***Ianne POV
"Anong nangyari sa kanya?" she asked when she saw my twin sister— tulala lang habang walang tigil yung pagpatak ng mga luha n'ya.
Hindi ko s'ya kayang makitang ganyan na naman, masakit rin para sa'kin ang nangyayari sa kanya, to think of na wala akong magawa to ease her pain.
"Dito ako matutulog" walang buhay kong sabi sa kanya.
"H-Ha?" bakas naman sa mukha niya ang gulat.
"Do I need to repeat myself?"
"Ah— sorry... hind— "
Hindi na lang ako nagsalita at nagdidilim pa rin yung paningin ko tuwing naalala ko kung paano magmakaawa yung kapatid ko sa gagong yun!
Tangina talaga.
###
Razzell POVHanggang ngayon ay wala pa rin kaming imik simula nung nangyari kanina, tamang pakiramdaman na lang.
"Masakit?" ano bang klaseng tanong yan Razz, natural masakit yun! Ang lakas pa naman manuntok ni Ianne kapag galit.
Naalala ko tuloy yung nangyaring eksena sa labas kanina.
Flashback...
"Bakit parang wala pa yata si Jhas?" linga linga sa loob ni Cole.
"May date s'ya, wag niyo ng hanapin" napakunot noo naman kami sa sinabi ni Ianne
"Date? Kelan pa nauso sa isang robot na makipag-date, hindi ko alam na may alam pala sa ganun yun" birong sabi ko.
Kilala naming lahat si Jhas pagdating sa babae, he's not into girls. Ang hilig niyang magsungit sa babae minsan nga iniisip namin kung bakla ba siya pero nung tinanong ko naman kulang na lang ay patayin na n'ya ako sa tingin.
"Teka lang, 'wag mong sabihin... sinet up mo yung dalwa?!" hindi ko maintindihan yung pinagsasabi ni Cole— set up?
"Sort of?" kibit balikat naman ni Ianne, anong meron?
"I don't think that it was a good idea... parang hindi pa ready yung dalwa" ano bang pinaguusapan nila?
"Hoy! Baka naman maiichismis nyo sakin yan?... sinet up niyo ng date si Jhas? Kanino? Buti pumayag siya— aray!" ang dalas din talaga ng kamay minsan nitong si Cole, lakas mambatok!
"Ginawa ko sayo?!"
"Set up nga di'ba?! Natural hindi niya yun alam kaya mapapayag mo! Yung utak mo minsan nalilimutan mong bawiin sa kung saang planeta mo man iniwan" grabeng pambabara na naman ang natanggap ko sa kanya.
"Chase! Please!" bigla naman kaming nagkatingingang tatlo sa isa't isa, maging si Drix na busy ay napaangat ng tingin.
"Ako lang ba? Bakit may naririnig yata akong boses babae"
Agad naman kaming nagsitayuan sa pwesto namin at dali daling lumabas ng bahay dahil nakakarinig na din kami ng sigawan sa labas napakunot noo ako ng bumungad sa amin si Jhas at... sino naman itong babae na toh?
Anong meron?
"Psst... sino yun?" nguso ko pang tanong kay Ianne, napakunot noo naman ako sa reaksyon ng mukha niya. Mukha siyang galit na galit at napansin ko rin ang biglang pagkuyom niya ng kamao— ngayon ko lang yata nakita na ganito siya.
"G-Give me another chance! Give me one chance! Please... I can't— "
"Tangina! You're making things worst! There was no chance at all! Tama na!" ngayon ko lang din nakita na ganito kagalit na galit si Jhas lalo na sa babae.
YOU ARE READING
Secrets in Disguise
RandomShe's Kyianna by her true personality but forced to be Khiya to hide her identity. Her two-faced character makes it hard not just to hide who she was but also to conceal her unsettled feelings for someone she can't get over with. Many new faces an...