Chapter 19

6.6K 104 7
                                    

Napakahimbing ng tulog ko kagabi na tinanghali naman ako ng gising. Aking inaalala ang nangyari kagabi.

Was it a dream or not? Sa tingin ko ay panaginip lamang iyon. Napabuntong hininga na lamang ako sa iniisip.

Kakaibang Lewis ang nakita ko kagabi. Yung para bang ang lakas ng kapit niya sa akin dahil ayaw niyang mawala ako.

Napatingin ako sa gilid ng kamang hinihigaan ko. Walang bakas ng Lewis akong makikita roon. Tumulo na naman ang luha ko.

"Panaginip nga lang yun panigurado," napapasinghap ako sa pag-aakalang ayaw ni Lewis na mawala talaga ako sa kanya.

Agad akong lumabas ng kwarto at bumaba, pumunta ako ng kusina at napatalon ako sa gulat ng natanaw si Lewis na topless at naka-apron na nagluluto.

Napasinghap ako habang pinagmamasdan ang kanyang malapad na likod. The firmness of his shoulder and the flenching of his biceps makes me weak. Shit! Ang kisig niya talaga.

Agad akong napatalon paatras ng napalingon siya sa akin. Kagaya ko halata rin ang gulat sa kanyang mukha.

"Le-wis, babalik na lang ako sa kwarto," wika ko at bumalik sa pinanggagalingan ko.

Ngunit hindi paman ako nakakahakbang ay may braso ng yumakap sa beywang ko.

"Stay here baby. I want you to stare at me every time I'm cooking," napasinghap ako habang dama ko naman ang hanging binubuga ng labi niya sa tenga ko.

"Ah. O-kay," nangangapa ako sa salita.

"Here, sit near the counter," agad niya akong iginiya sa stool malapit sa counter.

Nakita ko ang ngiti sa kanyang labi. At agad naman yung napawi ng makita niyang pinanonood ko siya.

He cough kaya nabalik naman sa huwisyo ang utak ko.

"A-anong niluluto mo?" Tanong ko sa kanya at nakita ko ang mapaglaro niyang ngiti.

"Kare-kare baby and I also cook simple dishes that is common for breakfast. I hope you don't mind if I'll feed you baby?" Sa bawat bigkas niya ng salitang baby ay napapalunok ako.

Parang may mga bulate ang nagpaparty sa sikmura ko.

I don't even know na magaling pala siyang magluto! Take note it's kare-kare!

"Kaya ko namang kumain mag-isa Lewis," sabi ko sa kanya na nilamigan talaga ang tono para pagtakpan ang kilig na nadarama damn! I'm 23 for heaven sake!

"I don't care baby. Still I will be feeding you," lumapit siya sa counter at ihinain doon ang kanyang niluto.

Di ko man lang namalayan na tapos na pala siyang magluto.

Naglabas siya ng dalawang pinggan tapos dalawang pares din ng kutsara't tinidor. Nilagyan niya ng maraming kanin at ulam ang pinggan ko.

"A-ko na niyan Lewis. Kaya kong kumain mag-isa. Hindi mo na kailangang gawin iyan," sabi ko sa kanya habang tinititigan ang mukha niya.

Kung siguro'y nakakamatay ang pagtitig sa kanya. Matagal na siguro akong nakahandusay sa harap niya.

"Stop staring at me baby. It gives me chills," napalunok ako sa sinabi niya at agad itinuon ang pansin sa pagkain.

Umupo siya sa tabi ko at naglagay na rin ng pagkain sa kanyang pinggan.

Nagsimula na lamang akong kumain upang maiwas ang pagtitingin sa kanya. Magkakasala ako nito.

Muntik na akong mabulunan ng inusog niya ang stool na inuupuan ko sa kanya. Nadagdagan pa ng maramdaman ko ang paghawak niya sa beywang ko.

Pinilit ko paring umaktong walang nagyayari.

"Mahihirapan ka sa pagkain Lewis," sabi ko sa kanya na hindi siya nililingon.

Imbes na alisin niya ang braso niyang nakalingkis sa beywang ko ay mas hinigit niya pa ako malapit sa kanya.

"It's okay baby, I am more comfortable with this," napatingin ako sa kanya at nakita kong ngumunguya na siya sa kinakain niya.

I cleared my throat.

Kumain na lang ako ulit at hindi na lang siya pinansin.

Tapos na siya sa pagkain samantalang ako ay hindi pa nangangalahati. Sa dami ba kasi ng ihinaiin niya sa pinggan ko ay mauubos ko ba ito?

Ramdam kong tinititigan niya ako. Para bang kinikilatis niya ang bawat galaw ko. Tumikhim siya at tumayo pagkatapos ay niligpit ang pinagkainan niya. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag ng naiwan ako sa counter mag-isa.

Akala ko ay umalis na siya pero dalawang braso ang nakayakap sa aking beywang galing sa likod. Inaamoy niya pa ang buhok ko.

Lewis! Your gestures are! Ugh! Di ko na makontrol ang puso ko sa lakas ng pintig nito.

Umakto parin ako na para bang walang nagyari at pilit na itinutuon ang pansin sa pagkain ko.

He rested his face on my neck at para akong nakuryente ng maramdaman ang hininga niya sa leeg ko.

"Le-wis. Kumakain ako," Sambit ko ngunit di parin niya ako narinig.

"You smells like me baby," kinilabotan ako sa sinabi niya at pinamulahan ang pisnge.

He kiss my neck na para bang walang mas tatamis pa sa leeg ko. Fudge! Nababaliw na ako.

Tumigil ako sa pagkain at tumayo. Akala ko'y titigil na siya ngunit nakayakap parin siya sa beywang ko. Niligpit ko ang pinagkainan ko at hinugasan ang pinggang ginamit ko. Uminom muna ako ng tubig.

He buried his face again on my neck. Inaamoy-amoy niya ulit ako. Damn! What's happening?

"Le-wis," hinarap ko siya para patigilin but I think it was a wrong move.

Nakayakap ang bisig niya sa beywang ko at pawang mahihiyang dumaan ang hangin sa gitna naming dalawa dahil sa lapit namin sa isa't-isa.

Nakatitig siya sa akin at nag-iwas lamang ako ng tingin.

Inangat niya ang baba ko para matingnan ko ulit siya sa mata.

"Damn! I'm lucky to have you baby," napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Galing sa mata ay napatitig siya sa labi ko.

Malakas na kumalabog ang puso ko at alam ko na kung ano ang nasa isip niya. He lean down to me and kiss me.

"Samantha, I love you," mahinang sambit niya sa gitna ng halik niya.

Nagulat ako sa sinabi niya at humiwalay ako sa kanya.

"Hahha. Nagjo-joke ka ba Lewis? Well ang galing mo mag-joke! Kapani-paniwala," a tear escaped from my eyes down to my cheeks.

Lumapit siya sa akin at pinalis ang luha ko. Di ako makatingin ng diretso sa kanya.

"I'm serious Samantha, I love you. And I don't care if you believe it or not. I love you baby and I'll go nuts if I won't tell you what I feel all these years," and again hindi na ako nakapalag ng naglapat ang labi niya sa labi ko.

I'll risk it all again this time. And I promise this is my last risk of love for you, Lewis.

His kisses are gentle na para bang isa akong babasaging krystal na ayaw niyang mabasag. Ang sarap sa pakiramdam lalo na sa puso ko nang malamang seryoso siya.

"I love you, too Lewis," natigilan siya ng narinig iyon galing sa akin.

Nagmulat ako ng mata and there I saw his blue mesmerizing bloodshot eyes.

A Wife's Torment [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon