25: Sudden Break Up

0 0 0
                                    

***

Cary POV

Kulang na lang umulwa na yung mata ko sa presyo ng mga damit na bibilhin ni Khiya.

1,000 na yata yung pinakamura!

"Khiya- "

"Which one? Blue or Black one? I go with the black one... it represents broken"

Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya, pero simula nung umuwi kami galing sa safe house nina Ianne ay naging tahimik siya bigla. Tapos kinabukasan biglang nag-aya mag-window shopping, gamit yung perang napalanunan niya kay Razz.

"Red one for you... because you heart is stable" ha? Inabot ko naman yung red dress na binigay niya- what the! 5,300?!

"Ang mahal— "

"I want 10 shades, maybe it can cover my swollen eyes" medyo naguguluhan na sadya ako sa kanya.

"Okay ka lang ba, Khiya?" hindi ako sanay na ganito siya— may mali talaga sa kanya, ang lamya pa niya magsalita.

"And why I shouldn't be? I'm freaking fine! Let's eat, nagugutom ako"

Sumunod na lang ako sa kanya, hindi na lang ako nagsalita. Alam kong may mali pero hindi na lang ako magtatanong. Hayaan ko siguro muna siya.

###

Anak ng baboy! Hindi naman fiesta pero daig pang sampu kaming kakain! Ang daming pagkain! Buti na lang at naka-private room kami, nakakahiya kapag nakita ng ibang customer sa labas. Sa tinginan pa nga lang ng mga waiter nakakahiya na.

"Khiya... kaya ba natin— "

"Thanks for the food" napanganga na lang ako sa kanya.

She's really unbelievable. Seryoso ba talaga siyang kaya naming ubusin lahat ng ito? Parang wala pa sa kalahati yung maiaambag ko sa pagkain ah.

"Don't just stare at it, Cary. Dig in!"

Kung ano man ang trip niya ngayon sabayan ko na lang— hmm! Infairness sa pagkain dito ha. Masarap siya. Hindi naman na pala lugi yung bayad.

"Food is life talaga" tumango naman ako sa kanya.

"Kung hindi natin maubos, i-sharon na lang natin para hindi sayang" ang dami kasi talaga kahit sobrang sarap hindi namin mauubos ng isang kainan lang ito.

"What is sharon?" amp, oo nga pala bagong salta pa rin siya sa Pinas.

"Yung take out ganun, para may ulam pa rin tayo mamaya"

"We can buy new one naman" eh? Rich kid nga naman.

"Para tipid" kasi nararamdaman ko na mauubos niya yung isang milyon sa loob lang ng isang linggo kung ganito siya kagastos!

"Okay? If you say so"

Hayy— napatingin ulit ako sa kanya, kating kati na sadya yung dila ko na tanungin siya pero dahil ayaw kong magtunog chismosa ay shatap na lang ang mouth ko.

"Is there something I need to know between you and my twin brother?" kamuntikan na akong mabilaukan sa biglaang tanong niya.

Hindi ako prepared sa tanong niya! Lalong hindi ko alam kung anong isasagot dun. Hindi ko tuloy alam kong sasagutin ko ba yun— eh ano ngang isasagot ko dun?!

Waahh! Bakit bigla niya yung natanong—oh my! Siguro dahil sa nangyari kagabi, kaasar. Paano—

"There's no need to feel pressured. I just ask" kalmado lang siya magsalita pero kinakabahan talaga ako, hindi ko din alam kung bakit.

Secrets in Disguise Where stories live. Discover now