"Nanay. Daming tao nanay," halos malula din ako sa dami ng kasambahay na nagpapagulo sa utak namin ni Tyrant.
Nasa tabi lang namin si Lewis at mahigpit parin ang hapit niya sa akin at sa anak ko.
"Ate Samantha! Naku po buhay ka!" Namilog ang mata ko.
"Ateng—ateng ang laki ng ipinagbago mo. Naku Buknoy kuhanan mo ng tubig si Manang Glenda nauuhaw na siya!" Agad tumalima ang isang lalaking halatang hardenero.
"Di mo ba talaga kami maalala Gang? Kami ito," may tumulong luha sa mga mata ng mayordoma.
"Ako ito si Manang Glenda. Sila naman sila Bebe, Maria, Mang Clavio at iyong kumuha ng tubig ay si Buknoy," napalunok ako sa narinig.
Their names are familiar.
"At ikaw naman Lewis! Ikaw na bata ka! Bakit di mo sinabi sa amin ito kaagad?" Lewis cough.
"Manang she's alive. Let's just be thankful," he then kissed the top of my head at ganun din kay Tyrant.
Wala akong masabi. Naguguluhan ako.
"Where's mom manang?" Tanong nito.
"Ay pababa na tumawag kasi si Cheris. Kaya hintayin niyo lang," may ngiti itong umaabot sa tenga.
Gusto namang magpabuhat si Tyrant sa akin. Kaya walang nagawa si Lewis at ibigay sa akin ang anak ko. Aaminin ko naiinis at nagagalit ako sa kanya. Gusto niya bang magpanggap kami sa harap ng mga mabubuting tao dito na ako nga iyong Samantha?
"Nanay... Takot ako may momo ba sa laking house?" Tumawa lang ang mga kasambahay sa ginawi ni Tyrant ng sumiksik ito sa leeg ko.
"Uhm. Wala anak," nasa bewang ko parin ang kamay ni Lewis.
Napatingala kaming lahat ng may mga yapak sa hagdan.
Isang nasa mid40's na ginang ang bumaba. Ang ganda nito. Klarong-klaro. May berde itong mata. Kumalabog ang puso ko. Parang may ugat sa utak ko ang naputol. Kahit masakit ay ininda ko nalang.
"Oh my God! Sam! Anak!" Mabilis siyang bumaba at niyakap ako.
Napahiwalay kami ni Tyrant kay Lewis dahil sa yakap ng ginang.
"Oh my! Is he my?" Turo at tanong nito sa akin sa kay Tyrant.
"P-o?" She just hugged me tight.
"Mom hey. Hold on. My wife and my son needs to breath," mabilis itong kumawala.
Naluluha na ito. Ang ganda nito. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Magaan din ang loob ko sa kanya. Actually sa kanilang lahat dito.
"My God, Lewis! Cheris will be furious about this! Samantha's parents as well," naiiyak na talaga ito.
"I know mom. That's why we're here," napatingin ako sa kanya.
"I'm. N-ot Samantha p-o," natigilan ang lahat at naiyak.
"Ikaw si Samantha. Please Hija bumalik ka na sa amin," napatitig nalang ako dito.
"Alam mo bang sobrang nagluksa kaming lahat sa pagkawala mo? At sa inaakalang ikaw iyong nalibing na sunog ang katawan? Diyos ko po. How I prayed it was not you," humagulhol na ito ng iyak at dinaluhan ito ni Lewis.
"Mom hey shhhhh," alu nito sa ina.
"Nanay bakit cry cry si Magandang mamay?" Tanong nito sa akin.

BINABASA MO ANG
A Wife's Torment [On-Going]
Roman d'amourSamantha Seroona Gambreza was once contented to stare Lewis Zyberge De la Reevas from a far during their college days. Not until a shaking news shaken her admiration from a far. She gave up everything just to end up and to be with Lewis Zyberge. Pus...