ngayon. Dinamihan ko na nang sa ganoon kapag bumaba na si Lewis ay hindi na siya manggigising pa sa akin. Dahil sigurado talaga akong matutulog lang ako buong araw at buong magdamag.

Gusto ko pa talagang magpahinga kaso heto naman ako ipinagluluto ng pagkain ang malanding higad na'yon.

Ang landi talaga kahit damit na sinuot kagabi pinabayaan pa sa sala mga bastos! Walang delakadesa at mga walang hiya. Hindi pa talaga nahiyang isuot ang t-shirt ng asawa ko!

Kung makasuot siya parang siya ang naglalaba ha! Eh kung tutuusin bisita lang siya dito wait!

Let me rephrase it! Kabit siya at bwisit! Kung makapag-utos parang siya ang amo. At ang taray ng boba sinabihan pa akong pinapasweldohan daw ako. Kung alam niya lang talaga.

Kung alam ko naman palang pinapaswelduhan ako edi sana naglayas na lang ako kung ang katotohanan ay kakayanin ko na palang mamuhay ng payapa kahit mababa ang magiging tingin ng mga tao sa akin kaso wala akong pake eh. Masyado na akong halang sa pagmamahal kay Lewis na kahit ang sarili kong mga pangarap ay nakakalimutan ko na ng dahil sa kanya.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos narin akong magluto. Agad kong inihanda ang mga pagkain sa hapag .

Mabilis akong pumunta sa sala at doon ko naabutan na naglalampungan ang dalawa, parang may matinik na parte ng rosas ang tumubo sa puso ko.

"Ahmm. Excuse me sir at ma'am. Handa na po ang agahan niyong dalawa," nakayuko kong sabi sa kanila.

Batid ko ang mga naninilay na titig sa akin ng dalawa at wala akong pake kung ganoon nga iyon.

Mabilis akong pumasok sa kwarto ko at nagtalukbong ng kumot. Nakakapagod talaga ang araw na ito, yung tipong hindi pa nga ako gumagalaw ay sumasakit na kaagad ang ulo ko mabilis naman akong nakatulog dahilan na lamang siguro ng nararamdaman kong pagod ngayon.

Ang ginaw. Giniginaw ako kahit na sobrang kapal na ng comforter ko. Tumayo ako para e-off ang ceiling fan.

"Uhuhh-uhuh," napapaubo ako, ang sakit ng buong katawan ko.

Nilalagnat na ako. Mukhang dahil ito sa kapaguran ko nitong mga nakaraang araw.

Mabilis akong bumalik sa aking higaan at binalot agad ang katawan sa comforter. Giniginaw parin ako at panay parin ang ubo ko.

Nasa gitna na sana ako ng tulog ko nang biglang may kumalabog sa pinto ko. Agad akong tumayo kahit na nahihirapan na ako sa kalagayan ko binuksan ko ang pinto at doon ko nakita si Lewis na galit na galit ang tingin sa akin.

"Ano na naman ba Lewis," umuubo at mahina kong sambit sa kanya.

"May paubo-ubo ka pang nalalaman diyan slut! At balak mo pa talagang tumunganga diyan sa kwarto mo! Ang daming pang kinakailangang gawin sa bahay tapos ikaw nakahilata lamang diyan!" pasigaw at pabulyaw niyang sambit sa akin.

"Hindi maganda ang pakiramdam ko Lewis kaya kung pwede sana pagpahingahin mo muna ako. Ka-kahit ngayon lang,"mahina ko paring sabi sa kanya ang sakit na talaga ng ulo ko.

Bigla nalang sumulpot na parang kabute ang babae niya. Napakainsulto nang pagkakatitig niya sa akin, ulo hanggang paa ganoon siya habang nakataas pa ang kilay sa akin.

"Babe, hindi ko gusto ang katulong mo dito," maarteng sabi niya.

"Just forget about her babe," sagot naman ni Lewis na nakapanghina sa akin lalo.

Gusto kong umiyak sa harap nila at ipagdul-dulan na akin lang siya kaso wala akong lakas e. Both spiritual and physical ay wala akong lakas ng loob upang gawin iyon.

"Masama lang talaga ang pakiramdam ko Lewis," halos mamaos na ako sa pagsabi niyan sa kaniya.

"Hard headed slut! Sa lahat ng oras ngayon pa talaga!? Eh parang kanina ang lakas-lakas mo pa kaso ngayon magtatamad-tamadan ka?! Langya karing malandi ka!" hindi ko na lamang inintindi ang mga sinasabi ni Lewis sa akin dahil wala talaga akong lakas na labanan pa at umiyak ng dahil sa kanya.

Kahit ngayong araw lang sana pagpahingahin naman sana niya ako. Ngunit napasinghap nalang ako nang bigla niya akong hinila sa braso.

Ang lakas nang pagkakakapit niya sa braso ko at paniguradong magmamarka na naman ang kamay niya doon.

"Ang tigas talaga ng ulo mo! Kapag sinabi kong kumilos ka , kikilos ka! Yan na nga lang ang trabaho mo sa bahay tapos magiging tamad ka na naman hah!?" nasasaktan ako sa bawat hatak niya sa akin kaso binalewala ko na lang iyon dahil wala din naman mangyayari kung manglaban pa ako.

Tiningnan ko ang babae niya. Halatang gulat siya sa pangyayari dahil nakanganga lamang siya nang tingin sa aming dalawa.

"Babe, Wis sino ba siya?" mahinhing tanong niya kay Lewis.

"Nah babe she's nothing but my wife!" hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko ang tanging natatandaan ko na lamang ay ang sinabi niyang asawa lang niya ako.

Wala na. Sira na naman ako, tumutulo na naman ang luha ko.

"The heck Wis! You said to me last night that you're single at wala kang responsibilidad kahit kanino?! And what is this?! Hindi ko ugaling manira ng relasyon na matagal na rin palang sira. Ms-Mrs. De la Reevas I'm sorry for last night. Hindi ko sadya," mabilis na nagmartsa ang babae niya palabas kahit wala pang matinong damit na suot.

Para akong nabunutan ng tinik habang narinig ko iyon sa babae niya. Ito ang unang beses na may mag-walk out na babae niya sa harapan ko.

Napa aww naman ako ng bigla akong ibalibag ni Lewis sa sahig.

"Shit! Shit! You're a piece of shit! Slut," sabay nang pagsigaw niya ay ang pagsipa sa aking likod .

"Lewis, tama na nasa-saktan na ako. Ayoko na," mahina kong sabi pero sinisigurado kong narinig din naman niya iyon.

"Tama na?! Samantha?! Kung makapagsalita ka nang tama na e parang bawing-bawi ka na sa kasalanan mo?! Palibhasa isa kang gamit na babae! Isa kang madumi!" sinipa niya naman ang paa ko kaya napasigaw nalang ako sa sakit.

"Ah! Ara-ay tama na Le-wis," halos sigaw at iyak ko na lamang ang naririnig ko sa bahay namin.

"Kung ano man ang gusto mong isipin Lewis tatanggapin ko. Pagpahingahin mo lang sana ako kahit ngayon lang," mabilis ang pag-agos ng aking mga luha sa aking pisnge. Wala na akong pake kung ano man ang isipin ni Lewis dahil kahit ngayon lang gusto kung magpahinga.

Pagod na nga ang puso ko pati ba naman ang katawan ko? Hindi na ito pwe-pwede dahil sobrang hina ko na.

"Makaalis na nga sa empyernong bahay na ito! Bwesit kang babae ka wala kang kwentang asawa daig mo pa ang isang malansang isda dahil sa kadumihan ng puri mo!" yan lamang at narinig ko na lang siyang lumabas ng bahay at pinapaandar ang sasakyan niya.

Heto na naman ako naiwang luhaan.

"Ayoko na. Suko na ako sa pagmamahal sa iyo Lewis. I don't want to live a miserable life," bitaw ko ng mga salitang matagal ko na sanang ginawa.

A Wife's Torment [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon