41: Sunset

1 0 0
                                    


***

Carysse POV

Napayuko na lang ako dahil hanggang sa makarating kami ng camp ay hindi pa rin ako iniimikan ni Jhaya.

"Are you okay, Cary?" lapit naman ni Lian sa akin.

"Yeah, nandyan ka na pala. Si Khiya?" sila kasi yung magkakasama.

"Ah... ano kasi" bigla siyang nag-iwas ng tingin.

"Hoy Jhas, bakit hindi niyo kasama si Khiya?" napalingon naman kami bigla kay Ianne.

"Nagpaiwan siya, kasama si Razz" kunot noo naman akong napalingon kay Lian, tumango lang siya.

"Si Khiya at Razz? Iniwan niyo silang dalwa lang? Baka mamaya magkagulo lang silang dalwa" biglang tayo sa gilid ni Cole.

"Nagpaiwan sila kasi hindi pa daw nila nahahanap yung flag nila" dagdag ni Lian.

"Kaya nga kayo magka-group— "

"Oh baka naman may nangyari kaya gusto niya na magpaiwan" makahulugang sabi ni Ianne at matalim na napa-tingin bigla kay Jhas.

"What are you trying to say?" balik niya ng tingin kay Ianne— the tension.

"You know what I mean"

"Ianne, Jhas is telling the truth walang nangyari they insist it, we just respect their decision" biglang depensa ni Lian dito.

"Kung sa bagay, may makakahinga siya kung si Razz ang kasama niya kesa sayo" sarkastikong sabi nito bago umupo.

"Hahayaan mo lang yung dalwa? Baka mamaya iwan nun si Khiya" alalang sabi ni Cole.

"Loko loko lang si Razz pero hindi yun gago, you know him" ngisi nito dito.

"Sorry kung iniwan namin sila dun" biglang paumanhin ni Lian.

"Hindi mo kasalanan, worry less" pampalubag loob ko sa kanya.

"Mukhang nakikita ko na kung sinong maghuhugas ng plato" nakarating na din pala sila Fryanz.

"Don't jinx it! Leigh! Are you okay?" lalapit din sana ako dito para i-check siya dahil mukhang hindi siya okay pero napaatras na lang ako ng ilingan ako ni Jhaya.

"Bakit ganyan— "

"Hoy, Drix! May ginawa ka na naman ba sa kanya?" masamang lingon ni Jhaya dito.

"Jhaya, I'm okay— "

"No! Kahapon pa namumuro sa akin 'yan! Akala niya ba hindi ko alam na hinayaan ka lang— "

"Please, Jhaya" patigil na nito sa kanya.

"What happened ba?" lapit din ni Lian.

"Wanna guess what?" makahulugang sabi ni Fryanz, tsaka malokong ngumisi kay Leigh at Drix.

What happened?

"Shut up, Fryanz. Wala kang narinig o nakita" malamig na sabi ni Drix dito.

"Ano ba yun?" maging ako ay naging curious na rin.

Secrets in Disguise Where stories live. Discover now