***
Cary POV
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa kambal, sa wakas nagkaayos na rin sila kahit parang naging ma-drama ang ganap nila.
"Masanay ka na sa ganyang eksenang parang sa drama" biglang sulpot ni Cole sa gilid habang nakangiting nakatingin din sa kambal.
"Ang cute nilang tingnan" para kasi silang mga bata na nagkabati after mag-agawan sa iisang candy.
"Ganyan talaga silang dalwa kapag nagkakaroon ng away o tampuhan sa isa't isa. Mag-iiyakan silang parang mga bata"
Hindi ko in-expect na makikita ko yung ganitong soft side ni Ianne— he genuinely love his sister.
"Eh kayo kelan?" naguluhan ako sa biglang tinanong ni Cole.
"Anong kelan?"
"Ayos na ang kambal, eh kayo kelan magkaka-ayos?" napaiwas naman ako ng tingin ng ma-realize kung ano yung tinutukoy n'ya.
"Ayos naman kami" sagot ko sa kanya.
"Alam mo yung tinutukoy ko, Cary"
"Walang aayusin kasi hindi naman naging kami" mapait kong sabi.
"Pero binalak niyo na magkaroon ng salitang 'kayo' " dapat pa bang balikan yun?
"Wala na akong balak na ibalik pa at subukang gawin ang salitang yun, dahil sa simula pa lang wala na dapat kaming binalak na buuing salita" at dapat hindi ko na rin hinayaan na may nabuo para hindi ganun kasakit ngayon.
"Sigurado ka bang wala na talaga?"
"Wala na talaga Cole, may mga bagay na kailangang tapusin na agad kahit wala pang nasisimulan. At may mga bagay rin na hindi mo na din dapat balakin at buuin pa"
Kahit gaano mo pa gustuhing simulan ang isang bagay kung hindi rin naman aakma sayo mabuti na lang na huwag na lang simulan. At kahit gustuhin ko man hindi pwede.
Masakit na sa lahat ng tao bakit siya pa? Bakit kailangang siya pa kung kelan pwede na.
###
"This is too much! Argh!" napakamot na lang ako sa batok habang nakatingin sa reaksyon ni Khiya.
"Sa music room na lang tayo maglinis"
Music room at art room ang naka-assign na linisin naming anim ngayong araw— ngayon kasi yung simula agad nung punishment namin.
"As if I have a choice" napapaisip tuloy ako kung may alam ba sa paglilinis ito?
Sa apartment kasi hindi naman siya naglilinis, hindi sa sinasabi kong ako lang yung naglilinis ah. One time kasi na gusto niyang i-try wala pang isang oras ayaw na niya— ni paggamit nga ng vacuum cleaner hindi din siya maalam.
"I hope we don't encounter them inside the music room"
"Wag kang mag-alala for sure na sa art room sila maglilinis"
Kilala ko yung dalwa, they love arts like I do, kaya mas pipiliin nilang sa art room maglinis kesa sa music room.
Hindi pa rin nawawala sa isip ko yung nangyari sa aming tatlo kahapon, hindi ko tuloy alam kung paano sila haharapin ngayon.
Nahihiya tuloy ako. Nakokonsensya.
"Ay Khiya, mauna ka na pala dun" hinto ko.
"Why?"
YOU ARE READING
Secrets in Disguise
RandomShe's Kyianna by her true personality but forced to be Khiya to hide her identity. Her two-faced character makes it hard not just to hide who she was but also to conceal her unsettled feelings for someone she can't get over with. Many new faces an...